Mission Continues

64 2 0
                                        

"Ano kamo? Nakasalubong mo 'yong lalaki pauwi?!" sigaw ni Grae.

"Ang ingay mo." sita ko, "Chill ka lang. Tapos na 'yon o. Ang mahalaga nakauwi na ako nang maayos." sagot ko.

"Kahit na." sagot niya, "Dapat talaga hinatid na lang kita pauwi."

"Aba, ewan ko ba sa'yo." sagot ko, "Gawain ba ng matinong boyfriend 'yan, ha?!"

Nag-feface time kami ngayon ni Grae. Kinumusta niya ako, at tinanong kung nakauwi na ba ako at kung anong nangyari kanina. Nang kinuwento ko 'yong nangyari, gulat na gulat ang loko. Hindi ko nga lang sinabi na si Leandro ang lalaking tinutukoy ko.

"Ang sabi kasi ni Sir Leandro, siya na ang bahala sa'yo." sagot niya.

Inirapan ko siya, "At sa tingin mo okay lang sa'kin 'yon?!"

Napayuko siya, "Sorry na. Basta sa susunod, 'di na kita iiwan." sabi niya, "Ihahatid na kita palagi."

Nginitian ko siya, "Pero alam mo, 'yong nakita ko siya kanina? Doon ko lang na-realize na masakit pala talaga." sagot ko, "Masakit pa pala."

He's not answering, he's just listening to me.

I sighed, "Masakit, pero gusto ko siyang makasama. Gusto kong itanong kung totoo bang minahal niya ako, kung totoo ba ang lahat nang nangyari sa'min noon. He told me that he loved me, pero hindi ako naniniwala. Ang bilis-bilis niya naman kasi maka-move on, tapos wala naman talaga kaming closure sa isa't isa."

He smiled at me, and asked, "Mahal mo pa 'no?"

Natigilan ako sa tinanong niya.

Mahal ko pa ba?

I shrugged, "Ewan." and began tearing up.

Grae's faced become serious, and he said, "Kung sino man 'yang gagong nanakit sa'yo. Sisiguraduhin kong magbabayad siya sa lahat ng ginawa niya. Pangako 'yan."

Nginitian ko siya sabay punas sa mga luha ko, "Gusto kitang yakapin ngayon!" tawa ko.

"Puntahan kita?"

"Gago. Gabi na!" I said, "Magpahinga ka na."

Natawa siya, "Basta bukas, 'wag mong ipahalata sa kanya na apektado ka sa nangyari kanina. Ipakita mo na malakas ka."

My Lover Is My Teacher (ON GOING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon