Chapter 21: Fresh

15 2 1
                                    

Everyday gets weirder. From Inigo up to the mysterious person who keeps on texting me from morning, noon until night.

I once replied that person's message but I didn't get any reply right after.

Talagang palaging Good morning, kamusta, good evening, kain ka na, at good night ang tinitext. Hindi ko alam kung stalker or what pero ang weird lang talaga.

And here's Inigo who keeps on giving me gifts, taking me out after class and sings to me before I fall asleep.

Hindi ko alam kung nanliligaw ba sya or talagang sweet at thoughtful lang talaga sya. Sinabi ko naman na sa kanya na friendship lang talaga muna maibibigay ko since hindi pa rin buo ulit tong puso ko. Masyadong malaki ang sugat na iniwan ni Jc kaya di madaling gumaling.

"Look who's here." Ugh. There goes Chienna. Ang talagang sumisira parati sa araw ko. Nawala na nga dito si Jericho dahil tapos na ang pagsub nya, nandito.naman tong pinaglihi sa ampalaya.

May klase kasi si Andrea ngayon at ako naman vacant kaya ako mag isa dito sa cafeteria.

"Ano na naman?" Iritableng tanong ko sa kanya.

"Nothing. I just want to check you. Kamusta naman feeling na maloko?"

"Chienna, pwede ba. Wala akong oras makipagtalo sayo." Aalis na sana ako nang magsalita na naman sya.

"Oh well. You really are stupid. Kaya ka naloko eh. Hindi ka marunong makiramdam. Ang bilis ma fall. Tsk. Poor, Maris. Ang sarap mo paglaruan talaga." My jaw drop. Teka ano pinagsasabi nito?

"What the hell are you talking about?"

"Let's just say, lesson learned na sayo na wag mabilis magtiwala. And, wag ding pakampante na lahat ng tao sa paligid mo, kakampi mo. You have to learn on what Jc did to you.Yun lang, bye!" And she left right away. Ako dapat ang mag wa-walk out eh pero inunahan ako at ano naman trip nun at ganun pinagsasabi sakin? Hay. Laki talaga ng galit sakin nung babaeng yun. Siguro kasi kahit maghubad pa sya sa harap ni Jericho, never sya mamahalin nun.

Jericho may be an asshole pero ayaw na ayaw nun sa babae na halos labas ang kaluluwa. He wants a decent kind of woman. Gago lang talaga sya at duwag.

"Maris, di muna ako makakasama sayo today ha. May group project kasi kami at mag overnight kami ngayon sa bahay ng kagrupo ko."

"Ano ka ba. Okay lang. Sige na. See you bukas. Bye!" Tumawag si Andrea kasi inantay ko sya nung dismissal ko and since early pa naman, I decided magpagupit siguro. Nagpaalam na naman ako kay mama pero sa bahay pa rin ako mag dinner.

Masyado na kasing mahaba ang buhok ko kaya parang kailangan ko na pagupitan.

"Maristella!" Bungad sakin ni mamang Ogie pagpasok ko sa salon.

"Mamang!!!" At mabilis akong lumapit sa kanya at yumakap. Ang tagal ko ding di nakapunta dito.

"Akala ko di ka na magpapakita. Teka, nasaan na jowa mong kasama mo sa picture sa facebook?" I sighed.

"Mang, di mo ba nakita current relationship status ko? SINGLE. Saka wala na kaming pictures sa facebook. Kaya nga ako nandito." Bigla ba naman akong kurutin.

"Ganyan ka. Pag wala kang jowa saka mo ako naaalala." Natawa na lang ako sa kanya.

"Mamang naman. Pagagandahin mo ba ako o hindi?" Inirapan nya ako at pina upo na sa harap ng salamin.

"Yung dati pa rin ba?" Tanong nya sakin. Napaisip ako.

"Hmm. Wag na siguro yung dati mang. Mas maganda fresh start kaya dun tayo sa bago naman.- Aray!" Paano bigla ba naman ako kaltukan. Sadista talaga.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now