"Ano, dito ka na?" tanong ni Sir Dylan pagkatapos niyang pagbigyan ang request ko na ihatid sa tinitirhan ni Leandro.
"Yes, sir. Salamat po sa paghatid." sagot ko.
"Are you sure, you're going to be fine?" tanong niyang muli, "Gusto mo samahan na kita--"
"No need, sir. Dadaanan ko lang naman po 'yong libro ko kay Sir Leandro, pagkatapos uuwi na rin po ako kaagad sa amin." I lied.
Bakas sa mukha ni sir ang pagdadalawang isip. It is obvious he does not want to leave me alone.
"Alam po nina mama na andito ako." dagdag ko, "Kaya wala po kayong dapat ipag-alala."
"Oh..." tumango-tango siya, "Sige, basta uwi ka na kaagad after, ha? Delikado kasi rito kapag gabi na. Mauna na ako sa'yo."
Hinintay ko ngang makaalis si Sir Dylan, bago ako tuluyang pumanhik sa building na kung nasaan ang apartment ni Leandro.
"Room 204." bulong ko, habang tinititigan ang parehong numbers na binanggit ko. "I hope he's here." and then I knocked.
Nakailang katok rin ako bago ko marinig ang boses niya, "Sandali lang..." he said.
Unti-unti na akong kinakabahan. Sigurado na ba ako?
Hanggang sa hindi ko na nga kinaya, bigla na lang akong sinapian ng matinding takot at dali-daling naglakad paalis.
Hindi ko kaya. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na buntis ako, at siya ang ama. Masyado nang magulo ang nangyayari sa amin. Paano kung itanggi niyang kanya ang bata? Paano kung ipahiya niya ako?!
"Venus?"
Para akong napako sa kinatatayuan ko nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Dahan-dahan akong umabanteng muli at akmang tatakbo na sana pababa ng building, pero muli niya akong tinawag.
"Venus, bakit ka nandito, anong kailangan mo?"
I held my tummy and closed my eyes.
"Para sa'yo to, baby." bulong ko.
Dahan-dahan akong pumihit para tingnan siya. He's standing there, almost 3 meters away from me.
"Mm? May kailangan ka ba?" tanong niyang muli.
"K-kailangan nating mag-usap." sagot ko.
He looked down for a moment, then returned his gaze upon me and said, "Kung tungkol na naman 'to sa ating dalawa--"
"Tatlo." sagot ko, "Hindi lang ito tungkol sa ating dalawa, kun'di sa ating tatlo na." sagot ko.
"Ha? Hindi kita maintindihan. Are you talking about Grae?--"
"Buntis ako."
Bakas sa mukha niya ang matinding pagkabigla. Ito ang unang beses kong nakitang namutla ang mukha niya. He was obviously shocked of what I said.
"A-anong sinabi mo?" tanong niya.
"I am 3 weeks pregnant."
"Kung sinasabi mo lang ito para--"
Kaagad kong inabot sa kanya 'yong pregnancy test, at findings n g Ob-gynecologist ko kahapon.
"Hindi ako nagbibiro, Leandro. Buntis ako, at alam nating dalawa na ikaw ang ama ng pinagbubuntis ko."
Dali-dali niya akong hinila papasok sa apartment niya, "Maupo ka." sabi niya habang patuloy pa ring binabasa ang pregnancy test.
"Alam kong pareho nating ginusto 'yon, pero kung nakinig lang sana ako sa'yo. Kung tuluyan lang sana kitang nilayuan, at tinigilan hindi na sana mangyayari 'to--"
BINABASA MO ANG
My Lover Is My Teacher (ON GOING)
RomanceTrigger Warning : toxic relationship, large age gap, intense language, rough sex Disclaimer: This is a work of fiction created by the author. Further promotion of relationships with your teacher or any older person with a significant age difference...
