CHAPTER 2

129 3 0
                                    

Chapter 2 

Konti palang ang tao sa pool nang umagang iyon. 

Tinanghali na ng gising si Jeff kaya nakita na niyang naghihintay si Ice sa poolside. Sisigaw sana siya para matawag ang pansin nito pero natigilan siya. Nakakatuwa kasing pagmasdan si Ice habang ang repleksyon ng tubig sa pool ay naglalaro sa mukha nito. Hindi niya alam, pero tuwing malayo si Ice, natutuwa siyang pagmasdan ito. Halos isang taon na rin mula ng magpagupit ang kaibigan niya kaya lampas-balikat na ang buhok. Natural naman ang pagka-mapula ng pisngi nito kahit medyo kayumanggi ang kulay ng balat. Nakakatuwa din pagmasdan ang mga mata niya na malamlam, para bang kakagising lang na bagay sa mahaba nitong pillik-mata. Hindi alam ni Jeff kung bakit, pero, kahit na mahigpit niyang kakumpitensya sa grade si Ice ay nag-eenjoy siyang makipagtagisan ng isipan dito. Never pa niyang naka-encounter ng kasing sipag at galing mag-strategy na babae sa klase nila kaya naman tuwang-tuwa siya na barkada niya ito. Lumakad na siya papalapit sa kinaroroonan ni Ice pero may tumawag sa kanya mula sa reception area. Bantay pala ngayong sabado si Franco. Nilapitan siya nito at kinausap. 

Kanina pa nakaupo si Ice sa poolside. 

Hindi pa naman siya naiinip dahil pinagmamasdan niya ang mga matatanda na nag-aayos ng dala nilang food basket sa di-kalayuang cottage. Biglang napukaw ang atensyon niya sa mga taong naglalakad. 

Si Jeff yun ah...San kaya punta nun? Tanong niya sa sarili. 

Biglang naisip ni Ice nung debate period nila sa Civic Studies sa klase. Grade 5 sila noon at nataong kalaban niya ang grupo nila Jefferson sa topic na "Industrialization". Hindi talaga tumitingin si Jeff sa kanila habang pinapaliwanag ang Anti-Industrialization side nila. Ganoon pa man, nahirapan siyang palusutin ang Pro-industrialization side dahil sa galing nitong magsalita. Napangiti si Ice dahil doon niya unang napansin si Jeff. Ang natatandaan niya ay mas maliit pa sa kanya si jeff dati. Pero habang nakatingin siya dito ngayon, ang tangkad-tangkad na ni Jeff at parang palangiti pa. Medyo singkit kasi ang mga mata ni Jefferson kaya parang palaging masaya. May iba pa eh... meron pang nag-iba sa kanya... hindi alam ni Ice kung ano ba yung pakiramdam niya habang nakatingin kay Jeff. Bigla nalang napansin ni Ice na kumaway sa kanya si Jeff at naglakad na ito nang papalapit. 

'Kanina ka pa?" tanong nito sa kanya. 

"Medyo. Wala pa ba yung iba?" sagot ni Ice dito. Umupo muna si Jeff sa kabilang upuan bago nagsalita. "Sa Nipa hut daw tayo pwede sabi ni Franco. Cancelled daw kasi ung nagpa-reserve kaya pwede tayo doon for free." Paliwanang pa nito. " O, ayun na pala sila Carol sa labas o. Tara, tumulong na tayo para di masayang ang umaga. Mamaya mainit na naman." 

Tumayo na si Ice at tumulong magbaba ng gamit. 

After 2 hours, dumami na ang tao sa pool. Nasa kalagitnaan ng laro sila Jeff at patawa ng patawa si Brian kaya hindi matapos-tapos ang pasahan ng inflated beachball na ginagawa nila. Tumalikod si Caroline sandali para magtali ng buhok. Paatras noon si Jeff para saluhin ang bola na ibinato ng kaibigan nila nang matabig niya si Caroline. Hindi na nakasigaw ang dalawa kaya tinamaan ng panga ni Jeff ang noo ni Caroline at tuluyang nadulas ang dalawa sa tubig. Mabilis na sinalo ito ni Jeff bago pa tumama ang likod ni Carol sa tiles ng pool. Umuubo sa pagkalunod si Carol habang nakahawak sa braso ni Jefferson. 

"Carol, sorry. Okey ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Jeff. 

"Sakit ng ulo ko." Umuubong sagot ni Caroline sa kanya. Halatang napalakas ang pagtama sa kanya ni Jeff dahil sa pamumula ng kaliwang bahagi ng kanyang noo. Mabilis nagtakbuhan papunta sa kanila sila Brian. "Ano nangyari kay Carol?" Halata ang biglang pag-aalala sa boses nito. Sa mga oras na iyon ay maingat na inaakbayan na ni Brian si Carol papalakad sa Nipa hut. Kumuha na ng yelo at panyo si Ice na nagmamadaling tumakbo sa lugar nila. "eto oh, Carol, lagay mo sa noo mo." Inasikaso muna nila si Carol bago nagpasiyang tumigil muna ang lahat sa pagsu-swimming at kumain na rin ng tanghalian. Si Brian na ang nag-asikaso kay Coraline habang umalis si jeff papunta sa admin office ng resort upang kumuha ng yelo at gamot. Sa sandaling yoon, medyo sumeryoso ang kilos ni Brian. 

Hapon na nang makapaglaro muli ang barkada ni Ice. Simpleng paunahang lumangoy sa kabilang side ng pool ang ginawa nila. Pasado alas-sais na ng gabi ng matapos sila. Maayos na rin ang kalagayan ni Carol. Sa fountain side, kaharap ang papalubog na na araw, nakaupo at nagpapahinga ang magbabarkada. 

"Kelan kaya mauulit ito no?" umupo si Jeff sa tabi ni Ice habang umiinom ng ice tea na dala nila. 

Orange,pink at blue na ang kulay ng langit dahil sa takip-silim. Malamig na din ang mahinang ihip ng hangin. 

"Hm? Hay naku, bigla ko tuloy naisip na nami-miss ko ang summer. Malapit na ang pasukan...." uminom na rin ng ice tea si Aicelle. Yung pakiramdam ng excited ay nahahaluan ng lungkot... masayang pakiramdam pero dinadala nalang ng simoy ng hangin papalayo.

SA SUMMER NAGSIMULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon