“Huy! Juvigail!!! Tayo na!!”
“Anong tayo na? Walang forever”
“Tangi ka!! Ibig kong sabihin mag pepresent na tayo” hindi na ako sumagot, nababaliw pa rin ako sa sinabi ng dagang yon.
“JU-BI-GEYL!!!!”
“Ano??!!”
“Kanina pa kita tinatawag nakatulala ka lang dyan!!” tinaasan ko naman sya ng kilay, tong leader kong to kakaloka kahit kalian eh. Tumayo na ako at pinagtulakan ng leader ko palabas, papuntang stage, nagulat ako ng….. O.O
“Happy birthday Juvigal!!!” totoo ba tong nakikita ko? Birthday ko? Ano ba ngayon? *isip* *isip* *isip* *TING!!!*birthday ko nga!! Seryoso? Sinong may pakana nito?
“Juvi” Juvi? Wala namang tumatawag sa akin non ah. Hinanap ko kung sinong nagsasalita at nagulat ako ng si daga??!
“Juvigail can I court you?”
“HAHAHAHAHA!!!” nakakabaliw din to eh
“Hindi ako si Juliet, shunga ka” sabi ko
“Ako? Haha, seryoso nga?” sabi nya, baliw ata to eh
“Geh push natin to” sabi ko
“Ikaw ang baliw, lika nga dito” tapos ay hinawakan nya ako sa kamay. Bat ang bilis ng tibok ng puso ko? Mamamatay na ba ako?
“Wait!” hinigit ko yung kamay ko na hawak ni daga at hinawakan ang dibdib ko ramdam na ramdam ko yung mabilis na pagtibok ng puso ko. Pumikit na lang ako
“Huy! Juvi wag ka ngang magbiro ng ganyan” naramdaman ko na lang na may biglang bumuhat sa akin, lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng maamoy ko sya, ang bango. Mamamatay na ba talaga ako? Naramdaman ko na lang na tumakbo sya hindi na ako makamulat ganto ba nararamdaman pag nahihimatay? Maya maya naramdaman ko na lang na inihiga na ako
“Wag na po muna kayo dito, maiwan po muna kayo sa labas” narinig kong may nagsalita. Biglang may ipinatong sa ilong ko at nakatulog na ako.
--
“Anong nangyari?” tanong ko agad pagkamulat na pagkamulat ko pa lang
“Anak!! May amnesia ka?” ay! Baliw talaga nanay ko, nagtanong lang ako, may amnesia agad?
“Nagtatanong lang eh” napapikit ako ng akmang babatukan ako ng nanay ko inintay ko ang paglapat ng mala scotch brite nyang kamay, pero ang tagal, grabe!
“Mama wag nyo po syang saktan” napamulat ako ng may nagsalita
“Mama?” tanong ko, tinawag ni daga na mama si mama?
“Oo, anak naman hindi mo sinabi na kayo na pala, ayiieh!! Kinikilig ako” sabi ni mama, kami? Nanlaki mata ko sa narinig ko, seryoso? Kami na? Noooooooo!!!!
“Pero m-----“ napatahimik ako ng ilapit ni daga ang muka nya sa muka ko
“Excuse me lang ha, nakakaistorbo ata ako eh” sabi ni mama. Akala nya siguro hahalikan ako nitong dagang to. Tapos ay lumabas na sya. Ano ng gagawin ko dito? Kasama ko pa tong si daga?
“Loko ka talaga!” anong sinabi mo sa nanay ko ha?!!”
“Ouch!! Ouch!! Wait nga lang!!” tumigil na ako dahil nakakapagod
“Diba patutunayan ko sayong may forever?” napapikit na lang ako, walang mangyayari sa pakikipagtalo dito, pero kamusta kaya yung sakit ko? Nag mulat uli ako, nakatalikod na sya, kaya naman pinilit kong abutin sya ngalang…
*BUGSH!!*
“Oy! Ano’t nag siswimming ka dyan?” tanong nya sa akin loko to ah, kita namang lumagapak na ako, niloko pa ako!
“Halika nga dito” tapos ay binuhat nya ako, ang bilis na naman ng tibok ng puso ko, baka matuluyan na ako nito.
“Tawagin mo yung doctor dali!!” nagmadali naman syang lumabas ng kwarto at sigurado hinahanap na yung doctor, ang bilis parin ng tibok ng puso ko. Ang tagal naman nya!, nawala na rin yung bilis ng tibok ng puso ko, bumalik na sa normal, wala pa rin yong dagang yon!! At dahil sa sobrang tagal nya, natulog na lang ako.
