Juvigail’s POV
“Kayo daw partner ni Michael sa play natin ikaw si Juliet, sya si Romeo” Sabi sa akin nitong leader namin
“Walang forever” Sabi ko sa kanya at inirapan ko pa siya
“Ikaw na lang Paula si Juliet” Narinig kong sigaw nitong si leader kay Paula na ka-group naming, mabuti pa nga, bakit kasi naniniwala sila sa forever!
“Alam mo ang pait mo” Napalingon ako sa nagsalita at dinilaan ang braso ko para tikman.
“Hindi naman ah”
“Hindi yan ang ibig kong sabihin, sabi ko ang bitter mo” pagkasabi nya non ay tumalikod na sya, leche plan tong si Michael ah, alam ko naming gusto nya lang maging partner kami. Pero no! no! no! a big NO!!. Wala nga kasing Forever!!!!!
Walang Forever! Kung meron bakit simula sa ka-nunu-nunu-an ko ay naghihiwalay sila? Ang naikwento lang sa akin ng lola ni lola, oo buhay pa sya. Sabi nya sa akin ang lolo at lola nya daw ay naghiwalay tapos ang magulang nya din nag hiwalay tapos sila ng asawa nya naghiwalay din tapos yung anak nya na magulang ni lola naghiwalay din tapos etong apo nya na si lola naghiwalay din sila ni lolo tapos etong magulang ko hiwalay na rin! Sinong matutuwa don?
Eh halos intayin na nila yung magiging asawa ko para saksihan ang paghihiwalay naming, ang saklap, kaya sinasabi ko sa inyo walang forever!!
*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!* *riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!*
“Hello?”
(Gail nasa ospital kami sinugod si Ray)
“Ano??!! Sige po magpapaalam muna ako ditto! Susunod na ako”
(Ok bilisan mo!)
*toooooooooot!!* *tooooooooooot!!*
Hayys!! Hindi ko na itanong kung saang ospital pero siguradong dyan lang sa malapit na ospital yon, lumabas na ako ng bahay nitong kaklase ko, oo nandito kami nag pa-practice.
“Hep!, hep!, hep!, where do you think you’re going?”
“Kukuha ng plais ipanghihigit dyan sa dila mo para matuwid!, magtagalog ka nga nasa Pilipinas ka, wag kang ewan dyan!
“Eh saan nga kasi?”
“Good! Marunong naman pala eh, sinugod si Ray sa ospital kailangan ko agad pumunta don, makikisabi na lang kay leader”
“Sure, ok, take care” Tumalikod na ako bago ko pa mahigit ang dila non, ayaw mag tagalog eh, si Misticka yon, yung Amerikana kong kaklase, englisera pero marunong magtagalog, maarte lang talaga kaya laging nag e-english eh sa pilipinas naman lumaki.
“Ma!, anong nangyari?” Umiiyak kong tanong kay mama
