Pagkatapos maglagay ng light makeup ay naupo na si Azure sa tapat ng vanity dresser kung saan siya madalas mag-vlog. Inihanda niya ang dalawang camera na nakatapat sa kanya at siniguradong okay na ang focus nito. Naka-set up na ang ring light na madalas niyang ginagamit pero parang may kulang pa rin sa lighting niya kaya kumuha siya ng light stand para sa backlight niya.
Sunod na inihanda ni Azure yung lavalier microphone niya at recording program. Hindi niya kasi gusto ang tunog na naire-record ng camera niya kaya pinagaralan niyang gumamit ng separate na sound recorder at ipinapatong na lang niya ang sound recording sa video tuwing nage-edit siya. Medyo dagdag sa trabaho sa page-edit pero para kay Azure ay worth it naman dahil naiiwasan niya ang echo na nasasagap ng camera mic niya dati.
Nang masiguradong okay na ang sound niya ay muling tiningnan ni Azure kung okay na ang lighting niya, camera angle at focus. Kinuha na niya ang phone niya at inihanda ang mga tanong na nakuha niya mula sa mga fans niya. Nang matapos ang final check niya ay pinindot niya ang start sa recording ng cameras niya at ng mic niya.
"Hi guys! Testing testing. Mic test. Camera test. One, two, three." Nagsalita si Azure at gumalaw galaw habang nagrerecord. Nang mabuo ang thirty seconds ay itinigil niya ang recording para icheck kung wala itong naging problema.
Nang ma-satisfy sa test recording niya ay sinimulan na ni Azure ang totoong recording niya.
"Hello!" Mahabang bati ni Azure sa unang camera niya bago siya lumipat ng tingin sa pangalawang camera sa gilid. "This is Azure Vega and we're back to another episode of love advice kung saan sasagutin ko ang ilang love problems niyo ala-MYX VJ minus the playing of music videos kasi alam niyo naman, di ko afford yung royalties."
Tumawa si Azure at muling binalik ang tingin sa unang camera niya. "As usual kumuha ako ng mga question mula sa Youtube, Facebook, Instagram at Twitter. I picked out questions randomly so kung gusto niyong masagot ko ang mga katanungan niyo sa susunod na vlog ko, subscribe to my channel if you haven't already, follow me on my other social media accounts, leave a like and make yourself known by leaving a comment!"
Tinigil ni Azure ang recording pagdating sa puntong iyon at mabilis na tiningnan kung okay lang ang recording niya. Medyo nakakalito tingnan ang dalawang camera angles niya pero alam niyang magiging maayos din ito tingnan pagkatapos i-edit. Kailangan masigurado ni Azure na maganda at entertaining ang videos niya para dumami pa lalo ang mga subscribers niya. Nang walang makitang mali ay pinagpatuloy na niya ang pagrerecord.
"Ang unang tanong ay galing kay @bloatedcheeks sa Twitter. Ang tanong niya, 'may hangganan po ba ang paghihintay mo sa taong mahal mo?'" Tumingin si Azure sa pangalawang camera para sumagot. "Hindi ko alam kung bakit mo hinihintay ang taong mahal mo. Umalis ba siya? O di pa dumarating? Kasi kung di pa siya dumarating, sinasabi ko na sayo. Wag kang mapapagod maghintay dahil pag dumating siya, sobrang worth it. Pero kung umalis naman siya--ako lang to ah--pero di ba kung mahal ka niya dapat di ka niya iniwan?"
Ibinalik ni Azure ang tingin sa unang camera at ngumiti ng malapad. "Okay, next question! Galing kay @El_Castillo0812 sa Instagram. 'Bakit mahirap lumabas sa isang sitwasyon kahit nahihirapan o nasasaktan na?'" Tumingin si Azure sa camera para sumagot. "Mahirap makaalis sa isang sitwasyon kasi minsan maraming good memories yung place na yun na natatakot tayong baka pagsisihan natin kung iiwan natin. Pero isipin mo, the mere fact na you're considering leaving is already a sign that maybe it's time to move on to better things?"
Muli nang tumingin si Azure sa unang camera. "Basta, before making a decision, always, always think about it. Baka naman nadadala ka lang ng emosyon mo. Sleep on it din. Baka makatulong." Kumindat si Azure sa camera at inilipat ang tingin sa pangalawang camera. "Next question ay galing kay @ImHerBeast dito sa Youtube. Ang tanong niya, 'bakit kahit ibinigay mo na yung best mo, naging mabuting tao ka para sa kanya, ay hindi pa rin sapat para ikaw yung piliin nya?'
BINABASA MO ANG
Peripherals
RomanceA GirlxGirl story. Si Sora Santander ay kabilang sa eSports program ng De La Torre University samantalang si Azure Vega naman ay kilalang lifestyle vlogger sa Youtube. Pareho silang nasa pangalawang taon na ng kolehiyo pero ngayon lang sila naging...