Chapter 17: Paalam

14 2 2
                                    

I'm still in pain because of what Jc did to me. Hindi pa din kami nagkakausap kahit sa chat man lang. He never bothered to message me anyway.

Siguro nga di niya talaga ako minahal. Kasi kung minahal talaga niya ako, mag eexplain siya. He'll find ways to reach out to me and tell me everything but no.

It's like in a snap, everything he promised just  fade away.

Naisip ko, baka kaya niya yun ginawa para sa pinsan niya. I won't wonder if inutusan siya ni Jericho to play with me. Jericho's a beast. Hindi ko nga lubos maisip bakit minahal ko din yung gagong yun. Pareho lang silang dalawa.

"Hay nako, nakasimangot na naman si Maristella." Nilingon ko si Inigo na busy sa pagpili ng sapatos niya dito sa Vans Shop. Nagpasama kasi sakin.

"Paki mo ba?" Sa maikling panahon na nakilala ko si Inigo, mabilis ko siyang nakagaanan ng loob.

Bagong lipat pala sila ni Inigo kaya hindi ko sya kilala. At kaya din pala siya imported minsan magsalita kasi imported ang nanay niya.

Blessing in disguise din siguro na napadaan sya doon sa lugar kung saan niya ako nakita.

Bukod kay Andrea, nagkaroon ako ng isa pang kaibigan na talagang mapagkakatiwalaan. At close na din si Inigo kay mama. Magaling kasi mambola.

"Matagal ka pa ba?" Kanina pa kasi papalit palit ng style ng damit na bibilhin, ang tagal mag decide. Parang bakla.

"Bingo!" Rinig kong sigaw niya sa loob ng fitting room. I rolled my eyes in annoyance. Ugh. Nagsisisi na talaga akong sumama pa ako.

Maya maya pa binuksan na niya ang pinto at bumungad sakin ang malapad niyang noo este ngiti habang suot suot ang mukhang napili na niyang damit.

"Sana naman yan na noh?" Bigla niyang ginulo buhok ko..Sinamaan ko nga ng tingin.

"Napakabugnutin mo talaga. Oo na eto na bibilhin ko." At bumalik na sya sa loob para hubarin ang napili niyang damit and after 12345678900000 years, hay sa wakas, natapos din po ang pag shopping ng amo ko..Psh.

"Libre mo akong pagkain ha. Ginawa mo akong julalay. Tsk."

"Baliw ka talaga. Syempre naman. San mo ba gusto?" Nag isip ako ng pwedeng makainan. Hmmm. Saan ba?

"Ayun, sa Vikings!" Tinuro ko yung eat all you can resto na Vikings. Nakita ko kung paano sya mapalunok. Ha! Yan kasi, pinagod mo ako kakasama sayo. Mamulubi ka ngayon.

"Maris, are you serious? Kaya ba ng bituka mong kumain sa eat all you can?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Stretchable kaya bituka ko. Tara na. Gutom na ako!" At hinigit ko na sya papunta sa Vikings. Buti na lang at pwede pa ang walk in. Usually kasi reservation talaga.

Naghanap agad kami ng pwesto sa loob at nang makahanap na ay nauna akong kumuha ng pagkain.

"Woah, Maris, you're really gonna eat that?"

"Eh sa gutom ako eh saka eat all you can nga di ba?" He's staring at me with really amused face. Natawa na lang ako sa kanya at nagsimulang kumain.

"I can't believe you can eat that much. Are you stress eating?"

"Siguro. Pero gutom kasi ako. Nakakapagod kaya samahan ka. Para kang babae."

"Buti nga yun eh, para di mo naiisip yung Jc na yun." I sighed upon hearing that name.

Naiisip ba ako ni Jc sa mga oras na to? O baka nag eenjoy na sya kasama si Denise?

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now