Chapter 15: Christmas Carols

9 2 0
                                    

Habang pauwi ako sa bahay, nasa isip ko pa rin ang nalaman ko kay Nathalie. I want to get mad at Jc pero a part of me wants to wait for his side.  Kaya naman pagkarating ko sa bahay, i mimessage ko siya sa messenger at aantayin ang tawag niya. He told me na tatawag sya once he got there.

"I think he has reasons naman girl kung bakit di niya nasabi sayo ang totoo." I sighed. Kausap ko ngayon sa Skype si Andrea since hindi talaga ako makontento sa kung ano ang pumapasok sa isip ko.

"I know kaya nga gusto ko malaman ang side niya bago ako mag react." Nag usap lang kami buong gabi ni Andrea hanggang sa abutin ng antok.

Sumunod na araw, nagising ko dahil nag riring ang cellphone ko.

At napangiti agad ako nang si Jc ang tumatawag.

"Good morning my love." Bungad niya sakin.

"Good evening there, love!" Gabi kasi sa Canada. Magkaibang mundo kami ngayon.

"Ang husky naman ng boses ng Maris ko. Kakagising mo lang noh?" Natawa ako. Yeah. Di pa nga nakapagmumog eh.

"Sexy di ba?" I heard him laugh on the other line.

"Oo naman. Ikaw pa ba. Anyway,love tumawag lang talaga ako to tell you na nandito na kami. Nasa sala pa kami since nandito na rin ibang relatives namin. Tawagan ulit kita mamaya love ha?" Tsk. Oo nga pala, kakausapin ko sya dapat pero parang bad timing naman yata so mamaya na lang.

"Okay love."

"Miss na kita agad. Hay."

"Mas miss kita. Sige na, baka hanapin ka na nila. I love you."

"I love you, more." And we hang up.

Two more days at pasko na. At sana magkaayos na rin kami ni mama.

Si Jc naman, hindi pa nakakatawag ulit after they arrived at Canada. Huling tawag niya sakin yung pagdating nila and he didn't call again nung sabi niyang tatawag siya ulit.

It has been three days ago at hindi ko na alam ang iisipin ko.

I messaged him but he doesn't reply. I'm calling him pero di naman matawagan sa messanger or any accounts niya.

Sinubukan ko ring i message si Jericho pero wala din akong makuhang matinong sagot.

I just can't help but to be feel paranoid with all that's happening. Jc is so strange. Hindi naman siya ganito.

He always updates me whenever and wherever he is.

"Omg, princess Maristella is here pala." Napalingon ako sa palakang nagsalita.

Ugh! Kailan ba mawawala sa landa ko tong Chiena na to?

"Chiena, wag ngayon. Wala ako sa mood patulan ka." I boredly told her.

"Oh, bakit? Iniwan ka ulit?" Hindi ako sumagot. Instead, I stood up from where I am and was about to left her nang higitin niya ako sa braso.

"Bakit ba?!" Nakakainis na kasi. Kung nasaan ako, andun din siya para lang inisin ako.

"Wag na wag mo akong tatalikuran!"

"Bakit sino ka ba?" I raised my brow and smirked.

"If you think you know me, well you're wrong. Hindi mo pa alam ang kaya kong gawin to make your life miserable, Maris."

"Ah talaga? So pano kung sabihin kong wala akong paki?" I saw how she's trying to hide her annoyance at kung pwede niya lang akong sabunutan dito sa mall ginawa na niya.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now