2: Azure

856 43 6
                                    

Inaantok pa si Azure pero wala na siyang ibang nagawa kundi buksan ang shower at hayaang mabasa ng malamig na tubig ang mukha niya.

Marami siyang nakalinyang gagawin ngayong unang araw ng klase. Pero una, kailangan muna niyang maghanda.

Awtomatiko na ang kilos ni Azure sa shower. Naglagay siya ng shampoo sa buhok niya at kinuskos itong mabuti. Pagkatapos ay naglagay naman siyang conditioner sa gitna hanggang sa dulo ng buhok niyang lagpas balikat. At nang masiguradong okay na ang conditioner niya ay hindi niya agad ito binanlawan at sa halip ay kinuha niya ang shower cap niya at isinuot ito.

Sunod na naglagay ng facial wash si Azure. Maingat siya sa direksyon ng pagmamasahe sa mukha niya dahil ayaw niyang mabanat ang balat niya at magkaroon siya ng wrinkles ng maaga. Nang makuntento ay naghilamos na siya at kinuha naman niya ang papaya soap niya. Morena siya at hindi naman siya insecure sa kulay ng balat niya pero ayaw niya rin naman masyadong mangitim, lalo na't may naka-schedule siyang out of town trip sa susunod na linggo at nakasisiguro siyang mabababad na naman siya sa arawan.

Gamit ang loofah niya ay kinuskos niya ang katawan niya ng papaya soap. Maingat din siya sa pagkuskos dahil kapag masyado siyang nanggigil ay nadadamage ang balat niya.

Habang nagsasabon siya ay naisip niyang magandang ideya siguro na gumawa siya ng video tungkol sa shower routine niya. Saglit niyang hinugasan ang kamay niya at nagpunas para kunin ang cellphone niya na nasa labas lang ng shower area. Sa notes app niya ay may listahan siya ng video ideas niya at dun niya idinagdag ang panibagong naisip niya.

Pagkabalik ni Azure ng cellphone niya sa may labas ng shower area ay nagbanlaw na siya ng buhok at ng katawan. Habang umaagos ang tubig sa katawan niya ay iniisip niya ang camera angles na kailangan niyang gawin para makuhanan ang sarili niyang naliligo. Maliban sa kailangan niyang masiguradong hindi mababasa ang mga camera niya ay kailangan din niya siguraduhin na hindi niya makukunan ang maseselang bahagi ng katawan niya.

Pinakahuli sa ritwal ni Azure ang pag gamit ng feminine wash. Habang busy siya sa paglalagay nito ay naalala niyang kailangan niyang magpa-wax bago ang byahe niya sa susunod na linggo para makapagsuot siya ng two-piece swimsuit. Hindi pa nga niya napa-plano kung anong damit ang susuotin niya at kung anong swimsuit ang gagamitin niya.

Nang makapagbanlaw ay nagpunas na si Azure at lumabas ng shower area. Nagsepilyo muna siya bago lumabas ng CR.

Maliit lang ang condo unit ni Azure pero lalo ito nagmukhang maliit sa dami ng damit na nakakalat sa kwarto niya. Mayroon siyang mga damit na nakasampay sa upuan ng vanity dresser niya, nakapatong sa kama niya at ilang mga pang ibaba na nakakalat lang sa floor. Sigurado siyang malinis ang lahat ng mga damit na nakakalat sa kwarto niya dahil may basket siya ng labahan sa CR at sa tapat ng pinto ng kwarto niya. Makalat lang talaga siya kapag naghahanap ng damit na susuotin sa umaga.

Sa cabinet niya ay kumuha siya ng panty na susuotin at saglit na tiningnan ang collection niya ng mga bra. Hindi niya naplano kung anong outfit ang isusuot niya ngayong araw kaya't hindi siya sigurado kung kailangan niya ba ng strapless, ng kulay itim o skin toned o kung kailangan niya ba talaga mag-bra o mag nipple tape na lang.

Humarap siya sa salamin at inisip ang mga gagawin niya ngayong araw. May breakfast meeting siya kasama ang Pilmers tapos may isa't kalahating oras siyang klase ngayong umaga. May bakante siya pagkatapos ng klase niya kaya mag-eedit na lang siya ng video niya bago magtanghalian at pumasok sa mga panghapon niyang klase. Hindi niya kailangan magayos ng sobra para sa klase niya kaso sigurado siyang may photoshoot na namang magaganap mamaya pagkatapos ng meeting niya kaya kailangan maganda ang porma niya.

Kailangan ni Azure ng porma na maganda pero casual lang tingnan.

Tiningnan niya ang mga damit niyang nakakalat sa kwarto at nakita ang kulay pink niyang skater skirt. Pinulot ni Azure ang skirt at pinagisipan kung anong pang itaas na magandang iterno roon. Naalala niyang meron siyang white long sleeve top na may laces na babagay sa skirt na hawak niya kaya't hinanap niya iyon sa cabinet niya. Nang makita ang naturang top ay nagbihis na si Azure at naupo sa harapan ng vanity dresser niya.

PeripheralsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon