Chapter 11: Promises

16 0 0
                                    

"Love, ano na? Magtitigan na lang ba tayo dito? Mauubos na yang milktea mo di mo pa rin sinasabi." Eh paano ba naman kasi. Natatakot ako! Pero nagi guilty rin ako habang di ko pa rin sinasabi sa kanya.

"Love kasi ano." Ugh shet, Maris. Bakit ka ba nauutal? Sabihin mo na kasi!

"Yes love?" Naka smile pa rin. Kita mo to. Sobrang bait. Nakakainis!

"Love si Jericho, kasi ano." Shet. Namamawis na ako. Huhu! Nasisira na poise ko sa harap niya.

"O, anong meron sa pinsan ko?" Takang tanong nya. So wala pa talagang sinasabi si Jericho base on his reaction.

"Love kasi yung ano. Kasi ah, eh. Ex ko siya!" Mabilisan kong sabi. Napapikit ako at hinihintay ang sigaw niya or any violent reaction.

But I didn't hear any thing.

I slowly opened my eyes and when I finally got to open, I found him just staring at me and smiling like I didn't say something.

"Love?" Baka kasi namamalikmata lang ako noh. Bakit ganito reaction niya.

"Yep? O ano, akala mo ba I'll get mad or react?" I slowly nodded. "Alam mo love, kahit di mo sabihin, I already know your story back then in Mary." I got shocked. Like seriously? How does he know?

"P-pero pano?"

"You see, I told you, I'm from Mary also and Jericho is my cousin. Everyone in the family knows about you. Halos mabaliw baliw kaya si Jericho nung nag break kayo. He loved you so much, Maris. But he didn't fight for you." Napauwang ang bibig ko. Like what the?! So okay lang sa kanya? Sa kanila?!

"So all this time, kilala mo na pala ako?"

"Not exactly like how I know you now but Jericho used to talk to me about you before. Mahal na mahal ka niya, naging duwag nga lang."

"Sorry love ha, I just wanted to clarify things. Alam mo na, I so hate getting hurt again." Naninigurado lang. Paano kung pinlano nilang pamilya to? Paano kung iwan din ako ni Jc?

"Hmm, ano? Na gagawin ko rin ang ginawa ng pinsan ko? Na iiwan ka din?"

"Kainis ka. Paano mo nalaman itatanong ko?" He laughed a bit.

"Love, remember, I am a prof, you are still a student. We're ten years older apart." Napasimangot ako.

"Pero hindi na ako bata, fyi." Hinila niya bigla kamay ko at hinaplos.

"Love, kung hindi ka nagawang ipagmalaki at ipaglaban ng pinsan ko, ibahin mo ako. I don't care about your past, all I care is ours now. Baka ikaw pa nga mang iwan sakin. Malay ko ba kung mahal mo pa siya... aray!" Hinampas ko nga ang braso. Seryoso na eh.

"Love ano ba naman yan. Edi kung mahal ko pa siya, pagdating na pagdating niya, iniwan agad kita." Umusug sya palapit sa akin and I'm so kilig when he reached for my hair and kissed it.

"Basta love promise me ha, na kahit anong mangyari, ako ang pipiliin mo."

"Oo naman love. The moment I saw you at the lobby, I am sure na ikaw na. I love you, Mr. De Vera."

"I love you, Miss Racal, sobra."


Now, I am finally free from my past. Hindi ko lubos akalain na magiging ganito ka smooth ang usapan namin ni Jc tungkol sa nakaraan ko. Ang akala ko magkakatampuhan kami ngayon at kokomprontahin nya si Jericho. I'm just happy at thankful na sobrang bait ni Jc at super understanding.

Exactly the reason why I easily fall in love with guys that is older than me. Iba kasi yung sense of maturity nila compare sa kabatch ko lang.

"Happy na ang aking kaibigan." Nakangiting inabot ni Andrea sakin ang cake na ginawa niya. Andito ako ngayon sa dorm niya since wala siyang kasama. Yung kasama niya kasi dito, umalis na.

"Syempre naman girl noh. Thanks ha. Kung di mo ako pinush, malamang hanggang ngayon, iniisip ko pa rin yun."

"Oo naman. Pero girl, ask lang ha? True na ba talaga na no feelings ka na sa Echo na yun?"

"Girl, walang wala na talaga. Promise!"

"If you say so. Tama nga yan girl. Ang mga lalaking gaya ni Sir Jc ang for keeps talaga. Yung willing to give up his work just for the woman he loves. O di ba, ang sweet nun?" Napailing na lang ako dito sa kaibigan ko.


Kinagabihan nagpaalam na ako kay Andrea na uuwi na ako.

Jc told me na susunduin niya ako and after a few minutes, natanaw ko na ang sasakyan niya.

"Lo---Jericho?" Wait, bakit sya andito?

"Just hop in." Kahit gulong gulo, sumakay na rin lang ako. Ayoko na makipag usap. Si Jc na lang tatanungin ko.

Habang nag reready na syang paandarin ang kotse, tinawagan ko na lang si Jc.

"Love! Sorry! I knew you would call. Sorry, jebs ako ng jebs kanina pa. May lbm yata ako. Kaya sya na muna pinasundo ko sayo ha. Sorry. Andito pa rin kasi ako sa banyo." Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. I just shook my head.

"Love naman eh. Ano ba kinain mo?" As much as possible I want to continue our convo until I could get home.

"Singkamas. Ang dami kasing dala ni Ate na singkamas. Napasarap ang kain."

"Yan kasi ang takaw mo." Okay Maris, just go on. Don't mind that man beside you kahit nakikita mo sa peripheral vision mo lumilingon siya sayo. Kalma, Maris. Kalma.

"Oo na love. ikaw na sexy. O siya sige na ha, I need to hung up muna. Maglilinis pa ako ng pwet. I love you." Geez! Gusto kong sabihing pwede mamaya na maglinis pero ayun, binaba na agad. Di man lang ako inantay mag i love you, sobra. tsk.

So now, since 20minutes pa bago makarating ng bahay. Headphones up, nood ng tiktok. Ay wait,. si Dj Loonyo na lang pala papanoorin ko muna nang magka goodvibes naman.

Habang nanonood ako ng videos ni Dj Loonyo, napatigil ako nang ma notice ko na tumigil din yung kotse. Teka, nasa bahay na ba kami?

I looked around at wala pa naman kami sa bahay.

I glanced at Echo.

"Maris, I still love you." Diretsahang saad niya wala paman din sampung segundo.  At syempre. nagulat ako noh. Gago kasi eh. Naturingan prof pero gago pagdating sa babae. Tsk.

"Jericho, pwede ba. Gusto ko na umuwi." I continued staring at my phone kahit wala na akong pinapanood. Ano ba trip nito?

"Don't you still love?"

"I love Jc. That's all. So please, i uwi mo na ako. Pagod ako."

"No, alam ko mahal mo pa rin ako." And my world begins to crash slowly when his lips was already on mine.

I tried to stop him pero mas malakas siya sakin that in the end, I gave in to his kisses.

And my tears began to fall.

I'm sorry, Jc.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now