CHAPTER FOUR
“Science brings forth technology due to its improvisation on man’s life. Therefore, we can say science gives way to the birth of technology.” Malinaw na pagpapaliwanang ni Jeff bilang recitation niya sa Science I. Tahimik siyang umupo matapos nito.
“can you give me traces of technology that coincides with his answer? Or does any of you disagree with Jefferson’s answer?” pagpapatuloy ng kanilang guro sa talakayan ng agham at teknolohiya.
“Ayos sagot mo Jeff!” bati ni Arndrei sa kaklase. Isa ito sa mga unang naging kaibigan niya sa I-Socrates.
“Sshh. Mamaya ka na mangulit. ‘Pag na-tripan ni ma’am na tawagin ka, sige di kita tutulungan.” Pabulong na sagot ni Jeff.
Dalawang linggo matapos ang unang araw ng pasukan. Hindi nagging magkaklase si Jeff at Ice. Konting adjustments lang naman ang kinakailangan sa side niya. Iba-iba rin naman kasi ang mga tao, pero dahil lalaki siya, mas naging madali ang adjustment sa school na ito. Iniisip niya kung ganoon din si Ice. Dalawang beses palang kasi sila nagkakausap since last week, mahirap pa kasing mag-adjust ng oras at malaki ang school. Napag-usapan nila na halos parehas ang mga teachers at regular subjects nila. Sa mga special subjects like PE, Computer at Home and Livelihood Education, hindi pa nila sure kung magiging magkaklase sila. Wala pa kasing regular meetings para doon. Bukas ang official student level meeting para sa mga special subjects sa gym.
“ …. We start with this group activity after all had selected any basic and simple scientific principles that gave way to simple then complex technology. Afterwards, you have to form a group with 5 members then follow the instructions I handed to you. Deduction of points will be done on quiz scores, if members misbehaved within the duration of our activity.” Nagpapaliwanang na pala ang kanilang guro sa groupwork. Nilingon na niya ang mga kaklase upang humanap ng potensyal na ka-grupo.
“Jeff, dito!” tawag sa kanya ni Ginger. Dalawa nalang ang kulang sa grupo nila. Habang naglalakad na siya papunta doon ay binitbit na niya ang nakaupo pa at nagsusulat na si Arndrei. “Oy! Teka, di pa ko tapos dito.” Reklamo nito.
“Pag ‘di tayo pumunta doon, mawawalan tayo ng grupo. Mapupunta ka dun sa mga tamad. Bahala ka.” Paliwanag niya.
Nagmadali na silang maglakad ng tahimik dahil nakatingin na sa kanila ang guro na binubuksan ang class record.
Natapos ang two-sessions na science nila. Tumunog na ang lunch bell at naglabasan na ang mga kaklase ni Jeff, habang siya naman ay nagpaiwan upang ayusin ang gamit.
Pagkalabas ni Jeff sa classroom ay may tumapon na chips at ice tea. Hindi niya iyon napansin pero narinig niya, mukhang sa bandang likuran niya ito nangyari. Napansin lang niya na nagtinginan sa direksyon niya ang mga taong naglalakad papunta sa cafeteria. Nilingon na rin tuloy niya ito at dun siya nagulat. Dali-dali niyang nilapitan ang babae na nagliligpit ng tumapon na mga pagkain sa may pintuan.
“Miss, naku, sorry. Hindi ko sinasadya…” Tarantang pagtulong ni Jeff.
“Uhm, hindi ko rin kasi tinitignan ang dinaraanan ko.” Mahinahong sagot sa kanya ng nakasalaming babae. Hindi ito natataranta bagkus pa nga ay masinop nitong nililinis ang kalat. Napansin ni Jeff na basa ang uniporme nito sa kanang balikat dahil sa ice tea. Hindi niya mawari kung anong kahihiyan at paghihingi ng patawad ang gagawin niya.
“Miss, sorry talaga, uhm, hintayin mo ako diyan, kukunin ko ang extra na uniform ko para makapagpalit ka.” Dali-daling tumakbo si Jeff papunta sa locker niya upang kunin ang damit. Binalikan niya na nagtatapon na ng kalat ang babae.
“Ano, ah, pasensya na, hindi ko na natanong ang pangalan mo. Heto ang t-shirt ko. Magpalit ka muna.”
“Thanks. Buti may extra shirt ka diyan,” binasa muna nito ang pangalan sa ID niya “Jefferson. Ako nga pala si Grace.” Lumakad na ito patungo sa ‘di kalayuang CR. “Nakakahiya naman, kawawa naman siya dun.” Pag-iisip ni Jeff. Dahil sa guilt na nararamdaman. Hinintay niya si Grace upang masigurong ayos ito.
Sa loob ng CR, pinagtitinginan si Grace ng mga tao. “Hay naku naman… kung kelan naman wala akong kasabay mag-lunch.” Mabilis siyang pumasok sa isang cubicle at nagpalit. Paglabas niya ay konti nalang ang tao. Inayos niya ang sarili, pati ang salamin sa mata upang makita nang maayos ang repleksyon sa salamin.
Naalaala niya kaninang recess..
“Ice, ipipila na kita mamaya for lunch?” Tanong niya sa papalapit na kaibigan.
“Mauna ka muna. Kukunin ko kasi ang class list sa registrar’s office para kay Ma’am Jade” paliwanag nito.
“Sige, kita nalang tayo sa dorm mamaya. Bukas nga pala yung special classes.” Paalala niya ditto.
“Oo nga pala. Ako nang magdadala nung order mo na uniform.” Alok ni Ice sa kanya. “May food dun sa cupboard natin, sa’yo nalang para merienda.”
Bumalik ang isip niya sa nangyari ngayon. “Di bale, isasauli ko nalang itong tshirt bukas ng umaga para may magamit naman yung nagpahiram.” Wika niya sa sarili. Lumabas na siya ng CR.
Napatingin agad si Jeff kay Grace. Noon lang niya talagang nakita ang mukha ng natapunan niya ng pagkain. Maaliwalas ang mukha nito at maganda, isip ni Jeff. Kahit na naka-half glasses ito ay bumagay ito sa kanya. Nakakatuwa itong tingnan dahil medyo maluwag sa kanya ang medium na t-shirt.
“Grace, pasensya talaga. Pati yung lunch mo naitapon dahil sa akin.. Yan nga palang damit, isauli mo nalang kung kalian mo pwedeng maisauli.”
“ Salamat dito sa shirt. Oo nga eh kakabili ko lang nung food kanina.” Paliwanag ni Grace. “Sige una na ako sa classroom.” Lalakad na sana ito papalayo pero pinigil ni Jeff.
“Teka, hindi pa din kasi ako nag-lu-lunch. Kung gusto mo, papalitan ko nalang yung natapon.” Hindi alam ni Jeff kung papayag ang kausap, pero at least inoffer naman niya ng maayos ito.”
Tinignan ni Winter Grace si Jeff para malaman kung seryoso ito. Mukha namang nagsisisi talaga siya, isip niya sa sarili. “Sige. Salamat ulit.”
----------------------
Tapos nang makuha ni Ice ang Reg. form sa office. Twenty minutes pa bago matapos ang lunch kaya pumila na siya sa cafeteria. Naaninag niya si Jeff sa malayo pero papaliko na ito sa second floor.
“Sayang, din a kami nag-abot. Kamusta na kaya iyon?” tanong niya sa isipan.
Habang nakapila siya ay napansin niya ang mga pagkain na ibinebenta, particular na ang dessert. Mayroon milk-jelly na malamig. Naisip niya ulit si Jeff. Paborito kasi nilang dalawa iyon nung nasa elementary pa sila. Tahimik siyang ngumiti at maya-maya pa ay umorder na ng pagkain.
BINABASA MO ANG
SA SUMMER NAGSIMULA
Teen FictionMinsan may nagtanong sa akin, "kailan mo ba masasabi na love na yun at hindi crush lang?" syempre, ang daming theories ang tumakbo bigla sa isip ko... paano mo ba maipapaliwanag 'yun ? magulo eh~~~ AT DUN KO NA NAISIP NA...