Kabanata 3- Dambuhalang Daga

10 1 0
                                    

“Gail!!” napabalikwas ako sa kama ko ng may sumigaw ng pangalan ko

“Gail!!” at sa pangalawang pag sigaw nahulog ako sa kama ko ang bsakit tuloy ng pwet ko

“Ano?” tanong ko sa mama ko habang lumalabas ako ng kwarto ko at habang hinihimas ang lumagapak kong pwet ang sakit talaga ba!

“Akala ko’y babawian na ako ng buhay, sumakit ang puso ko, nang buksan ko ang bag mo ay may tumalong langgam”  tsss! Langgam lang pala kala ko naman kung ano

“Ayon lang naman pala” sabi ko sa kanya

“Hindi pa ako tapos!, may tumalon ding daga!” daga? Daga? Daga?

“Daga??!!”

“Oo nga!!” nagsisigawan na kami ni mama dahil sa daga, takot kasi kami sa daga

“Daga!!” takbo ako palabas ng bahay, ang bilis ko kailangan kong tumakbo para sa buhay ko, siguradong malayo na nararating ni mama, hindi ko na sya kailangang balikan pa.

*BUGSH!!*

“Aray ko nama------DAGA!!!!” tumakbo ako ng mabilis na halos mahiya ang kabayo sa akin

“Hoy! Wag kang tumakbo!” Hala! Hinahabol ako ng malaking daga at nagsasalita pa!!! Mukang pati daga nai-inlove sa akin!!! At mukang pati daga iniisip na may forever!!!

*PAK!*

“Ouch!” naiiyak na ako dahil sa papalapit na sa akin ang dambuhalang dagang ito

“Ayos ka la-----oh, bakit ka umiiyak?” tanong nya sa akin, dahan-dahan nyang inalis  yung nakasuot sa ulo, naka mascot kasi sya na pang daga, wait parang kilala ko ito. Dali-dali kong pinunasan ang luha ko.

“Ikaw nga!, aba at balak mo pa akong patayin pagkatapos mong makipagtalo sa akin sa ospital noon ano? Itatak mo kasi sa utak mo na kahit kalian walang forever!!”

“Meron nga kasi” sabi nya

“Ewan ko sayo” ilang beses kong sinubukang tumayo pero aruyy ko!! Ang sakit!!

“Hindi mo kaya? Buhatin na kita” akmang bubuhatin bubuhatin nya na ako ng biglang umulan ng sobrang lakas, basing basa na ko, kami pala.

“Lika na!!” bigla nya akong binuhat, waaahh!! Binubuhat ako ng daga!! So sa ngayon nagtataka ako kung bakit alam nya ang bahay namin, pero hayaan na sya, hindi ko na dapat pinoproblema pa yon.

*DING DONG!!*

Isang tunog pa lang ng doorbell naming ay nagbukas na agad ang pinto

“Oh anak ko! Bakit ka basang basa ka? Bakit hinayaan mong daga ang magbuhat sa iyo?! Nagmamahalan na ba kayo?” gulat na tanong ni mama. Nagulat din ako sa tinanong nya.

“Kami?!! Nagmamahalan? Mahiya ka naman ina!” hinubad ni, ewan ko kung sino sya yung dagang costume nyang suot, aba’y gwapo pero wala pa ring forever!! Napatakip ako ng mata ko, grabe!! Naghubad sya!! Kitang kita yung katawan nya naka topless sya!! Pero kahit hubadin nya yung ano nya, oo yung ano nya eh hindi pa rin ako maniniwala sa forever.

“Makapagtakip ng mata akala mong ang pangit ng view, excuse me, magandang tanawin to no!” tapos ay pinipilit nyang tanggalin yung kamay ko na nakatakip sa mata ko.

“Magbihis ka nga! Mahiya ka!” sigaw ko sa kanya

“Ayaw mo bang nakaganto lang ako?”

“Waaahh!! Bastos!! Bastos!!”

“Anong ginagawa mo sa anak ko? Tigilan mo sya, manananggal na daga!” napatigil ako sa pagsigaw sa sinabi ng nanay ko.

“Manananggal na daga?” tanong naman nitong daga.

“Ah, hahahhaha” tawa ko, nakakabaliw pa lang iwan ng taong mahal mo, kasi isang araw nakita yung nanay ko nagsasaing sa takure tapos pinangsabon yung keso namin, nababaliw na ang aking ina.

“Bakit?” tanong sa akin nitong si daga

“Wala ang slow mo” sa sobrang pangunglit nya, napilitan din akong sabihin sa kanya kung paano naging manananggal na daga, paano ba naman kasi, diba nga naka topless sya tapos ang suot nyang pambaba ay yung pang daga pa rin, kaya ayun manananggal na daga, ang corny ng nanay ko diba? Sa bahay na rin sya pinaghapunan ni mama, nagkasundo agad sila, mukang nai-inlove na naman ang nanay ko. Umalis na si daga, nagtataka ako bakit naka mascot yon? Anong trip sa buhay non?

*KNOCK!! KNOCK!!*

“Pasok!” sigaw ko, dahan dahang bumukas ang kwarto ko kulang na lang magkaroon ng usok sa dadaanan ni mama, masyadong slowmo eh.

“Ma, wag ng mag slowmo, hindi bagay”

“Anak naman! Kaya pala nandito ako aaminin ko lang na-----“

“Ma wag mo ng ituloy! Alam ko na ang sasabihin mo!!! Umiibig ka na ba uli??!!!! At sa lalaking daga pa?!! oh, ina ko, anong nakain mo? At naisip mo ang ganyang mga bagay?!”

*PAK!!*

“Aray ko naman!”

“Ang drama mo gail! Ang sasabihin ko lang sana ay bagay kayo”

“Kami bagay? Nahihibang ka na ba, ina? Nagsasawa ka na ba sa mundo at gusto mo ng masaksihan ang pakikipaghiwalay sa magiging asawa ko? Gusto mo na bang mamatay?”

*PAK!!* for the secon time

“Aray naman! Ang sakit na ng ulo ko, kababatok mo, nay!”

“Eh kasi naman gusto mo agad akong patayin!”

“Sorry naman po”

“Matulog ka na dyan, bukas na yung play nyo”

“MAMA!!”

------

sa mga nagbabasa po. comment  po kayo :) para po malaman ko yung mga gusto nyong sabihin sa story. salamat :)

kindly vote and comment

Walang Forever!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon