Epilogue

7 1 0
                                    

Niyayaya nya akong manood ng sunset. Natataka nga ako eh. Sabi nya kasi never pa daw sya nakakanood non. Parang imposible naman.

“Francis!!! Dalian mo!!!! Baka mahuli na naman tayo!!” pagyayaya nya sa akin

“Wait lang nag bibihis lang ako!!” sagot ko naman

“Ano ba yan!! Sa labas lang tayo pupunta. Kailangan pang mag ayos?” sigaw nya uli mula sa labas ng kwarto ko.

“Gusto mo bang lumabas ako ng nakahubad dyan?”

“Sige na magbihis ka na Dalian mo!” lumabas ako ng kwarto at nakita ko syang nakaupo sa may tabi ng pinto habang yapos yapos yung tuhod nya at n aka pout pa ang cute!

“Ano pang tinitingin-tingin mo dyan? Dali tara na!” tapos ay hinila nya ako palabas

“Mag ingat kayo baka kayo madapa” sigaw ng mama nya. Oo ako to si Francis at ang nanghihila sa akin ay si Gail. Nagkabati kami, tinulungan kami ng buong pamilya nya at ng pamilya ko. Dito na rin ako sa kanila nakatira dahil umalis ang parents ko. Kaya sabi ni tita Gia, mama ni gail, ditto na muna daw ako. Nagulat ako ng may pumatak na tubig sa may bandang braso ko sa kanan na hawak ni Gail dahil sa pagtakbo naming.

“Naulan ba?” tanong ko. Tiningnan ko pero hindi naman

“Nakakaasar ka!!! Hindi ko na naman naabutan!!! Ang bagal mo kasi!!!!” sigaw nya sa akin. Umiiyak sya dahil lang don?

“Parang ayon lang?” at dahil sa sinabi ko. Pinaghahampas nya ako.

“Hoy! Tumigil ka na!!” at ayon tumigil na sya. Hanga din ako ditto eh pagsinabihan mong tumigil, titigil. Tinanong ko sya tungkol don sabi nya kesa naman daw mapagod sya.

Lumipas ang 2 buwan.

“F-franc-cis…..s-sun….e-et” sabi nya sa akin. May sakit si Gail. Matagal na. sinabi sa akin ng mama nya. May cancer sya.

“Gail, next time na lang nalampasan na tayo alas nwebe na, sorry” tumungo naman sya. Nanlulumo ako sa nakikita ko. Sobrang nipis na ng dating sobrang gandang buhok nya, namumutla na ang balat nyang dating mamula mula at ang katawan nya noong sobrang ayos sobrang payat na ngayon na halos buto’t balat na sya.

Gusto ko syang yayaing magpakasal pero sabi ng mama nya hindi na rin daw tatagal si Gail kaya wag na lang daw. Masasaktan lang daw ako.

“Please tita”

“Hindi na anak, diba sabi ko sayo na---“

“Tita, mahal kop o yung anak nyo, kahit hindi kop o sya makasama habang buhay basta gusto kop o syang iharap sa altar para patunayan na mahal ko sya kahit sino at ano pa sya kay please tita” Huminga sya ng malalim bago sumagot

“Ok”

“Thank you tita” ngumiti naman sya sa akin. Pero hindi yung ngiting masaya kundi alam kong pinipilit nya lang ngumiti.

Walang Forever!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon