Chapter 20: Balang Araw

15 2 1
                                    

"Hoy, Andrea sigurado ka bang dito yun?" Kasi naman eh. kanina pa kami pa ikot ikot dito sa labas, di pa rin naman namin mahanap kung saan yung stadium ng pagtutugtugan ni Inigo. Tsk.

"Sandali nga lang girl. atat masyado? Napaghahalataan ka."

"Napaghahalataan na?" Aba ang gaga, nakangiti sakin.

"Na gusto mo na makita si Inigo. Sus. Sagutin mo na kasi!"

"Baliw. Magkaibigan lang kami saka sa tingin mo ba kaya ko pang magmahal uli after everything? Duh, di na noh. Nakakapagod na kaya masaktan."

"Asus!"

"Asus ka dyan. Palibhasa di ka pa nabo broken heart. Teka nga, hindi pa din kasi sumasagot eh. Kanina pa ako tumatawag." Inigo naman kasi kung kelan naman kailangan sagutin tawag ko saka naman di sumasagot.

"Ayun!" Nabigla ako kay Andrea pero sumunod na lang din ako sa direksyon na tinuro nya.

And finally, nakita din namin ang entrance. Libre lang ang show, hindi naman sya contest, parang talent showcase lang sa mga gustong magpasikat at meron din atang auction ang mga sikat na banda para sa isang charity. Inigo was invited by his friends kaya pumayag. Balak pa nga sana akong isama pero ayoko. Di naman ako sanay magperform on stage.

Pumwesto kami ni Andrea sa gitna.

I just texted Inigo na nasa loob na kami. Nag rerehearse siguro kaya di nakakasagot sakin.

"Good evening, everyone!" Bungad ng host samin. Kaya pala familiar, si VJ Ai pala ang host tonight. Gandang ganda talaga ako dito sa babaeng to. Ang angelic eh.

"Girl balita ko may mga celebrities na kakanta at andito din daw yung Ben and Ben." Favorite kasi ni Andrea ang Ben and Ben kahit hindi ganun ka into music si Andrea, she appreciates Ben and Ben so much.

"Kaya pala mabilis ka pumayag sumama."

"Naman!"

"Okay so first and foremost. This event tonight is organized by UP Diliman's Music Org and para to sa charity na napili nila. Yes. This event is free but here in stage, merong mga certain things from local artists to celebrity bands and singers na ipapa bid nila and all money na malilikom will be donated to the charity. Di ba, naki jamming ka na, nakatulong ka pa. So, sino ang gusto nyong unang mag perform?"

Etong si Andrea nagpapaka fangirl na naman. Ako naman, gusto lang talaga suportahan si Inigo dito at syempre, music is one of my outlet at masaya din ako dahil nakapunta ako dito ngayon.

Ang daming Celebrity Bands ang nagperform and meron ding mga solo artist and what really amazed me was Bret Jackson, James Reid and Sam Concepcion. Iba yung tandem nilang tatlo. Sobrang ganda ng blending at the way they perform, walang sapawan. Andun talaga yung friendship.

Grabe yung hiyaw nung mag perform na ang December Avenue and Ben and Ben.

"Okay guys, so break muna tayo sa ating mga celebrity, let's give a chance naman sa ating mga local musicians to showcase their talents and para sa una nating performer, let's give it up for, Mr. Inigo Pascual!" Umayos na ako ng upo nang tawagin na ang pangalan niya.

"Yieee! Naka focus na yung iba dyan" Baliw talaga tong si Andrea.

Nang nasa stage na si Inigo, nagpalinga linga sya and when his eyes went through my direction, he gave me a smile and a nod. I did the same at nag thumbs up ako sa kanya.

He then started to strum his guitar.


Ako ay umibig
Naniwala, nahulog
At nasaktan
Pero heto ako,
Hindi pa rin sumusuko

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now