Chapter 19: Tayo na Di Tayo

26 2 1
                                    

Napakasariwa ng hangin. Parang gusto kong matulog pero baka mahuli ako sa next class ko. Kaya minabuti ko na lang na magbasa dahil may long quiz kami bukas.

Pasukan na naman kasi. Tapos na ang Christmas break at New Year and I must say na it was the most roller coaster ride I ever had.

Hindi ko masasabing totally healed na ako kasi alam kong mahal ko pa rin sya hanggang ngayon at habang nandito ako sa school na to, maaalala at maaalala ko pa din sya.

But despite that, I'm thankful for Inigo and Andrea kasi tinutulungan nila akong mag cope up.

Madalas kami lumabas after school. Si Seth bumalik na sa kanila dahil pasukan na rin at may OJT na sya. Kami naman sa summer pa ang OJT at undecided pa rin kung saan ako mag aapply. Sa susunod ko na poproblemahin yun.


"Mukhang inaantok ka na ah." Napalingon ako sa biglang sumulpot sa tabi ko.

Nalaglag ang panga ko at biglang uminit ang ulo ko. Eto ang unang beses na magkikita ulit kami after everything. Nakauwi na pala talaga sya.

"Tsk. Bwisit." Tatayo na sana ako at aalis pero pinigilan niya ako. I glared at him.

"Maris, let's talk."

"Jericho, pwede ba?! Nananahimik na ako." Mabilis akong tumayo at inayos ang sarili ko saka mabilis na nag walk out. Ang ganda na ng araw ko, biglang may pesteng sumulpot. Bakit ba sya andun? Eh hindi na naman sya nagtuturo dito?

Naghanap na lang ako ng pwedeng tambayan malapit sa next class ko. Naupo ako sa isang bench at binuksan ang phone ko. Tumawag pala si Inigo. Di ko namalayan.

"Nigs! Tumawag ka?" Bungad ko sa kanya. Ang bilis nya din kasi sumagot, mukhang inaantay din ang return call ko.

"Opo. Tagal mo sumagot. Vacant mo naman di ba?" Natawa ako sa kanya. Natandaan talaga nya schedule ko.

"Eh hindi ko kasi narinig nasa bag ko. Bakit ka pala tumawag?"

"Kakatapos ko lang mag set up ng studio room ko and I was thinking na mag record tayo ng song mamaya. Sama mo si Andrea nang magkaroon naman ng taste sa music."

"Baliw ka talaga. O sige ba, sakto meron akong sinusulat na kanta nung isang araw di pa nga lang tapos baka matapos natin mamaya."

"Okay. So see you later?"

"Yes po, see you."

Pumunta na ako sa next class ko at pagkarating ko konti pa lang kami. Nasaan na ba mga kaklase ko?

"Pst. Maris, may chika kami." Aba at himala first time ako kinausap nitong Alora na to. Ang chismosa kasi.

"Ano?" Walang ganang tanong ko. Jusko. Di talaga ako sanay makipag plastikan.

"Alam mo bang may sub-prof tayo for a week?" Tumaas ang kilay ko.

"Hindi. Hindi naman kasi ako updated gaya mo." Bigla bumagsak ang mukha niya pero ngumiti ulit. Ay nako!

"Oh well, si Mr. Rosales lang naman ang sub prof, your ex lover." And then they turned their back on me.
I was left shocked.

Hindi pa ako nakadigest ng sinabi ni Alora, may pumasok na sa room at halos mag init ako sa inis.

"Good afternoon, class!" Ayan na naman sya. Pareho lang sila ni Jc, dinadaan daan parati sa pa cute at smile smile. Tss.

"Hala, ang gwapo pala talaga niya." Bulong bulungan ng mga chismosa kong kaklase. Napailing ako.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now