Tinipon ni Sora ang papel ng mga kagrupo at pinasalamatan ang mga ito sa tulong na binigay para sa project nila. Pinaalalahanan niya ang grupo tungkol sa shooting nila sa darating na Sabado at saka tinapos ang meeting.
Agad na nagsialisan ang ibang miyembro ng grupo habang hinintay naman ni Azure na matapos si Sora sa pag-aayos.
"May klase ka pa?" Tanong ni Paula kay Azure.
"Lunch break ko na." Sagot ng vlogger at saka nginitian si Sora.
"Tara, kain tayo?" Alok ni Paula, hindi napansin ang tingin ni Azure sa group leader.
"Um, may business kasi akong aasikasuhin. Next time na lang?"
"Okay, next time." Dismayadong sagot ni Paula. Kinuha na niya ang bag niya at nagpaalam kay Azure at Sora. "Kitakits sa Sabado!"
"Bye!" Sabay na paalam ni Sora at Azure. Nagkatinginan ang dalawang internet celebrities at napangiti. Nailagay na ni Sora lahat ng papel sa bag niya at tumayo.
"San mo gusto kumain?" Tanong ni Azure. "Libre na kita."
"Kahit wag mo na ako ilibre," nahihiyang sagot ni Sora. Lumabas na sila ng classroom. "Sa canteen na lang tayo?"
"Okay." Inabot ni Azure kay Sora ang hawak niyang brown envelope na naglalaman ng ilang video ideas niya. Agad itong binuksan ni Sora at nanlaki ang mga mata nang malaman kung anong nasa loob.
"Mukhang di ako nagkamali sa pagpayag sa collab natin," natatawang sabi ni Sora habang binabasa yung proposals. May proposal na magrecord sila ng video na tinuturuan niyang maglaro ng Ancient League si Azure at may proposal din na ime-makeover ni Azure si Sora.
"Pinagpaplanuhan ko kasi lahat sa videos na ginagawa ko." Nahihiyang sagot ni Azure. "Kailangan ko pa kasi alamin kung anong camera gagamitin ko saka pagpaplanuhan ko rin kung paano irerecord yung video para mapadali yung editing ko."
Binalik na ni Sora ang mga papel sa loob ng envelope at sinuksok ito sa bag niya. "Sa canteen na natin pagusapan to."
"Sige."
"May kinausap ka na ba tungkol sa collab natin?" Tanong ni Sora habang pababa sila ng hagdan. Nasa third floor kasi ang classroom nila at nasa kabilang building ang canteen.
"Yung Pilmers lang." Sagot ni Azure. Naalala ni Sora na Pilmers ang tawag sa barkada at kumpanya nila Azure. "Nagbigay sila ng advice para sa collab natin. Sinulat ko yung ilang ideas nila jan sa proposals."
"Should we announce we're collaborating?"
Napatingala si Azure sa gamer. Mas matangkad kasi si Sora kaysa sa kanya. "Sa nakaraang collabs ko, inaannounce ko two weeks before we release the collab videos. Usually kasi by that time, tapos na kaming magrecord at ie-edit ko na lang."
Tumango si Sora. "Two weeks. Okay, that's reasonable. Sabay na lang natin iannounce?"
"Sige."
Nakarating na sila sa ground floor at nag-excuse si Sora para mag CR. Sumunod si Azure para maghugas ng kamay at tingnan ang sarili sa salamin pero lumabas din kaagad siya dahil may tatawagan daw ito.
Habang nasa loob ng stall si Sora ay hindi niya maiwasang mapangiti dahil sobrang impressed siya sa pinapakitang professionalism ni Azure. Akala niya noon ay may pagka-shallow ang dalaga pero ngayon niya nalalamang seryoso pala ito sa mga ginagawa niya.
Pagkatapos mag-CR ni Sora ay lumabas siya para hanapin ang vlogger at nairita nang makitang napapalibutan na ito ng isang grupo ng Youtubers na sa pagkakatanda niya ay kilala sa mga prank videos nila. Nagrerecord ng video ang grupo habang pilit na ini-interview si Azure.

BINABASA MO ANG
Peripherals
RomanceA GirlxGirl story. Si Sora Santander ay kabilang sa eSports program ng De La Torre University samantalang si Azure Vega naman ay kilalang lifestyle vlogger sa Youtube. Pareho silang nasa pangalawang taon na ng kolehiyo pero ngayon lang sila naging...