*Hikab* *Hikab* *Hikab* *blink* *blink* *blink*
Bakit puro pink ang paligid? N-nasan ako?
“Waaaaaahhh!!!” nagulat ako ng may biglang may pumasok sa kwarto na halos magiba na yung pinto
“Oh, anak, bakit? Bakit ka nagsisisigaw dyan?” tanong sa akin ni mama
“Eh ma, diba nasa ospital ako kanina? Eh bakit nandito ako? Asan tayo?”
*BUGSH!!*
“Aray naman ma!!” reklamo ko, abay batukan ba naman ako, hello! Kagagaling ko lang sa ospital no!
“Sariling kwarto mo hindi mo alam? Baluga ka din eh no?”
“Baluga talaga?” tanong ko, nanay ko ba talaga to kung sabihan ako ng beluga parang hindi ako anak eh.
“Ewan ko sayo!!”
*DING DONG!!*
“Oh, sandali lang at pagbubuksan ko lang yon” malamang bubuksan, alangan namang sarhan diba?
“Anak!! Napadalaw ka?” Anak? May kapatid ako? Woooooo!! Talaga? Dali dali akong tumayo sa pagkakahiga ko at tumakbo palabas ng kwarto.
“Hindi na pala kailangan pang tawagin” b-bakit nandito to?
“Hi! Honeybunch” honeybunch? Yakkkk!!!!
“Oh, bakit parang nasusuka ka dyan na ewan? Hoy! Pinagisipan ko yon ng mga 5 hours no! tapos parang ayaw mo pa, ikaw nga parang walang pakeelam sa relationship natin eh, nakakatampo ka na, wala pa tayong 1 week pero kung umasta ka parang wala lang ako sayo, sabihin mo nga mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako o kailangan mo ako dahil mahal mo ako, ano wala ka ng masabi? Sagutin mo nga a-----“
“Eh syete ka pala eh! And dami mong satsat, kung pinapausap mo kaya ako no? kung ano ano pang sinasabi mo dyan batuhin kita eh!” nanahimik naman sya, ang cute nya pala no? pero no no no!! I don’t care!!! That dimples!! Cute!!!! Sarap pisilin ng pisngi!!
“Makangiti ka naman dyan! Anong iniisip mo?” tanong nya
“Wala!!” sigaw ko sa tenga nya, lumapit pa talaga ako sa tenga nya para sigawan sya
“Aray naman!!” inis nyang sabi, tapos ay inabot nya na sa akin yung mga pagkaing pinamili nya. Ayos pala to eh libreng pagkain!! Ilang linggo na din ang nakalipas at lagi nya akong dinadalhan ng pagkain feel na feel nya eh no? pero ako wala na akong pakeelam ano man ang isipin nya basta may pagkain everyday magkakasundo kami pero minsan hindi rin maiwasan na magbangayan kami minsan kasi nakakaasar din sya laging nakasunod!
At eto pa, ngayon kinakausap nya ako. One month na DAW!! kami bukas. Ang kapal nya talaga no? sobrang kapal ng pagmumuka nya!! Talagang feel na feel nya na mag boyfriend-girlfriend kami eh noh? Eh kung binabatukan ko kaya sya para magising sya sa katotohanan?
