3: Sora

622 61 40
                                    

Nagsuot si Sora ng jacket pagkatapos maghilamos at saka niya itinali ang mahabang buhok. Sunod ay binuksan na niya ang computer niya at inihanda ang mga programang kailangan niya sa pag-stream ng laro.

Habang hinihintay ang oras ng scheduled stream niya ay nagtimpla muna ng kape si Sora. Nagbukas siya ng test stream at tiningnan kung gumagana ang mic at camera niya.

Nag-online si Sora sa ibang social media niya at nag-post ng announcement na malapit na siya magsimula mag-stream at ini-attach ang link sa Strimmers profile niya. Nagbasa siya ng kaunti sa mga forums habang umiinom ng kape para tingnan kung anong meron sa Ancient League community. Nang pumatak ang oras ng scheduled stream niya ay ini-launch na niya ang stream niya at ngumiti sa camera.

"Magandang, magandang umaga sa inyong lahat!" Bati ni Sora sa camera. "Tapos na ako magkape at nakapagbasa na rin ako ng onting balita tungkol sa Ancient League. May update daw na mangyayari bukas ng gabi so i-ready niyo na yung mga computer niyo for the update! Security patches lang naman as usual tapos may patches din silang ire-release for some issues regarding Mage, Berserker at Healer.

"Wednesday, so katulad ng nakagawian ay Solo Rank tayo today. Para sa mga bago diyan, ang ibig sabihin nun ay maglalaro ako ng Rank pero wala akong iimbitahing kaibigan kaya kung sinong makasama ko sa team ay di ko kilala."

Nagstart na ng Rank game si Sora at hinintay na mag-connect ito at bumuo ng team.

"Feel ko mag-Archer ulit today, pero pwede rin naman akong mag-Berserker." Sabi ni Sora sa camera. "What do you guys think?"

Tiningnan ni Sora ang mga reply ng mga nanunuod sa stream niya.

@AttractedToHer: ARCHER ULIT!

@Syzy_0915: archer ulit ate ganda

@suomynona26: Berserker naman para maiba XD

@Hailynz: kahit ano, sure naman panalo sayo

@TiffBiersack: archer na lang idol

"Mukhang mas gusto niyo na mag-Archer ulit ako." Sabi ni Sora.

Nag-connect na ang Ancient League at ipinakita ang available characters sa screen ni Sora. Agad na pinili ni Sora si Archer. Pumili na rin ang mga kasamahan niya sa grupo at nakumpleto na ang team nila.

Habang naghihintay matapos ang loading ng game ay humarap na muna si Sora sa camera niya. "While waiting, I'm going to answer some of your question sa stream ko."

@itsdenniiisse: may boyfriend ka na po?

"Kung may boyfriend na daw ba ako?" Natatawang basa ni Sora sa chat ng fan niya. "Every day na lang may nagtatanong sa akin nito. Wala pa guys. Kahit nga manliligaw wala eh. Next question."

@pikachuchubells: eh girlfriend po?

Binasa ni Sora yung chat tapos binigyan ng nagtatakang tingin yung camera. "Girlfriend, ako? Wala po. Next question."

@dariiiider: crush na lang?

"Curious talaga kayo sa love life ko, ano?" Natatawang basa ni Sora. "Wala po akong crush. Wala akong time para magka-crush. Saka ewan ko, di ko rin alam anong type ko. Masasabi ko naman siguro sa inyo kung merong nakakuha ng pansin ko."

@jammjammjam: sadt :(

@kathreen143: baka may chance pa tayo, guys!

Natawa muli si Sora sa nabasa niya. "Magkaka-chance lang ata kayo sa akin kung kilala ko kayo sa personal. Try niyo pumunta sa mga tournaments namin para suportahan ang team DLTU ah?!"

PeripheralsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon