Kabanata 8- Ang pagbabago

4 1 0
                                        

-Kinabukasan-

“Gail!!” hinanap ko yung tumatawag sa akin. At nakita ko si Francis sa may gate. Inaantay ata ako.

“Oh?” sabi ko pag kalapit ko. May inaabot sya sa aking bulaklak tinanggap ko na lang wala rin naman akong magagawa eh. Tapos ay nagsimula na kaming maglakad.

“Date kita sa prom ha” sabi nya. Sa sabado na pala ang prom, wala pa rin akong date, hindi naman kasi kailangan yon eh.

“Pag sinabi kong ayoko?” sabi ko

“Basta. Tayo partner. Hintayin kita mamaya” tapos ay pumasok na ako ng classroom at syempre wala namang pinagbago nagturo lang nang nagturo yung teacher namin. Nung uwian nakita ko si Daga na iniintay ako sa labas ng room. Kaya lumabas na ako ng makalabas yung teacher ko.

“Uy!” sabi ko

“Huy! Ah eh ano tara na” sabi nya. Anong nangyari dito?

“ok ka lang?” tanong ko. Tapos ay kinapa kapa ko yung leeg at noo nya baka may sakit eh.

“Ah eh ok lang ako” tapos ay hinawi nya yung kamay ko. Naglakad na lang kami. Tapos ay sumakay sa kotse nya habang nasa sasakyan walang nagsasalita ano bang nangyayari dito?

“Francis, ok ka lang talaga?” tanong ko. Hindi naman kami ganto dati eh. Dati sya yung namimilit kausapin ko sya, tapos ngayon ako na nga yung kusang kumakausap ayaw pa. Tumango na lang sya bilang sagot. Nakakapanibago talaga.

“Alam mo nakakapanibago ka e----“ napatigil ako nang magsalita sya.

“Kailangan ko na palang umalis. Bumaba ka na” sabi nya

“Hindi mo ba ako pwedeng ihatid malapit na naman eh” sabi ko

“Baba na. kaya mo nang lakarin yan” wala na akong nagawa kaya bumaba na lang ako at napilitang maglakad. Parang kanina lang niyaya nya akong date sa prom tapos bigla na lang syang nagbago.

“Anak!”

“Apo” tawag sa akin ni mama, ni lola grace at lola gjay. Nginitian ko na lang sila. At dare-daretsong pumasok ng bahay.

“Anak, malapit na pala ang prom mo ah, sa sabado na aalis tayo bukas pag kauwi. Bibili tayong isusuot mo. Tumango na lang ako at pumasok ng kwarto ko. Para tuloy ayoko ng pumuntang prom. Hayys! Ano ba kasing nangyayari don kay Francis?

----

“Francis!!” tawag ko sa kanya buti naman nakita ko na sya. Dalawang araw ko na hindi nakikita to eh. Tapos bukas na yung prom. Buti at nakita ko na para mapagusapan naming yung prom.

“Francis!!” sigaw ko uli. Ano bang nangyayari sa taong to.

“Francis, buti naman nakita kita” sabi ko nang makalapit ako sa kanya

“Gail? A-anong ginagawa mo dito?” sabi nya.

“Pre” sabi nung mga kasama nya. Na parang sinasabing wag akong kausapin.

“Francis, paano yung bukas?” tanong ko sa kanya

“Anong bukas?” tanong naman nya

“Yung prom”

“Sorry Gail, pero may Date na ako”

“Yeah right. Kaya wag ka ng umali-aligid sa kanya dahil niyaya nya na akong ka date nya. Wag kang feeling” tumalikod na lang ako at naglakad palayo. Si Diana? Date nya? Akala ko ba ako? Ano bang nangyayari sa taong yon? Naglakad lakad na lang ako at naupo sa may bench na nakita ko. Ano ba talagang nangyari?

Naramdaman ko na lang na umuulan, lumakas ng lumakas ang ulan pero hindi ako umalis sa pwesto ko halos lahat ng estudyante nakatingin na sa akin pero wala akong pakeelam. Maya maya naramdaman ko na lang na nagdidilim ang paningin ko at wala na akong naramdaman na tulo ng ulan.

“Ma? Lola Grace? Lola Gjay?”

“Anak, ano bang ginawa mo?” tanong ni mama. Nasa ospital pala ako.

“Apo nagalala kami sayo?” sabi ni lola Grace

“Oo nga, akala tuloy naming kung anong nangyari sayo” sabi naman ni lola Gjay

“Sorry po, kung nag alala kayo pero hindi na lang po ako pupuntang prom”

“Ha? Pero last prom mo na to. 4th year ka na. baka eto na ang pianaka masayang prom mo” sabi ni mama

“Ayoko na po ma.” Tapos ay pumikit na lang ako. Kaya wala nang nagsalita sa kanila.

Walang Forever!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon