A Sudden Appearance

68 2 0
                                        

Viewer's Discretion: street hassling, intense language, manipulation

After a lot of boring interactions and discussions. Our second and third period classes have finally ended. It's been 3 weeks since Leandro and I met and seen each other. Hindi na kasi siya pumasok sa school after that day. The night after what happened in Sir's office, nakapagdesisyon na ako na maybe, dapat ko na talagang tigilan ang lahat. Siguro tama na ang kahibangan na 'to, it is just too much for me. I'm also feeling quite unwell na para bang lutang lagi. Hirap pa akong makatulog these past few days. Hindi ko rin alam kung bakit.

Hinintay ko si Grae sa labas ng gym. May practice kasi sila ngayon. Naupo ako sa bench doon at pinalipas ang oras.

Hanggang sa 'di ko namalayang nakatulog na pala ako, at gabi na. Nataranta ako. Tiningnan ko kung anong oras na sa phone ko.

Seven na ng gabi. Sarado na rin ang gym. Hindi ba ako nakita ni Grae dito? Kaagad ko siyang tinawagan, pero cannot be reach.

I texted him.

Grae, nasaan ka? Nakauwi ka na ba?

Pero walang reply.

"Hoy! Hija!" napalingon ako kay Kuya Janitor, "Anong ginagawa mo rito?"

"Hinihintay ko po 'yong boyfriend ko na varsity player. Alam niyo po ba kung saan sila pumunta?"

"Ha? Sa likod sila ng gym dumaan pauwi. Kanina pa sila umalis. Balita ko, magiinuman ata sila, kasi birthday ng coach nila."

I nodded, "Ah, ganoon po ba? Sige ho, salamat po." saka ako tumakbo palabas ng school.

I am on my way to the bus stop nang biglang may bumusina sa tabi ko, "Hi, darling."

Paglingon ko, isang matandang lalaking nakasakay sa isang mamahalin na sasakyan ang bumungad sa'kin.

"Sakay ka na sa'kin." sabi niya, "Libre ka na sa pamasahe rito."

Hindi ko siya pinansin at dire-diretso lang na naglakad.

"Sabay ka na kasi sa'kin, miss." he insisted.

Pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Aaminin ko, medyo natatakot na ako sa ginagawa ng matandang 'to.

Mamaya-maya, may biglang humawak sa kamay ko.

"ANO BA?!" palag ko, pero paglingon ko,

"It's alright."

Nilingon niya ang matandang lalaki na nakasakay sa kotse, "Sir, mawalang galang na po, pero panghaharass na po 'yang ginagawa niyo. Hindi ka niya pinapansin. She just clearly stating na ayaw niyang sumabay sa'yo. Tama po 'di ba?"

I was frozen on my feet when I watched him do that for me. P-paano? Anong ginagawa niya rito? Bakit sa bawat oras na lang na kailangan ko ng tulong, nandyan siya... Bakit ba kahit na anong iwas namin ay hindi pa rin kami makatakas sa isa't isa.

Masungit kaming tinapatan ng matanda, at pinagmumura.

"PUTA! GAGO! Pakielamero! Ang yabang-yabang niyo. Akala mo kung sinong bata. Tatanda ka rin! Tandaan mo 'yan!" Saka niya ako tinapunan ng tirang kape na galing sa back seat ng kotse niya sabay humarurot paalis.

"HOY!" He tried to run after him, pero masyadong mabilis 'yong sasakyan, at hindi na niya naabutan.

He turned back to me, scratching his head. "Nakuha mo ba 'yong plate number?"

I was caught off guard nang itinanong niya sa'kin 'yon, para akong nagpanic. "S-sorry. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, hindi ko kaagad naisip na-"

"Shit." mahina pero rinig ko, "Hayaan mo na, sa susunod 'wag ka nang uuwi mag-isa." he said. "Girls can handle themselves pero sa sandamakmak na predator dito sa labas, nakakatakot maiwan ang babaeng mag-isa." napatingin siya sa damit ko, "Anyway, mainit ba? Kape 'yang itinapon niya sa'yo."

I shook my head. "Ok lang ako, hindi na mainit 'yong coffee na itinapon sa akin. Salamat na lang po, Sir." sambit ko sa kanya.

"You're welcome." sagot niya, "Delikado na kasi talaga 'pag ganitong oras. Bakit ba kasi hindi mo kasabay ngayon si Grae?"

"B-birthday ng coach nila, kaya may konting salu-salo." I answered.

He nodded. There was a long pause after that, hanggang sa naglakas loob na akong magtanong ulit. "Kumusta nga pala 'yong resignation letter mo?"

He looked around, "On process pa rin." he said.

"I see."

He was not looking at me but he continued to talk, "Oo, pero malapit na rin sigurong i-approve 'yon. Tawagan mo na si Grae or anyone na pwede kang samahan pauwi. Hatid na lang kita sa bus stop, tapos aalis na rin ako."

I nodded and immediately did what he told me to do.
Napakabigat ng pakiramdam ko ngayon. Aalis na ba talaga siya? Wait, what? Ano na naman bang nangyayari sa'kin. It feels like I wanted to just at least hug him, pero parang may nagsasabi sa'kin na 'wag na.

"I texted my papa, he said he'll be picking me up. He's already just around the corner."

He nodded in response, "Good."

The ambiance between us is getting really quiet and tense, good thing the sky rumbled and saved my ass. I looked up and realized na ang dilim-dilim na ng langit.

"Please, not now." I looked at him and realized that he was also looking at the sky. "'Wag ka na muna sanang umulan, I don't have my motor with me."

Ilang sandali pa ay dumating na si dad.

"Are you alright?" he said as he got out of the car he parked in front of us. "Anong nangyari sa damit mo?"

"Yes, pa, I'm ok. Saka ko na lang po ikukuwento sa inyo ang buong pangyayari pagsakay natin sa loob ng car." I glanced back at Leandro and then looked back at my father. "Papa, si Leandro nga pala, he's the one who helped me out."

"Ah, ikaw ba 'yon? Nako, salamat!" he said at saka niya kinamayan si Leandro. "Leandro, right?"

"Sir Leandro dela Cruz po." he responded, "I was once a substitute teacher of your daughter."

"Ah, I see. Nako, salamat sir."

"Wala ho 'yon. Sige po, mauna na ako." Tuluyan na ngang umalis si Leandro.

"Teacher, hanging out with a student in the evening, that's weird." he said, "Sakay na, Venus."

Sumakay na nga ako sa kotse namin, "He's not hanging out with me papa, nagkataon lang. An old dude came with his car hassling on me to hop on and go with him. When I refused he splashed me his left over coffee kaya puro mantsa ang uniform ko ngayon. Sir Leandro came in to the rescue at tuluyang pinalayas 'yong matandang weirdo. Kung hindi po dahil kay Sir Leandro ay baka nabastos na po ako kanina."

"Sure, sure." he said, "I was just worried. Tingnan mo 'yang hitsura mo, ang putla-putla mo na nga, natapunan pa 'yang damit mo."

I looked down and pinned my eyes on my hands gripping the edges of my skirt. "I'm just not feeling so well, papa, pero I'm fine."

"Are you sure? Ilang araw na 'yan? Pa-check-up ka na kaya?"

"I already scheduled a checkup on our family doctor soon, Pa. Don't worry, okay?"

He nodded. "Okay. Just, please, take care of yourself."

My Lover Is My Teacher (ON GOING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon