He Didn't Care

82 3 0
                                        

"Pokpok, mauna na ako." paalam ko kay Dianne.

Tinanguan niya ako, "Hoy, teka, bakit 'di mo yata kasama si Grae? Akala ko ba nagde-date na kayo?" tanong niya.

"Sino nagsabi?" sagot ko, "Magkikita lang kami mamaya sa pavilion, papaturo ako ng Trigo."

She nods, "Venus?"

"O?"

"Naalala mo 'yong kwinento mo sa'kin nung kakabalik mo lang galing sa Makati?"

"O, bakit?"

"Ang sabi mo sa'kin, may naka-sex kang lalaki do'n tama, at nagkaroon kayo nang communication even after the sex?"

Patay.

"Ah, oo. Bakit? Ano mayro'n?"

"Kung magkakaroon na kayo ng chance ni Grae na magkamabutihan, paano na 'yong lalaking 'yon? Hindi ba unfair 'yon para kay Grae?"

I was caught off guard. Anong sasabihin ko?

Sakto, bigla namang lumabas sa office niya si Leandro. He saw me, and I saw him, pero hindi na kami nag-react. Nang napadaan siya sa'min, I told my reasons to Dianne.

"He left me, Dianne. Hindi totoong may communication pa kami after that week. We did spend our time for that whole week together, pero nang bumalik ako rito sa'min, wala na kaming communication. Niloko niya ako, and besides, I'm definitely moving on from what he did. Grae, is a lot better than that guy. I'm sure na hindi ako sasaktan ni Grae. He will never leave me."

Hindi ko alam kung narinig niya 'yon, pero dire-diretso lang siyang naglakad sa tabi namin. Ni hindi man lang niya ako nilingon. He didn't care.

"Oh no, I'm so sorry. Hindi ko alam na nangyari pala sa iyo 'yon." Dianne said. Nagsalita pa siya ulit, trying to console me pero unti-unti na lang nagfe-fade 'yong boses niya. I just can't keep out the thought na ang tanga-tanga ko.

Umasa pa akong lilingon siya, o magugulat sa sasabihin ko, pero wala. Siguro dahil para sa kanya, crazy and childish ang mga ginagawa ko. Hindi nga siya 'yong Vaughn na nakilala ko noon, someone who was very patient to listen to my crazy and childish stories. 

But I'm not giving up, tanga na kung tanga. Because deep inside, I knew that he did care for me, he was just afraid right now, but he always did. 

My Lover Is My Teacher (ON GOING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon