Chapter 1: Maris & JC

71 0 0
                                    

"Anak ano ba naman yang suot mo? Masyadong revealing. Magpalit ka nga!" Etong si mama, napaka conservative. Nakakaloka.

"Ma, ayoko na magpalit, late na ako sa klase." Dahilan ko lang para di na ako pagpalitin. Ang ganda ko kaya dito sa suot ko. Naka yellow mini skirt saka black off shoulders. Nakaka kikay kaya!

"Maristella, magpalit ka!" Nakapamewang na at lumalaki na mata ni mama. Nakakatakot na! Pero sorry na lang.....

"Next time ma, bye!" At humarurot na ako palabas ng bahay para di na ako masabunutan ni mama at kaladkarin papunta sa kwarto.

First of class, nakaka refresh naman ang pasukan. Bagong school, bagong classmates, bagong environment, at bagong.....

"Pucha, aray! Ano ba?!" Bwisit na to, ang ganda na ng mood. nang babangga!

"Miss sorry." Inirapan ko tong kutong lupa na to at hindi pinansin saka nag walk out na. Ang sakit nung bangga nya. Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan nya. So careless.

Ang ganda nitong school ko ngayon, simple lang at wala pa akong nakikita na mas maarte pa sakin.

Aba dapat lang noh.

I am queen Maris.

And I think I have found my king.

"Ah, hi king." Ang gwapo gwapo nya talaga. As in. Parang anghel ang mukha. And his smiles are so contagious. Ang sarap titigan

"King? My name is JC, not King." Ang mga labi nya, parang ang sarap halikan. Yung mga pilikmata nya, ang haba, yung panga nya, ang sarap dilaan... Nyay! Ano ba naman yan, Maris!

"Miss, are you okay?" Bigla akong naalimpungatan nang maramdaman kong may kumalabit sa balikat ko. At natulala ako dahil nag daydream na naman ako. Kainis! Nakakahiya!

Pinilit ko na lang ngumiti kahit gusto ko na lang lamunin ako ng lupa.

"Yeah, yeah of course. Sige, I have to go. Bye! " At nagtatakbo na ako para makalayo sa kahihiyan!



Yun nga, dahil sa talagang late na talaga ako sa first class ko on first day, hindi na lang ako pumasok. Nakakahiya kasi baka pagalitan ako ng prof ko. Sabihin ke bago bago ko sa school at unang araw. late ako.

Tumambay na lang ko dito sa lobby para malapit na sa next subject ko.

Cellphone, facebook, teka, mag tiktok na lang kaya muna ako pampawala ng boredom.

Chika wag na lang pala, baka makita ni mama, sabihin nag cutting class ako para lang sa tiktok.

May tiktok account din kasi si mama kala nyo ha. Feeling millennial din yan.

Nagbilang na lang ako ng buhok ko hanggang sa matapos ang oras sa unang subject.

Charot lang. Ano ako tanga. Nagbasa na lang ako ng student handbook.

Ang daming rules.

And the one caught my attention is the student-teacher affair.

A big no no sa handbook.

Kahit saang school naman eh.

Yeah right.

Sinara ko na lang yung handbook at naglakad na lang papunta sa next class.

"Hi guys!" Bati ko sa mga classmates ko pagpasok ko. At di gaya sa previous school ko na maraming palakang tao, dito ang babait nila.

Except pala sa isang bruha.

"Hi. Ano pangalan mo?" Lumapit sakin yung maliit na babae, kulot na blonde yung buhok at naka jumper skirt. Ang cute nya.

"I'm Maristella but you can call me Maris for short. Ikaw?"

"I'm Andrea. Bago ka lang dito?"

"Yeah. Transfer. Nag drop kasi ako dun sa previous school ko."

And we talked and talked about some things hanggang sa dumating na yung prof namin.

Kahapunan, palabas na ako ng building nang may biglang kumalabit sa likod ko and I almost jump in shock when I realized who it was and what it was.

"Nalaglag kanina. Is this yours?"

Pucha, Maris!

Ang baboy mo. Ang careless mo. Sa lahat ng pwedeng malaglag yun pa at sa lahat ng pwedeng makakita, sya pa.

Huhu. Minus points.

"Ah eh, sorry, hindi akin yan eh. Sige, bye!"

At bago pa man ako tuluyang makalayo sa kanila....

"Hon, kaninong napkin yan?"






Perfect StrangersWhere stories live. Discover now