Kabanata 3

66 4 0
                                    

+ × + × + × + × + × + × + × + × + × + × + × +

--  Kabanata 3  --

' Home '

+ × + × + × + × + × + × + × + × + × + × + × +

EDITED

Dylan's POV

"Prez, mahirap ba buhay dito?" Tanong ko habang nakasunod kami ni Ivan sa kanya maglakad.

"Mahirap. Pero, masasanay rin kayo pagdating ng panahon." Sagot niya habang nakatalikod pa rin sa amin.

"Tungkol do'n sa sinabi ng kambal sa amin kanina, tinuturuan kayo dito gumamit ng baril?" Tanong naman ni Ivan sa kanya.

"Oo. Hindi lang si Sir Arnel, may iba pang nagtuturo sa amin dito kasi hindi naman niya kayang asikasuhin kami lahat." Sagot niya.

"Ilan ba lahat ng estudyante dito?" Tanong ko pa. Buong probinsya no'ng una, paniguradong marami. Lalo na 'yong mga nadagdag ngayon, kasi lungsod 'yong Herena.

"Noong mga taga-Mariana pa lang ang nandito, 1,569 kami lahat." Panimula niya. Nanlaki ang mga mata ko. Gano'n kadaming mga bata ang biniktima ng mga demonyong 'yon? Anong klaseng mga tao--

"Gano'n kadami?" Hindi rin makapaniwalang tanong ni Ivan.

Narinig kong napabuntong-hininga si Prez. "10,395.. ang populasyon noon ng Mariana Province. Ang tinira lang nilang buhay ay mga batang 15 anyos pababa." Paliwanag niya.

"Ilan 'yong.. n-nabuhay?" Nauutal kong tanong. "2,769 lahat." Mahina niyang sagot.

"Prez, 'di ba sabi mo, 1,569 kayo lahat noon dito..?" Nagtatakang tanong ni Ivan.

"Nasa.. mga terorista.. 'yong natitirang 1,200." Sagot niya. Nakita kong ikuyom niya ang kamay niya.

"K-Kasama do'n 'yong.. kapatid mo?" Nag-aalangan kong tanong. Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa amin. "Pa'no niyo nalaman? Kanino niyo nalaman?" Seryoso nitong tanong.

"K-Kila Jhon." Kinakabahan naming sagot ni Ivan.

"They can't just shut up, can they?" Narinig naming bulong nito sa hangin. Siniko ako ni Ivan at malakas na bumulong. "Ang daldal eh!"

"It's her.. birthday today.." bulong ni Prez. "Let's go." Aniya at nagsimula ulit na maglakad.

.

.

.

"This is the Dormitory. This building has a total of 391 rooms for students. Unit A and B has 130 rooms, while Unit C has 131 rooms. Each unit has 5 floors. This is yours. May kasama kayong tatlo dito, nasabihan na rin sila. Since, tapos na lessons ngayon, nandiyan na naman siguro 'yong mga 'yon." Ani Prez nang makarating kami.

"Hindi taga-Herena 'yong nandito?" Tanong ko. "Hindi. Nasa nakahiwalay na building sila. This room only has three students since the last six years. Dahil dalawa lang naman kayo, dito na lang." Paliwanag niya.

"Ah, okay."

"Mauuna na 'ko." Aniya at tsaka naglakad paalis.

"Wow.. Room 106-C. Parang hotel.. ang daming kuwarto!" Ani Ivan.

ɪᴜꜱᴛɪᴛɪᴀ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍɪᴀ || ᴏɴ-ɢᴏɪɴɢ 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon