Chapter 12: Weird

16 0 0
                                    

Hindi ko alam kung magagalit ba ako kay Jc na si Jericho ang hinayaan niyang sumundo sakin despite the fact that he already know our past o sobrang magi guilty ako dahil bumigay ako sa mga halik niya.

Ugh! Nakakainis!

Hindi ko naman ginusto mangyari yun. I love Jc for heaven's sake! At wala na akong nararamdaman para kay Jericho. Nabigla lang talaga ako sa ginawa niya.

"Girl, kung ako sayo, uunahan ko na si Jericho na sabihin kay Jc. Baka kasi baliktarin nya at mapasama ka pa kay Jc." Napapikit ako nang mariin. I don't know what to do.

I took a deep deep sigh before saying something.

"Naiinis ako. Naiinis ako. Sobra!" Hay. Nanggagalaiti talaga ako ngayon. Ang sarap iuntog ng ulo ko.

"Girl, it's not your fault. Naging marupok ka lang sa ex mo." Sinamaan ko nga ng tingin si Andrea. Hindi ko alam kung supportive sya o nang iinis.

"Should I call him?" Aysh. May long quiz pa naman kami mamaya sa Human Resource tapos eto mga nasa isip ko. Jusko!

"Yes girl. As in now na, right this very moment. Go!" I dialled his number. Gosh! Nanginginig ako. Bwist.

Ilang rings pa ay sinagot na din niya.

"Love, napatawag ka. Akala ko ba may long quiz mamaya. Nag review ka na ba?"

"Yeah. May sasabihin sana ako sayo?" Kinakabahan ako. Leche!

"Yes love, ano yun?" Sumenyas ako kay Andrea kung ano ba ang sasabihin ko. Pinandilitan niya lang ako ng mata at nagtatakbo papuntang banyo. Hay! Yan kasi, halo halo pinagkakain dito sa cafe. Tsk.

"Ah love kasi ano. Wag ka magagalit sakin ha?" Go Maris, keri mo yan. Honesty is key.

"Love, kinakabahan ka ba?" Natatawa pa sya. Hay. Hindi ko alam kung makakatawa ka pa ng ganyan.

"Love, si echo kasi."

"O bakit. Anong meron?"

"Kagabi, nung hinatid niya ako." Shet
Napapalunok ako sa sobrang kaba. Di ko alam kung paano ko sasabihin talaga! Lord, help me!

"Love, are you okay?"

"Oo, okay lang ako. Ano kasi love, hindi ko naman ginusto eh. Nabigla ako. Saka mahina ako, pero mabilis lang naman. Nasampal ko nga sya."

"Ano? Nasampal? Bakit? May ginawa ba syang masama sayo o nasabi?"

"No, he kissed me." There I said it!

Kroo. kroo. Geez! Sabi ko na magagalit sya eh. Huhu! Love!

"Love? Sorry. Ayaw ko naman eh. Di ko naman alam na gagawin nya yun. Nagkasagutan kasi kami tapos ano---"

"Love, ano ka ba. It's okay." Nagtaka ako. I just told him his cousin that's supposed to be my ex kissed me last night tapos it's okay?

"Anong?"

"I said it's okay. It's fine love. Wag ka na dyan mag alala okay? I'm just glad you told me right away at di mo na inantay na sa iba ko pa malaman. I can easily erase that kiss with mine. So don't worry so much okay? I love you." I breathe out! God, I am so blessed with this man!

"Love, thank you. At wag mo na kasi ako ipapasundo sa kanya."

"Sorry love. No choice na kasi kagabi kaysa naman umuwi ka mag isa. Anyway, love. I have to go. My students are waiting. Sayang bayad nila. Goodluck sa quiz, love ha. 4pm sharp andyan na ako. I love you!"

"I love you,sobra."

Shet. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Mabuti na lang talaga at sobrang understanding si Jc. Unlike echo before, so hot headed. Ang seloso pa eh kung pinagyabang nya kasi ako at hindi tinago na parang gamit, edi sana walang aaligid sakin nun.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now