Kabanata 10- Ang paghingi ng tawad

13 1 0
                                        

“*sob*” napamulat ako ng may marinig akong sumisinghot singhot at mukang umiiyak

“Anak! Gising ka na!” sigaw ni mama

“Ma!, tawagin mo na ang doctor! Gising na si gail!!” tumakbo naman si lola Grace ng biglang sumigaw si mama

“Ma, ano pong nangyari? Bakit po nandito ako?” tanong ko

“Anak sobra kaming nag alala sayo. Dalawang araw ka naming hinanap hindi ka na kasi umuwi nung prom mo. Nakita ka ng janitor nyo sa likod ng room nyo nung kumuha sya ng gamit. Isang linggo ka ng natutulog dyan.” Sabi nya habang umiiyak.

“Paraan lang po. Titingnan ko lang po ang tibok ng puso nya.” Sabi nung doctor

“Ok na po sya, pwede na rin po syang ilabas anytime. Maiwan ko na po kayo” paalam naman nung doctor.

*KNOCK KNOCK!!*

Lumapit naman si mama sa pinto at binuksan nya yon.

“Tita?”

“Francis!! Buti napadalaw ka!! Matagal ka na naming iniintay!! Akala ko hindi mo na dadalawin si Gail eh. Akala ko tuloy break na kayo” francis? Nandito si francis?

“Maiwan ko muna kayo” pagpapaalam ni mama at lola. So ngayon kami lang dalawa ni Francis dito.

“Gail”

“Bat ka nandito? Diba tapos na yung pustahan nyo?”

“Hindi Gail—“

“Please Francis tigilan mo na to!” tapos ay tumalikod na ako sa kanya at narinig ko naman ang pagsara ng pinto. Dahan dahan naming tumulo  ang luha ko.

“Anak, umalis na si Francis. Sorry daw. anong nangyari?” tanong ni mama nakapapasok pasok lang. bigla naman akong tumayo at niyapos ko si mama.

“Anak, wag ka munang tumayo---“

“Ma…..*sob*”

“Ano bang nangyayari?” tanong nya sa akin.

“Ma, niloko nya po ako. *sob* h-hindi naman po talaga naging kami eh, *sob* sya lang po y-yung nagsasabing may relasyon kami. *sob* Pero ma, gusto ko na po sya, p-pero niloko nya ako, p-pinaglaruan nya, n-nila, yung damdamin ko. Nasasaktan ako. Pinagpustahan nila ako *sob*”

“Ginawa sayo yon ni Francis?” napaharap kami ni mama don sa nagsalita

“Hindi *sob* mo alam J-joshua?” tanong ko

“Hindi. Sabi nya sa akin tulungan ko daw sya para sa first monthsary nyo. Akala ko ikaw na ang first girlfriend ni Francis pero hindi pala. Yari sya sa akin” tapos ay bigla na syang tumakbo palabas. Hindi ko na sya nahabol dahil pinigilan ako ni mama.

“Wag na anak” nakatulog na ako dahil sa kaiiyak ko.

Walang Forever!!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon