Nang mawala ang magandang mukha ni Azure sa screen ni Sora ay napangiti siya sa paguusap nila. Hindi niya akalaing iimbitahan ito ng vlogger para sa isang collaboration video. Pero maingat si Sora sa mga nakakasalamuha niya sa internet. Ilang beses nang may mga kapwa streamer na sinubukang makipagkaibigan sa kanya para lang matikman ang kasikatan ni Sora. Ang ilan sa kanila, nagkunwari pang may gusto kay Sora at nanliligaw pa kuno. Ayaw na niyang magka-issue ulit.
Tapos na ang klase niya at binabalak niyang mag-edit ng video para sa Youtube channel niya noong tumawag si Azure. Ngayong curious na siya sa naturang vlogger ay ipagpapaliban na muna niya ang page-edit niya dahil gusto niyang malaman kung anong klaseng tao si Azure Reva Vega.
Nagbukas si Sora ng browser at ini-search ang pangalan ni Azure sa Google. May lumabas na Wikipedia article ni Azure at ilang feature article tungkol sa kanya at sa barkada niya. Unang binuksan ni Sora ang Wikipedia article.
Azure Reva Zubiri Vega (born 27 September 2000), is a Filipino Youtube personality, filmmaker, vlogger and co-founder of the multimedia company Pilmers Media, along with her friends Miguel Alonzo, Liu Mei Wang and Princess de Castro. She is known for her lifestyle vlogs and makeup tutorial videos.
Napatigil sa pagbabasa saglit si Sora dahil sa nalaman niyang business ni Azure. Tiningnan niya kung anong klaseng kumpanya ang Pilmers Media at nalamang nago-offer ito ng photography, graphic design, video at audio services. Karamihan ng kliyente nila ay mga businesses na nangangailangan ng brand promotions sa social media.
Binalik na ni Sora ang webpage sa Wikipedia article ni Azure para ipagpatuloy ang pagbabasa. Maiksi ang article pero nakasulat doon na movie producer at director ang mga magulang niya at may kapatid siyang news reporter.
Nang matapos sa Wikipedia article ay bumalik na si Sora sa Google search results niya at binuksan ang isang news article tungkol sa pagtulong ni Azure sa mga naapektuhan ng bagyo.
Youtube sensation Azure Reva Vega brings relief to victims of typhoon
She may be known for her makeup tutorial videos, but Azure Reva Vega proved you don't need makeup to have a beautiful heart.
The co-founder of Pilmers Media handed out food packs and hygiene kits to those affected by Typhoon Quinta. Together with charity group Royal Missionaries of the Philippines, Vega visited on Friday a temporary evacuation center that houses 312 individuals.Tinitigan ni Sora ang picture ni Azure na namimigay ng relief goods at napangiti dahil mukhang wala ngang suot na makeup ang dalaga. Bumalik na siya sa search results at sunod na binuksan ang isang article tungkol sa pagsimula ni Azure ng kumpanya kasama ang mga kaibigan niya.
Senior High School Youtubers to launch their own media company
Popular Youtube barkada Pilmers, consisting of Miguel Alonzo, Princess de Castro, Liu Mei Wang and Azure Reva Vega of Jupiter Academy Senior High School has announced the launch of their multimedia company Pilmers Media.
CEO and co-founder Princess de Castro said that they have "grown in the information age, where they were exposed to a lot of product promotions generated by an algorithm that tailors the ads to their specific needs, and yet there are a lot of businesses that hasn't used this algorithm to their advantage."
They created Pilmers Media as a way to help local businesses connect to their online markets by producing advertising materials worth sharing on social media.
"But it's not always about trending," Marketing Director and co-founder Azure Reva Vega said. "It's about providing the right solution for traditional businesses to compete in the online market."Tiningnan ni Sora ang date ng article at nakitang dalawang taon na ang nakakaraan nang simulan ng Pilmers ang kumpanya nila. Hindi niya akalaing makakapagsimula ng negosyo si Azure bago pa ito makatuntong ng kolehiyo. Kung dati ay hindi niya gusto si Azure dahil mukhang itong mayabang, maarte at mapagmataas, ngayon ay nagbago na ang isip niya tungkol sa dalaga.
Sunod na tiningnan ni Sora ang Youtube channel ni Azure kung saan nalaman niyang may 3.22 million followers ito. Madalas itong mag-post ng makeup tutorials, travel vlogs, at may show ito kung saan nagbibigay siya ng advice sa fans niya.
Kahit walang interes sa makeup ay pinanuod ni Sora ang tutorial video ni Azure kung saan pinakita nito kung paano gawin ang pangaraw-araw na makeup nito sa school. Maiksi lang ang video pero sa panunuod niya ay nalaman niyang may pagka-inglisera si Azure, may onting pagkamapili sa makeup na nilalagay sa mukha nito at napakagaling nito mag-edit ng videos. Smooth ang transitions, angkop sa mood ng video ang background music at may ilang pagkakataon pa na sumakto sa beat ang pagkilos ni Azure. Naka-earphones din si Sora kaya't napansin niyang maganda rin pakinggan ang boses ni Azure. Sa pagkamangha ni Sora sa boses ni Azure ay kahit nagbabasa lang ng label ng makeup ang vlogger ay parang kumakanta na ito para sa kanya.
Nagulat si Sora nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya kung sino ang nagmessage ay nabigla siya dahil nagpasa na ng plot draft para sa commercial nila si Azure. Binuksan niya ang file na pinadala ni Azure at sinuri ang laman nito.
Simple pero may dating ang gawa ni Azure. Hindi na magtataka si Sora kung nahasa ang marketing skills ni Azure dahil sa negosyo nila kaya't nagawa niya ang plot draft sa maiksing panahon. Kung tutuusin ay wala pang isang oras makalipas noong natapos ang video call nila.
Napahanga ni Azure si Sora at dahil wala naman siyang nakitang masamang balita tungkol sa vlogger ay mukhang magandang makasama ito sa isang collaboration video. Binuksan ni Sora ang calendar niya sa cellphone at nag-set siya ng reminder sa sarili na i-message si Azure pagkatapos ng tatlong araw. Kahit gusto na niyang tanggapin ang alok ng dalaga ay kailangan muna niyang maghintay ng ilang araw para masiguradong hindi siya magkakamali sa desisyon niya.
Dahil sa pagod at antok ay nahiga si Sora sa kama niya. May tatlong oras pa siya bago ang training niya kasama ang team niya kaya't nag-set siya ng alarm para umidlip. Sa pagpikit niya ay inisip niya kung anong klaseng collaboration video ang gagawin nila ni Azure.
===============
A/N:
Ma'am Santos, alam kong imposibleng mabasa mo tong sulat ko, pero kung nasaan ka man ngayon, gusto lang kita pasalamatan sa pagturo mo sa akin kung paano magsulat ng news at feature articles. Hindi man ako nag-journalism (katulad ng inaasahan mo sa marami sa amin), ay nagagamit ko pa rin naman ang mga turo mo.
Anyway, WHO'S EXCITED FOR THEIR COLLABORATION????
BINABASA MO ANG
Peripherals
RomanceA GirlxGirl story. Si Sora Santander ay kabilang sa eSports program ng De La Torre University samantalang si Azure Vega naman ay kilalang lifestyle vlogger sa Youtube. Pareho silang nasa pangalawang taon na ng kolehiyo pero ngayon lang sila naging...