Chapter 9: Jericho

13 0 0
                                    

I did not tell Jc about me and Jericho's photos, only ours. Ayoko ng humaba pa ang issue kaya di ko na lang sinabi sa kaniya.

Hindi ko pa kaya.

"Love, don't worry na okay. One weeks suspension na lang at hindi ka na nila i eexpell. Tahan na." At tinotoo talaga ni Jc ang sinabi niya na sya ang bahala.

He went to the president's office and talked to him. I'm just thankful na na convince niya at napa baba ang sentensya ko.

Paano niya nagawa, that I don't know but one thing is for sure, this won't be the last time Chiena would do that.

Sa Benilde pa lang, malaki na ang galit niya sa akin. She is capable of so many things pero kung inaakala niya na magpapatalo ako sa kanya, well I'll prove her wrong.

I am not the same Maris anymore na tatahimik na lang sa mga evil plans and moves niya.

"Love thank you. You have done so much for me. Nakakahiya."

"Love, ano ba. Kanina ka pa ganyan." Napailing na lang sya sakin. Kasi naman eh. He always save me.

Kasalukuyan pala siyang nagda drive on the way sa bahay nila. Oh well, Jc's ate said invite daw ako for dinner since gusto daw nila ako ma meet ng pinsan nila.

So ayun since suspended naman ako simula bukas, gora na lang.

"Love?"  I called his attention.

Kinakabahan ako.

"Hmm?"

"Tingin mo magugustuhan ako ng ate mo at pinsan mo?" He laughed. Anong nakakatawa?

"Kung magugustuhan ka ng pinsan ko, baka magselos ako niyan." Pabiro nyang sabi. Kaloka to.

"Ikaw talaga. Hindi nga seryoso."

"Love, si ate simple lang yun. Ni wala ngang standards sa buhay yun eh. Basta makakasundo ka niya, okay na yun. At yung pinsan ko, wag kang mag alala. Tahimik lang yun pero mabait yun." So okay, na convince niya ako at nawala kaba ko.

Pero nung malapit na kami sa gate nila, hindi ko alam ba't kumalabog bigla ang dibdib ko.

Hindi ko na lang pinansin at sumama na lang ako kay Jc sa loob.

Sinalubong agad kami ni Ate Poki, yung kasambahay nila dito. She is so nice to me since day one. No wonder sobrang tagal na niya dito sa kanila ni Jc.

Habang nag aantay ako sa living room since Jc asked me to wait dahil magbibihis lang sya sa taas, may bumaba na napakagandang babae at ang saya ng mga ngiti.

"Hi." She greeted me.Ako, natulala na.lang sa kanya. May lahi yata tong mga to na diwata at prinsipe eh.

"Uh, hi." Shock, Maris. where's your confidence?

"Maris, right?" She smiled at me genuinely.  I smiled back and nodded.

"Opo. Ako nga po. Nice meeting you po." I was about to shake my hands when she slowly grabbed me and hug me.

"Finally nakilala rin kita." She then pulled off from the hug and offered her hand for shake hands.

"KC. ate ni JC." i almost burst in laughter when she mentioned her name. Seryoso ba tlaga parents nila? Di naman sila tinamad magsulat sa birthd certificate ano po?

"Nice meeting you po." I greeted back.

"Oh, nagkakilala na pala kayo." Pagbaba ni Jc, tumabi agad sya sakin at ang lapad ng ngiti.

"Naman. At tama ka nga brother, ang cute niya. Anyways, guys, I'll be right back, ako ang chef tonight so I better go to the kitchen." Paalam niya samin at naiwan naman kami dito sa sala.

"Uh,love. Can you excuse me for a while? Punta muna ako kila JM dyan lang sa kabilang bahay. I'll just get my guitar. Hiniram niya kasi kanina. Okay lang ba?" Pumayag naman ako at sinabi kong punta muna ako sa garden since magluluto pa naman ate niya.

Pagkapunta ko sa garden, hindi ko alam pero parang biglang bumigat ang bawat hakbang ko. Bigla ako parang di makahinga.

Kumakabog yung dibdib ko pero di ko na lang pinansin.

Naglakad lakad ako at napadpad ako sa malapit sa pool.

I was about to step one more nang may umahon mula sa pool.

And when I realized who it was, I'm shookt. Sumakit bigla dibdib at hindi ako makapaniwala sa lalaking nasa harap ko.

"Jericho?" I asked in shock.

Tila sya din ay hindi makapaniwala. Mabilis syang umalis sa pool at nagsuot ng towel para takpan ang pang ibaba niya. Juskupo, ayoko magkasala!

"Maris." After a year, narinig ko muli ang pangalan ko mula sa kanya.

"Uh, anong ginagawa mo dito?" My eyes widened when I realized something. "Ikaw yung pinsan na sinasabi ni Jc?" Tila di din siya makapaniwala.

"Ikaw yung kinikwento niya na girlfriend niya?"

Sht! Sya ba talaga tong sa harap ko?

Lord, bakit naman ganito? Maliit ba talaga ang mundo?

"Love!" But Lord. thank You for saving me.

Muntik na akong di makahinga.

"Love." Mahinang tugon ko kay Jc. di pa din mag sink in sakin lahat. Pucha

"Insan, nagkakilala na pala kayo." Tipid na ngiti lang ang binigay ni Jericho sa kanya at binalik ang tingin sakin.

"Bihis lang ako." At mabilis na nawala sa paningin namin sya.

"Sya ba talaga yung pinsan mo?" Hindi pa din ako makapaniwala. Para paring panaginip to.

"Oo nga. Bakit ba love? Crush mo na ba?" Tukso pa niya sakin. Jusko, Jc kung alam mo lang.

"Duh. Hindi noh. Lamang lang ata sya ng abs sayo." Tukso ko na lang rin sa kanya. Hay, Maris. Kalma.

Ihanda mo na ang sarili mo dahil hindi lang ito ang magiging una at huli ninyong pagkikita.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now