Pumasok si Sora sa airconditioned lobby ng condominium ni Azure at nadatnan ang vlogger na may binabasang announcement sa community bulletin board nila.
"Hey,"
Lumingon si Azure at agad siyang binigyan ng matamis na ngiti. "Hello there! Kanina ka pa ba diyan?"
"Hindi, kakarating ko lang. I brought snacks pala." Pinakita ni Sora yung dala niyang plastic bag na naglalaman ng ilang biscuit at chichirya para sa kanila.
"Hala, di ka na dapat nag-abala. May pagkain ako doon sa itaas."
"Well, more food for us."
"Alright. Tara na sa itaas?"
"Sure,"
Naglakad na sila papuntang elevators at napansin ni Sora na kinawayan ni Azure yung receptionist na siya namang ngumiti sa kanila. Sa loob ng elevator ay tahimik silang dalawa. Tiningnan lang ni Sora ang height difference nila sa reflection nila sa elevator doors. Maraming nagsasabi kay Sora na matangkad siya pero hindi rin naman nahuhuli si Azure. Iilang pulgada lang ang diperensya ng tangkad nila at kung magkakataong mag-heels si Azure sa tabi niya ay paniguradong magiging magka-height lang sila.
Tumigil ang elevator sa 11th floor at sinundan niya si Azure sa dulo ng hallway.
"Nag breakfast ka na ba?" Tanong ni Azure nang makapasok sila sa loob ng unit.
"Yep." Sinimulang tanggalin ni Sora yung rubber shoes niya at inabutan siya ni Azure ng indoor slippers na kulay pink at may mga drawing ng pusa.
"Cute ng tsinelas mo ah."
"Thanks, I have a whole set for me and my friends. Iba iba ng color."
"What's your favorite color ba?"
"What do you think?" Naglabas ng color blue na tsinelas si Azure at sinuot yun.
"Of course it's blue. I forgot your name is literally blue."
Natawa si Azure. "Ikaw ba, anong favorite color mo?"
"Blue rin."
"Dahil ba sky ang meaning ng pangalan mo?"
Namangha si Sora sa sinabi ni Azure. "Yeah, how did you know?"
"I think may nabasa ako online about how some people think you use the username 'ThunderSora' kasi you thought of sky elements that would pair well with your name and also kasi medyo malapit yung username sa 'Tandang Sora' which I think you got teased a lot of as a kid?"
"Kasama ba yan sa research mo sa akin?"
Nagkibit balikat si Azure. "Maybe?"
Natawa si Sora. "Both are true. I like the rain and lightning but it doesn't really ring well with my name kaya naging ThunderSora. Also, yes, pag inasar ka for a long time ng Tandang Sora mapapaisip ka rin na maybe it's good to take the name as part of my personality. Bayani pa rin naman si Tandang Sora and importanteng part ng history natin."
"Also, marami siyang Katipunerong tinulungan at dahil Healer support ka sa team niyo, it kinda sounds appropriate."
"I haven't thought about it that way but yes. That works too."
Inilibot ni Sora ng tingin ang condo unit ni Azure. Maliit lang ito at mukhang one bedroom unit, pero mas malaki kaysa sa dorm room niya. Maganda ang pagkakaayos ng combined living room and kitchen. Dahil corner unit ito ay may malaking bintana na nagliliwanag sa sala.
"Do you want coffee, tea, juice, soft drinks or tubig?"
Napangiti si Sora sa alok ni Azure. "Kumpleto ka ah. But I'll take the water."
![](https://img.wattpad.com/cover/214845541-288-k319027.jpg)
BINABASA MO ANG
Peripherals
RomanceA GirlxGirl story. Si Sora Santander ay kabilang sa eSports program ng De La Torre University samantalang si Azure Vega naman ay kilalang lifestyle vlogger sa Youtube. Pareho silang nasa pangalawang taon na ng kolehiyo pero ngayon lang sila naging...