Viewer's Discretion: intense language, slight guilt-tripping, submission
"Ganito," turo sa'kin ni Grae, "AB represents the height of the building, and BC represents the distance of the building from the point of observation. Now, according to the figure, ang right triangle na ABC, 'yong side niya na opposite sa angle na 60 degree ay tinatawag na opposite side (AB), 'yong side naman na opposite sa 90 degree, tinatawag na hypotenuse side (AC), tapos 'yong natirang side, tawag adjacent side (BC)."
Knowing Grae, he's a varsity since elementary. Consistent honor student din siya since elementary, kaya maraming girlalus, at gays ang nahuhumaling sa kanya. Ang kaso, napakaloyal sa'kin ni Grae. Ewan ko ba kung bakit loyal 'to sakin? E napakaraming mas magaganda, mayayaman at sexyng mga babae at bakla ang nagkakandarapa sa kanya.
Hulog na hulog talaga ang loko, ang kaso, hindi ko siya nasalo.
"Grae, bakit mo ako nagustuhan?" I asked.
"Ha?" he asked me back, busy writing the equations.
"Bakit mo ako nagustuhan?" ulit ko.
He looked at me with his serious gaze, "Nagustuhan kita, kasi gusto kita. Hindi ko alam, basta walang ibang dahilan." sagot niya, "O dali na, ituloy na natin 'to. Find the length of the side AB-"
"Ano bang nagustuhan mo sa'kin?!"
Tiningnan niya ulit ako, "Hindi ko nga alam. Basta isang araw, nalaman ko na lang gusto na kita."
"Gano'n? Anong reaksyon mo n'ong hinalikan kita kanina sa classroom?"
Natawa siya, "Kinilig, nagulat, masaya, pero sa totoo lang hindi ko akalaing magagawa mo 'yon. Knowing you since elementary, hindi ka naman gano'n. Akala ko nga may itatanong ka lang sa'kin." kwento niya, "Para ngang hindi seryoso 'yong halik mo. Parang... Parang napilitan ka lang-"
"ANO?!" Pinagpapapalo ko siya, "Anong napilitan ha?!" I complained.
Tinawanan niya ako, "Hindi, parang hindi naman kasi kapani-paniwala na hahalikan mo ako, dahil gusto mo rin ako. Para bang ginawa mo 'yon, dahil may gusto kang patunayan." paliwanag niya, "'Wag kang mag-alala ayos lang naman sa'kin. Ang mahalaga magkasama na tayo ngayon, pwede ko nang patunayan sa'yo na hindi ka nagkamali sa ginawa mo kanina."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
He's so nice. Akala ko gago 'tong si Grae kaya 'di ko masyadong pinapansin, pero mas gago pa pala ako.
I looked at him, "Grae?"
"Hm?"
"May aaminin ako sa'yo. Makinig ka."
Nakatitig siya sa'kin, "Hm, ano 'yon?"
I took a deep breath, and said, "Hindi talaga kita gusto."
He smiled, "See, alam ko na 'yan. Hinihintay ko lang na ikaw ang magsabi sa akin." he answered, "Halatang-halata naman. Lagi mo akong inuutusan, lagi mo akong binu-bully kapag magkasama tayo. Halatang-halata na hindi mo ako gusto."
I felt sorry for what I heard, "I'm sorry, Grae, pero I'm still open to any possibilities to fall in love with you."
He nodded, "Thank you."
I looked at him confused, "You told me that you already knew that I didn't like you, right? Okay lang 'yon sa'yo?"
He let out a laugh, "Wala akong sinabing okay sakin 'yon. Tanga lang ang magsasabing okay sa kanya 'yon. Ang sabi ko, alam kong ginagago mo ako, pero hindi ako pumapalag, kasi alam kong kailangan mo ako, dahil may gusto kang patunayan." he explained, "Alam kong may gusto kang patunayan, pero hindi ko lang alam kung ano at para kanino."
Tinitigan ko siya, "Sorry, hindi ko sinasadya-"
"I wanna help you, Venus. Gusto kitang tulungang patunayan ang nais mong patunayan. Puwede mo akong gamitin. I could help you." he said, "Pero 'wag na 'wag ka lang mafa-fall sa'kin, baka kasi hindi na kita saluhin."
"ANG KAPAL TALAGA!" batok ko sa kanya.
We both laughed at what we said.
"Pero Grae... Sigurado ka ba? Gusto ko na ngang itigil to e. Alam ko kasing masasaktan ka."
"Matagal na akong nasasaktan Venus." ngiti niya, "Sadyang manhid ka lang, para 'di maramdaman 'yon. Kung mag-succeed 'yang pinapatunayan mo e 'di ayos. Kung hindi naman, e 'di nandito lang ako, maghihintay. Kung kailangan mo ng kakampi, at kaibigan, nandito lang ako. Ako ang bahala sa'yo."
BINABASA MO ANG
My Lover Is My Teacher (ON GOING)
RomanceTrigger Warning : toxic relationship, large age gap, intense language, rough sex Disclaimer: This is a work of fiction created by the author. Further promotion of relationships with your teacher or any older person with a significant age difference...
