“Ayan ang ganda ganda mo” sabi ni lola Gjay
“Salamat po” nakakaasar. Pinilit nila akong tatlo na pumuntang prom. Minsan iniisip ko baka may surpresa lang si daga kaya nya ako iniiwasan yung sasabihan nya uli ako na: alam mo ngayon talaga yung first monthsary natin, surprise!!
“Wow! Ang ganda nya” bungad sa akin ng mga tao dito. Asan na kaya si Francis? Ayun! Malapitan nga.
“Franc----“
“Pre nakakaasar to, ang duga mo kaya, sabi namin sayo one month lang eh tapos lumampas lampas ka na” sabi nung kaibigan nya. Ano kayang pinag uusapan nitong mga to.
“Kaya nga. Haha trip na trip mo si Gail eh no? akalain mo naniwala na gusto mo talaga sya” sabi ni Daiana. Sya yung anak ng principal yung kinuhit ko nung may nagpaputok? Basta ayon.
“Ano ba kayo, alam ko namang nahulog na rin sa akin yon eh” sabi ni Francis
“Kaya eto para sayo” naglabas lahat ng kaibigan nya ng 500.
“ikaw na panalo sa pustahan, dahil napagtripan natin si Gail, hahaha” naiiyak ako. Bakit niya ako niloko. Anong kasalanan ko sa kanila.
“So ayon pala yon? Well, congrats ‘coz you won” tapos ay tumalikod na ako.
“Ah, nandyan ka pala? Haha akala ko basura ka” sabi ni Diana at tuluyan na akong naglakad. Pumunta ako sa likod ng building naming. Alam ko naman na alam nyang nandon ako eh. Gusto nya talagang iparinig sa akin yon. Nandito ako ngayon sa likod ng room namin, tambakan lang to ng mga gamit ng janitor. Ditto na lang ako para hindi ko na sila makita pa.
“Aray!” ouch! Naninikip yung dibdib ko. Hindi ako makahinga. Nahihirapan na talaga akong huminga. Wala na akong maramdaman.
