Malas
If there's one word to describe me, that's badluck.
I grew up, surrounded with people that hates my presence so much. Ang ideyang makasama lang nila ako, kinamumuhian na nila. Para sa kanila ay tila may sakit akong nakakahawa at nakamamatay kaya ang lapitan man lang ako ay napakaimposible na.
Malas daw ang dala ko. Natatakot sila dahil sa oras na mapalapit ako, masamang mga bagay ang maidudulot ko sa kanila. Kahit wala akong ginagawang masama.
I was harmless. It's true. Hindi ko magagawang manakit ng tao. Hindi ko maatim ang magdulot ng kapahamakan sa iba. I have never ever pained anyone in this whole lifetime. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganon na lang ang kagustuhan nilang layuan ako.
Hindi ko alam kung bakit malas ang tingin nila sakin. My parents both died when I was young. My mother, when she gave birth to me. And my father, in a car crash incident.
Ang lola ko ang nag-alaga sakin noong bata pa ako. But when I was nine years old, exactly on the day of my birthday, pumunta ako sa kanyang kwarto. Nakaipon ako ng kakaunting pera pangbili ng tinapay para sa aming dalawa. On that moment when I opened the door, I found her body on the bed---cold and lifeless.
Since then, I was all alone. My relatives all loathe me, thinking that I'm an ungrateful child. Thinking that my birth was the cause of my loved one's death. Thinking that the start of my journey, brought the end of theirs.
No matter how the world turned its back on me, I still feel grateful of this life. Kahit pa anong galit at pagkamuhi ang binibigay ng ibang tao sakin, I still couldn't plant hate towards them. At, kahit na napakalabo, nananatili pa rin ang pag-asang may tatanggap rin sakin.
Countless hate were directed towards me, but I still grew up with love. Ang lola ko ang nagparamdam nun sakin. Na sa kasamaang-palad, maaga ring nawalay. I just can't deny the fact na ang mga magagandang bagay, maagang natatapos.
Ang professor ko ay kasalukuyang nagsusulat sa aming whiteboard. Hinati niya ang klase sa limang grupo para sa isang major na project.
Pagkatapos niya roon ay dali-dali rin niyang kinuha ang mga libro at umalis.
Iilang mga reaksyon ang kumalat sa kalawakan ng silid nang matapos na ang pagpapangkat. May natuwa dahil kagrupo ang kanilang mga kaibigan. May nalungkot dahil hindi masyadong close ang mga kagrupo. Meron namang nainis dahil ayaw ang mga kasama.
Nakita ko ang pangalan sa pisara. Kasama ako sa ikalawang grupo. Kinabahan ako dahil mukhang hindi nanaman maganda ang mangyayari.
Lumapit ako kay Charm, isa sa mga kagrupo ko. Kasama niya ang mga kagrupo rin namin at ako nalang ang kulang dahil ako lang naman ang may malayong pwesto mula sa kanila.
"Anong kailangan mo, Helena?"
Tanong ni Charm. Nagkatinginan ang mga kagrupo ko. Sa tingin pa lang ay alam kong nagkakaintindihan sila.
"Ah... Kagrupo niyo kasi ako sa Chem. Ano na bang mga plano natin?"
The prof clearly tasked us to gather with all the groupmates today and think of a plan about the project. Magpapasa ng proposal ngayon kaya hindi pwedeng wala akong maitulong kahit sa idea man lang.
Charm made her face look like she's full of inquiries.
"Ganun ba? Group 2 ka ba talaga? Sorry, namali ka yata ng basa. Hindi ka sa grupo namin,"
Tinalikuran ako ni Charm at sinenyasan ang mga kagrupo niyang umalis na at lumipat ng lugar. Nakasukbit na ang kanilang mga bag at nag-aayos na ng gamit ang iba.
BINABASA MO ANG
Caught Up In Lucifer's Eyes
FantasyMalas ang turing sa kanya ng ibang tao. Hindi alam ni Helena kung bakit gayon na lamang ang takbo ng kanyang buhay- in pain, despair and sadness. Until that one night happened. She found herself lying in a stranger's bed inside a stranger's house...