*Alexis Pov
Today is Tuesday..... Wala akong gana pumasok dahil sa natuklasan ko kagabi, my gosh I can't believe it na may ganung klaseng party.... Ito yung nakasulat sa invitation...
**********Our yearly celebration of being united is finally coming**********
You are cordially invited Mr/Ms. Avery Vasquez to be one of our guest as we celebrate the one of the most awaited event of our group.
Theme : Black (Formal)
Time : 10:00 PM
Date : December 8, 2018
Venue : Purpose Special Event Place CenterNote : Please bring something shiny.
Ano ba kasi itong party na ito seriously 10PM? Actually yung normal party pauwi na ng gantong oras eh and ilang days nalang pala ang natitira at wala pa akong pera para makabili ng black dress or gown, maybe I should talk to Ms. Martinez regarding about this party...
-------------
Kanina pa ako paikot-ikot dito sa hallway kung saan ko palagi nakikita si Ms. Martinez pero hanggang ngayon hindi ko pa siya nakikita buti nalang vacant namin.....Where I can find you Ms. Martinez
May nahagip ang mga mata ko na parang si Ms. Martinez at hindi nga ako nagkamali siya nga kaya dali dali akong lumapit...
"Ms. Alexis naramdaman kong kailangan mo ako kaya pinuntahan kita" napatulala ako sa pagkakasabi nya.
"Ms. Martinez yung about po kasi sa party parang nakakagulat po kasi ano po bang meron sa party na yun? Tanong ko.
"Alam mo Ms. Alexis wag ka magpapadaig sa utak mo kung ano man yang nasa utak mo hindi totoo iyan at hindi ko pwedeng sagutin ang iyong tanong dahil pribado ang party na ito malalaman mo lang pagnakarating kana doon" paliwanag nya.
"Ah sige po mauuna na po ako Ms. Martinez may klase pa po ako" sagot ko
"Sige Ms. Alexis mag-aral ng mabuti at kung may nais ka pang itanong wag ka mahiyang lumapit saakin salamat"
Pagkatapos nun ay umalis na siya....Nawala nanaman ang utak ko habang nagkakaklase wala nanaman akong naintindihan.....
Sana nga maging mabuti ang lahat....
![](https://img.wattpad.com/cover/214359819-288-k835032.jpg)
YOU ARE READING
Huling Trip ng Barkada
Cerita PendekHanda kana ba? Gusto mo bang maging parte ng aming barkada?