Kabanata 2

71 5 0
                                    

+ × + × + × + × + × + × + × + × + × + × + × +

--  Kabanata 2  --

' Welcome to Iustitia Academia '

+ × + × + × + × + × + × + × + × + × + × + × +

Dylan's POV

School?! Anak ng tokwa!

Siniko ko si Ivan ba katabi kong naglalakad. "Ivan, 'wag mo sabihing dinala tayo ng lalaking 'yan sa isang school." Aniko. Nakatingin lang sa amin 'yong mga taong nandito. Nakasuot sila ng uniform; e 'di school nga 'to?!

"Pa'no kung school nga?! Tol, jackpot 'to! May titirhan na, may pagkain, makakapag-aral pa tayo! Ayaw mo ba no'n?!" Pabulong niyang sigaw na abot tenga ang ngiti habang pinagmamasdan 'tong lugar na 'to. Hindi naman sa ayaw kong mag-aral.. pero wala naman akong napag-aralan. Ano na lang ang magiging tingin sa akin ng mga bata dito? Buti pa si Ivan kahit hanggang grade 4.. nakapagtapos.

"Sir Arnel!" Napatigil kami sa paglalakad nang may sumalubong kay Arnel na dalawang lalaking.. magkamukhang-kamukha! Kambal sila?!

"Oh, Ethan, Nathan, nasaan si Matthan?" Tanong sa kanila ni Arnel. Wow, pati pangalan.

"Nasa club room po, sir." Sabay nilang sagot. Isang tao lang ba sila o ano?

"This is Ivan and Dylan, lead them there." Utos sa kanila ni Arnel bago maglakad paalis.

"Yes, sir!"

"Ano siya dito? Teacher?" Wala sa sarili kong tanong.

"Instuctor. Siya natuturo sa amin kung paano gumamit ng baril." Sagot ng isa sa kanila.

"Ah.. HA?! BARIL?!!" Bulaslas namin ni Ivan. Tama ba 'yong narinig ko? Baril?!

Natawa silang dalawa. "Our president will fill you in with the details." Anang ng isa sa kanila at tsaka naglakad.

"Tol, baril?" Tanong sa akin ni Ivan. Nagkibit-balikat lang ako. Anong klaseng school ang-- aba ewan!

"'Di ba Ethan at Nathan pangalan niyo?" Tanong ni Ivan sa kambal.

"Yes." Sabay nilang sagot.

"Sino 'yong Ethan, sino 'yong Nathan?" Tanong pa ni Ivan.

Lumingon naman silang dalawa sa amin. "Sa tingin niyo sino?" Nakangiti nilang tanong.

.

.

Binuksan nila ang pintuan ng isang building na nakahiwalay sa ibang building ng school  at bumungad sa amin ang isang malaking silid. May tatlong tao din dito na napansin kong iba ang uniporme sa ibang mga estudyante dito.

"Whoa.." narinig kong bulong ni Ivan.

"Sino sila?" Nagulat ako nang sumulpot bigla ang may-ari ng boses. Matangkad at may hitsurang lalaki. Ang lalim ng boses! Mas malalim pa sa boses ni Arnel eh!

"Oh, prez. We dunno. Sabi sa amin ni Sir Arnel, dalhin namin silang dalawa sa'yo." Sagot ng kambal.

"Sino kayo?" Tanong ng lalaking tinawag ng kambal na 'Prez'.

"Dylan Miles Castillo, 14." Pagpapakilala ko. Ang cool mo boi! "Ivan Castillo po! 14 din." Pagpapakilala rin ni Ivan.

"Saan kayo galing? Herena?" Tanong pa niya.

"Parang gano'n na nga." Sagot namin.

"Anong 'parang gano'n na nga'?"

"Uhm.. ano kami--"

ɪᴜꜱᴛɪᴛɪᴀ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍɪᴀ || ᴏɴ-ɢᴏɪɴɢ 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon