"Mr. Vice President, may kailangan po ba kayo?" Tanong ng lalaki sa bise-presidente. Tinawagan silang dalawa nito mismo dahil may nais itong sabihin sa kanila.
"No need to be formal, Arnel. Parang wala tayong pinagsamahan, 'di ba Vice President Jose Melchor dela Vega?" Nakangiting sabi ng babae na ikinatawa ng bise-presidente.
"Maria, highschool tayo noon. Ibang-iba na ngayon. Biro mo bise-presidente na ng bansa 'tong dati nating tropa." Anang ni Arnel.
"You're making me feel bad. Isipin mo na lang katulad lang ng dati na sama-sama tayong gumagala." Sabi ng bise-presidente sa kanya.
Arnel sighed. "Sige na nga. Pero Jose, bakit mo kami pinatawag ni Maria? At dito pa talaga mismo sa bahay-- este, mansyon mo." Tanong niya sa bise-presidente. Naging seryoso naman ang mukha nito kaya nagtaka ang dalawa.
"May problema ba? Wait.. tungkol ba 'to do'n sa mga teroristang umatake sa Mariana Province?" Tanong ni Maria.
"Oo, tungkol 'to doon. And they might attack again. Tinawagan ko kayo dahil kayo ang sa tingin kong mapagkakatiwalaan ko dito." Sagot ng bise-presidente.
Lalong nagtaka ang dalawa. "Kami?" Hindi nila makapaniwalang tanong sa bise-presidente.
Tumango ang bise-presidente. "Oo, kayo. Kayong dalawa ang sa tingin ko na mapagkakatiwalaan ko sa planong 'to."
"Bakit hindi na lang 'yong ibang miyembro ng politiko? Pulis lang kaming dalawa ni Maria.. Anong tulong naman ang magagawa namin para sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni Arnel.
"The government is busy making plans kung papano masosolusyunan 'to." Anito.
Arnel and Maria both gulped. "What do you want us to do?" Tanong nilang dalawa.
"I want you both to take care of the children who's left from that province and train them to fight and use guns." Sagot ng bise-presidente na ikinagulat ng dalawa.
"Us? T-Train them? B-But--"
"Please.. I beg both of you. Kayo lang ang mapagkakatiwalaan ko dito. Ayokong mapunta ang mga batang 'to sa kamay ng mga taong hindi ko alam kung itatrato sila ng maayos. Sa inyong dalawa, mas kampante ako na hindi niyo papabayaan ang mga bata."
Nagtinginan ang dalawa sa isa't isa bago bumalik ang tingin nila sa bise-presidente. "Bakit namin kailangang i-train 'yong mga bata?" Arnel asked cutting Maria off.
"To use them against the enemy. Who would thought that a bunch of kids can ruin them? And according to the data I gathered: the children the terrorists took was the younger ones. The older ones are those whom they left alive in the province. I have a feeling that they'll use those children too against us. Kaya dapat maging handa din tayo." Paliwanag nito sa dalawa.
"Are you saying that.. ilalaban natin itong mga bata sa mga batang nasa mga terorista?" Tanong ni Arnel.
"No. We're not using them to fight the other kids. We're going to use them to save those kids." Sagot ng bise-presidente. Naliwanagan naman ang dalawa dahil naiintindihan na nila ang bise-presidente.
"I already prepared a place. It's an academy located in a private land, Iustitia Academia. Nandoon na ang mga bata ngayon. Don't worry about food, may mga empleyado rin doon na magbibigay ng pangangailangan ng mga bata. They will stay at the academy until this whole thing is over. And they should have a schedule: when to learn about knowledge and when to learn about fighting. Hindi muna kayo babalik sa trabaho niyo, because your duty is taking care of those children. Remember, their life is at stake here."
"Yes, Mr. Vice President. We'll do our best."
+ × + × + × + × + × + × + × + × + × + × + × +
- 🌹
BINABASA MO ANG
ɪᴜꜱᴛɪᴛɪᴀ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍɪᴀ || ᴏɴ-ɢᴏɪɴɢ 🌹
General Fiction"We all share one dream: Justice." + × + × + × + In which a province called 'Mariana Province' gets attacked by a huge group of terrorists called 'Vindicta'. The group killed every single person living in that province...