*DING DONG!!*
“Buksan mo yung pinto, Gail. Huhugasan ko na tong kinainan natin” pumunta na ako sa may pinto at dahan-dahan ko yung binuksan baka kasi yung mga kidnaper yon eh. Pero imbis na mga lalaki ang makita ko. Dalawang babae na nakatayo na nasa 20 siguro ang edad. Ang ganda nila parang pang beauty queen.
“Anak sino yan?” tanong ni mama. Na nanggaling parin ang boses sa kusina.
“Hindi kop o alam ma” sagot ko naman. Naramdaman ko na lang na nasa tabi ko na si mama.
“Ma! Lang!” ha? Ano daw? ma? Lang? malang? Ang gulo naman ng mga to. Baka mga malalayong pinsan ko lang na napapasyal dito.
“Eto na ba ang apo mo Grace?” tanong nung brown ang buhok dito sa medyo ma pula ang buhok. Apo? Sino? Eto may apo na? imposible! Kung uso ang paghihiwalay sa pamilya namin. Sa kanila uso ang pag aanak naman ng maaga? Abay matinde to.
“Oo, la” sagot naman nung mapula ang buhok.
“Oh Gia, kamusta?” tanong nitong mapula ang buhok kay mama.
“Ayos lang ma” sagot naman ni mama. Ma? Imposeble baka ma lang ang palayaw.
“Gail, kamusta ka na apo?” tanong naman sa akin nitong mapula ang buhok
“Ayos lang po. Pero bago po ang lahat pumasok po muna tayo tapos paki-explain po kung anong meron. Bakit po ma ang tawag ni mama sa inyo. Ano po yung ma, lang?” tanong ko. Naguguluhan kasi ako eh. Bakit ba.
“Ah, haha ako to si lola Grace mo, nanay ng mama mo at eto” sabay turo nya don sa babaeng kulay brown ang buhok
“Ang lelang ng mama mo, lola ko” O.O seryoso? Eh mas muka pa akong matatanda dito eh.
“Nakalimutan mo agad ako? Samantalang ako yung taga kwenta mo non” sabi nung lelang ni mama.
“Its me lola Gjay” sabi uli ng lelang ni mama Ang gaganda naman nila, mukang mga bata pa, walang bakas na may mga apo na. nginitian ko naman sila. Tapos ay nag kwentuhan lang kami kaya pala ang babata pa ng itsura nanganak si lolaa Gjay lelang ni mama noong 13 lang sya, tapos nanganak yung anak nya ay 13, ngalang daw namatay ng iwan nung asawa tapos etong si lola Grace nganganak 13 tapos si mama daw nanganak 13. Mga bagita hahaha. Ang babata pa eh, buti na lang 17 na ako. Grabe kaya pala tuwing may nakakasalubong kami ni mama tinatanong ako kung anak ko daw si mama. Ang sasagwa naman. Kaloka. Mukang mapipilitan akong mag paganda nito ah. Napatingin ako sa oras…waaaaatt! The fatis!
“Ma alis muna ako!!!!” sigaw ko at nagtatakbo ko hanggang park tae!! 12:25 na!! paano kung nainip yung mga kidnaper? Tapos pinatay na nila si Francis daga? Tapos itinapon sa ilog pasig? Waaahhh!! Takbo pa rin ako ng takbo. Nung malapit na ako nakaaninag ako ng ilaw ng kandila!! Waaaahhh!!! Ibinuburol na ba nila si daga? Dahan dahan akong lumapit at biglang namatay yung kandila na syang nagbibigay lang ng liwanag dito sa parke. Natatakot ako ang dilim. Nagulat ako ng biglang nagbukas ang ilaw ditto sa parke, wow! Naman ang ganda dito ang daming balloons nan aka sabit tapos puro petals ng rose ang nasa sahig tapos may table sa gitna. Wow ang daming pagkain!!!!
“Alam mo ang ganda mo pala
Pagtumawa ang yong mata
Hinahabol ko ang bawat mong tingin
Pero ito'y di' mo napapansin”Si daga kumakanta? Na kidnap na at lahat nagawa nya pang kumanta? Akala siguro talaga nung mga kidnaper may relasyon kami nito kaya iginawa kami ng ganto para makapag paalaman hahaha. Laughtrip din yung mga yon eh.
“Wala akong maipagmamayabang
Porma ko'y pasimple simple lang
Sino ba ako walang dating sayo
Di tayo bagay sobra mong ganda talaga”Ako ba talaga yung dinedescribe nya sa kantang yan? Wala daw syang maipagmamayabang dimples nya palang eh!
“Di ko alam hanggang kailan tayo
Di ko mabago ang ikot ng mundo
Pero sama ka sa aking biyahe
Atin lamang ang araw na ito
Ang buhay ay sinasakyan lang yan
Di ko alam ang tungo kung saan
Pagsumama ka sa aking biyahe
Iaalay ko ang puso ko ohhhh...”Nagpapaalam na ba talaga sya? Waaah! Naiiyak na ako. Matagal tagal din pinagsamahan naming nito no!
“Oh kay sarap mong kasama
Napapawi mga problema
Magaan dalhin kay sarap lambingin
Yun ngalang ay kaibigan kita”Kaibigan? Sana naman binago nya diba. Alam ko namang patay na patay sya sa akin eh.
“Akala ko mapipigil ko
Pero laging nahuhulog sayo
Nang yong mabuking tinanong mo sakin
Dapat bang pagbigyan pag-ibig natin mahalin...”“Di ko alam hanggang kailan tayo
Di ko mabago ang ikot ng mundo
Pero sama ka sa aking biyahe
Atin lamang ang araw na ito
Ang buhay ay sinasakyan lang yan
Di ko alam ang tungo kung saan
Pagsumama ka sa aking biyahe
Iaalay ko ang puso ko ohhhh...Sa iba'y ito laro lamang
Away away puro selos lang
Ang iba'y nagsisisi
Ang sabi
Wag na wag ko raw pasukan
Wag naman
Di ko alam hanggang kailan tayo
Di ko mabago ang ikot ng mundo
Pero sama ka sa aking biyahe
Atin lamang ang araw na ito
Ang buhay ay sinasakyan lang yan
Di ko alam ang tungo kung saan
Pagsumama ka sa aking biyahe
Iaalay ko ang puso ko ohhhh...”Natapos yung kanta at lumapit sya sa akin tapos ay niyapos ako.
“Kamusta yung kanta ko?” tanong nya
“Papatayin ka na nga at lahat. Nagawa mo pang kumanta” sabi ko
“Hahahahaha at talagang naniwala ka don?” biglang may nagsalita sa may tabi. Kaya napalingon ako.
“Joshua?!!” tapos ay kinindatan nya ako.
“Waaaaahhh!!!! so joke lang lahat yon?! Bwiset!! Bwiset!!!!” tapos ay tumawa silang dalawa” Naisahan ako!!!!
“Pre alis na ako. Good luck” sabi ni Joshua. pinsan ni Daga.
“Nagustuhan mo ba?” tanong nya
“Hindi malamang nakakabwisit to!!” kumain na lang ako ng kumain hanggang sa magsalita ulit sya.
“Alam mo bang ngayon talaga ang ika one month natin?” sabi nya
“Kaya nawala ako, pinagisipan ko to ng sobra” pagpapatuloy nya
“So, pinagisipan mo to?” sabi ko
“Oo grabe ka naman. Ang hirap mag isip no” hindi na lang ako sumagot. Kumain lang ako ng kumain tapos niyaya nya akong manood ng stars. Pero sabi ko wag na next time na lang nandon kasi sila lola. Hinatid nya na lang ako sa bahay. Hindi na rin sya pumasok dahil tumawag ang mama nya.
