Bus Ride

76 2 0
                                        

Viewer's Discretion: intense language

Nagising pa rin akong nakasandal at nakayakap sa braso ni Grae.

Napangiti ako, "Hindi mo talaga ako matitiis 'no? Talagang sasamahan mo pa talaga akong makauwi? Ang swerte ko talaga sa boyfriend ko." sabay pikit sa mga mata ko.

TEKA.

Pinisil-pisil ko 'yong braso ni Grae. Bakit parang matigas? Bakit parang lumaki yata ang mga muscles niya? I'm aware na varsity player ng basketball si Grae at may muscles nga ang biceps niya, pero hindi naman ganito kalaki?

Napangiti ulit ako, "Ikaw ah, 'di mo sa'kin sinasabi naggy-gym ka na pala! Ang lalaki na ng muscles mo sa braso o." patuloy ko pa ring pinipisil 'yong braso niya, "Pa-kiss nga ako, bebe ko!" hinaplos ko 'yong mukha niya.

PUTANG INA.

Kaagad akong napamulat nang may makapa akong buhok sa mukha niya.

H-hindi si Grae 'tong kayakap ko! Kaagad kong itiningala 'yong ulo ko.

"Kanina pa siya bumaba."

PUTANG INA.

Hindi ako makagalaw. Nakatitig lang ako sa kanya.

TOTOO BA 'TO?

"Mabuti na lang nagkataong nakasabayan ko kayo. Tutulog-tulog ka kasi, tapos mag-isa ka pa. Dapat sana, hindi ka na natutulog kapag ganitong mag-isa ka lang."

Hindi ko pa rin maalis 'yong titig ko sa kanya.

HINDI AKO MAKAPANIWALA.

"Putang ina." sambit ko.

"Bakit?" tanong niya.

PUTAANG INAA!

Kaagad akong umiwas ng tingin, at bumitaw sa pagkakayakap sa braso niya. Itinuon ko 'yong tingin ko sa bintana.

Dalawang kanto na lang, bababa na ako.

Dali-dali kong isinukbit 'yong bag ko at saka tumayo sa bus, "Kuya!" sigaw ko, "Bababa na po ako!" sabay katok sa kisame ng bus.

Gumilid 'yong bus sa sidewalk at kaagad na huminto.

Dali-dali akong tumakbo pababa ng bus at saka naglakad paalis.

"SHET. Gago talaga siya! Bakit niya ginawa 'yon?! Akala niya siguro, makukuha niya ulit ako." sambit ko, "Well," I smirked, "matatag na ako! Hindi na ako marupok." hindi na nga ba?

"Good for you."

NANLAKI ANG MGA MATA KO nang marinig ko ang boses na 'yon. Galing ito sa likuran ko.

Kaya dahan-dahan akong lumingon, "IKAW NA NAMAN!" sigaw ko. Sinampal-sampal ko ang sarili ko.

"Hoy! Hoy! Hoy!" sita niya sa'kin, "Ano ba 'yang ginagawa mo?!" sabay lapit niya sa'kin.

Kaagad naman akong umatras, "T-totoo ka nga. Hindi ka panaginip!" sambit ko.

Kumunot ang noo niya, saka umiling, "Oo, totoo ako." tawa niya, "Gising na gising ka, Venus."

Tinitigan ko siyang maiigi. Tapos pinisil-pisil ko 'yong ilong niya.

"PUTANG INA! TOTOO KA NGA!" sigaw ko.

"Oo nga." ngiti niya, "Totoo ako."

Kaagad akong dumistansya sa kanya, and then I cleared my throat, "Sorry kanina. Hindi ko alam na ikaw pala 'yon." sabi ko ng may pagtataray.

"Akala mo ba si Grae?"

"Duh, syempre akala ko si Grae. Siya lang naman kasi kasabay ko kanina." sagot ko.

Ngumiti siya sa'kin, "Kanina pa siya bumaba. Nasa likuran ako nang makita ko kayong dalawa na kasasakay lang. Mukhang nakatulog ka ata sa balikat niya at nang mapansin kong bababa na si Grae, tumayo ako at sinabi ko na ako nang bahala sa'yo. Sinabi niya kung saan ka bababa, at 'yon hinintay ko hanggang sa magising ka."

Inirapan ko siya, "Oo na, pero dapat hindi mo na ginawa 'yon. Kaya ko naman ang sarili ko."

"Mukha nga." sagot niya, "Masaya nga pala ako at mukhang nagkaayos na kayong dalawa ni Grae."

"Ha?"

"'Yong kanina, sa hallway, usap-usapan kasi noong pagdating ko na nagsisigawan kayo. Alam mo ganyan talaga sa relationship, may pagdadaanan talaga kayong mga differences pero bandang huli mananaig pa rin talaga 'yong passion at understanding ninyo para sa isa't isa--"

"Puwede ba, tumahimik ka na lang." I said, "Hindi na ako bata, I know how relationship works. Isa pa, hindi ko naman hinihingi 'yang opinion mo sa aming dalawa."

He smiled, "I'm sorry. Nangangaral lang naman ako, remember, I am your substitute teacher."

"Sa school, pero sa labas, hindi na." sagot ko.

He sighed, and chose to divert the topic, "Bakit nga pala bigla kang bumaba? Hindi pa naman dito ang bababaan mo ha? May dadaanan ka ba sa 711?"

I looked beside me, at nakita ang nagliliwanag na convenience store ng 711 "Ah, oo!" I lied, "Dadaanan ko 'yong-"

Tinaasan niya ako nang kilay, "'Yong?"

"'Yong ano-"

"'Yong?"

"'Yong ano- paborito kong slurpee sa 711!" ngiti ko, "Nauuhaw na kasi ako. Sige, sige. Mauna na ako."

"Hindi riyan 'yong 711" sigaw niya, "Dito." turo niya sa kabila

TANG INA?

Tinitigan ko siya nang masama.

"Bakit?"

"Manhid ka ba? O sadyang tanga lang?" I asked.

"Ha?"

Napailing ako, "Okay, I give up. Aamin na ako." I said, "Hindi talaga ako magse-711. Masaya ka na? Pero, SIR, hindi mo ba maramdaman na sinabi ko lang 'yon para makalayo sa'yo?! Bumaba ako kaagad ng bus, para makalayo sa'yo, pero TANGINA sinundan mo pa talaga ako!" I shouted.

"Venus, please don't make a scene here. I'm just trying to help you out."

Tinitigan ko siya, "Uuwi na ako, NANG MAG-ISA, at please lumayo ka na PO sa'kin. Hindi ako komportable kapag nandyan ka. Okay ba 'yon, SIR?"

"Sorry." he said, "Akala ko..."

"Okay, lang?" I answered, "Hindi okay. NEVER MAGIGING OKAY. HAPPY?"

Hindi siya nakasagot.

At dire-diretso na nga akong naglakad pauwi.

But fuck, seriously, that face, that laugh... Alam ko namang hindi ko kaya 'yong hindi-an.

My Lover Is My Teacher (ON GOING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon