Kabanata 2- Ang walang kwentang paguusap

12 1 0
                                    

“Hoy! Juvigail!, san ka pumunta kahapon ha? Alam mo bang last practice na natin yon?”

“Last practice agad leader? Agad agad? Eh kasisimula nga lang natin kahapon ah?” excited to? Pero talaga naman eh, kahapon lang kami nag practice tapos last agad?

“Oo, tinawagan ka nga namin nung sabado pero walang sumasagot nagtataka nga ako eh ang astig kasi nung number mo 09276543210, saan mob a nabili sim mo? Tapos pinuntahan naming yung binigay mong address, eh bakit lumang sementeryo yung nandoon?”

“Lumipat na kami, atsaka yung number na ibinigay ko, hula ko lang yon”

“Kaya naman pala eh” Ang corny naman nitong si leader, ang tanda tanda na naniniwala pa dun sa binigay kong number halatang halata naman na fake, uto-uto din eh, atsaka yung address, sementeryo? Eh ang ganda kaya nung lugar na yon ang lamig tuwing gabi tapos may bigla biglang nakikipaglaro na bata na sobrang puti, ang lamig ng balat at parang naka lipstick na itim tapos may dugo dugo pa, ang galling nga eh, tapos may naalulong pa tuwing saktong alas-dose ng gabi. Biglaan nga kaming lumipat eh may natagpuan kasing bangkay sa may lugar naming na bata, kamukhang kamukha nung batang nakikipag laro sa akin tuwing gabi.

“Oh, eto damit mo para bukas”

“Aray naman!” leche plan tong si leaderbatuhin ba naman ako ng costume na……….Ano to?! Plastic ng mga chichirya??? Ang dami!!

“Anong gagawin ko dito?” tanong ko sa kanya

“Try mong kainin” eh loko pala to eh, pakainin ba naman ako, hindi pa kaya ako gutom, hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil pinapakain nya ako o maaasar dahil alam nya naming busog ako papakainin nya pa ako, gusto nya na atang pasabugin ang tyan ko eh.

“Ayoko busog ako” sigaw ko sa kanya

“Atsaka mukang hindi masarap” pagpapatuloy ko

“At mabaho!!” sabi ko uli

*POINK!!*

“Aray leader!!” sigaw ko, aba’y batukan ba naman ako ng hawak nyang limang sobrang kapal na libro, as in sobrang makapal na mga libro, sakit non aba!

“Pilosopo ka eh! Kinakausap ng ayos eh!”

“Eh, kasi eh, puro ka eh, anon gang gagawin ko dito?”

“Mag patahi ka ng damit, gamit yan, basura ka kasi don sa play” basura talaga? Eh bakit hindi na lang sya, muka naman syang manika, oo manika, manika ng mangkukulam, butas-butas pa ang mukha ang daming pimples na parang bulking puputok, yakkk!!

“Eh bakit hindi na lang ikaw?”

“Narrator kasi ako, narrator! Naiintindihan mob a yon?” sabi nya sa akin

“Ah, hindi ko naintindihan, pipe kasi ako”

“Ewan ko sayo! Bahala ka nga dyan!” tapos ay tumalikod na sya, dinampot ko naman yung isang damakmak na plastic at inilagay sa bag ko ang kapal tuloy ng bag ko.

-----

ayan po sobrang ikli :) mahirap mag isip ih haha

kindly vote and comment 

Walang Forever!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon