Kabanata 6

40 3 0
                                    

+ × + × + × + × + × + × + × + × + × + × + × +

-- Kabanata 6 --

' Cops and Robbers '

+ × + × + × + × + × + × + × + × + × + × + × +

Dylan's POV

"SA WAKAS TAPOS NA RIN!" Masaya kong sigaw nang makalabas kami ng classroom. Kakatapos lang ng exams ngayong araw. Sa wakas tapos na rin!

"'Yong results pa, alalahanin mo." Sambit sa'kin ni Ivan.

"Bro, since when did you became a nerd?" Sabat ko. "'Results' my foot. Paki ko do'n!" Aniko at nauna nang maglakad.

Nakita ko si Xander na mukhang may hinahanap sa labas. "Bro!" Tawag ko sa kanya at kumaway-kaway.

"Bro, big news!" Sigaw niya at tumakbo palapit sa amin.

"Ano daw?" Tanong ni Ivan.

"Big news daw. Ewan." Aniko

"Guys, big news!!" Hinihingal niyang sabi.

"Ano 'yon?" Tanong namin ni Ivan.

"C'mere." Aniya at hinila kami ni Ivan palayo sa maraming tao.

"Bakit?"

"This is top secret. The student council is going on a mission!" Pabulong niyang sigaw.

"'Mission'?" Nagtataka kong tanong.

"They're going outside, for a mission." Aniya. Outside-- wait outside?!

"Weh?!" 'Di namin makapaniwalang tanong ni Ivan. None of us is allowed to go outside the school. Kahit mga teacher na nagtuturo dito, tuwing linggo lang nakaka-uwi. That's the rule.

"Shh!" Singhal niya. Tinakpan ko naman ang bibig ko gamit ang palad ko. "Promise! Narinig ko si Sir Arnel na kinaka-usap kanina sa labas si ate Karen!" Dagdag pa niya.

"An'sabi??" Interisadong tanong ni Ivan.

"Basta sabi lang niya, 'Gather the members of the student council in the clubroom. You're going on a mission.' Tapos tumango si ate Karen!" Paliwanag niya.

"What kind of mission?" Tanong pa ni Ivan. "Kailan?" Dagdag ko pa.

"Tonight. Malay mo gawin silang spy! Who knows!" Anito.

"Nasaan sila Bruce?" Tanong ko.

"Inutusan ni Sir Bobby." Sagot niya. "Anyway, wanna hear a dumb idea?"

"Go ahead." Sagot ni Ivan.

"Wanna go outside later at night?" Tanong nito nanlaki naman ang mga mata namin ni Ivan.

"Say what?!"

"Bruh, gusto mo din ba'ng magkaroon ng ganito?" Tanong ko at ipinakita sa kanya ang suot kong relo-- na inakala kong relo lang noon, tracker pala! Piste! I can't take it off or I will be in major trouble.

"It's not that dumb actually. The student council is going on a mission tonight, which means..!"

".. they will not be here-- probably until tomorrow." Pagtutuloy ni Ivan sa sinabi ni Xander. "To be honest, gusto ko rin lumabas." Dagdag pa niya.

"Baka malaman nila. I'm wearing this crap after all." Aniko.

"Bro, bakit ka nila tututukan kung meron silang mas importanteng gagawin? Plus, it's been 3 years. Pa'no ka nakakasigurado na ginagamit pa nila 'yan para tingnan kung tatakas ka ulit, ha?" Aniya. Welp.. makes sense.

ɪᴜꜱᴛɪᴛɪᴀ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍɪᴀ || ᴏɴ-ɢᴏɪɴɢ 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon