BubogHinampas ko ng paulit-ulit ang pinto. Umingay lang ang loob. Ramdam ko ang hapdi sa palad na kanina ko pa inihahampas sa pinto para makagawa ng ingay. Sumandal ako sa pinto at pumikit nalang, umaasang may daraan at mapapansin ako.
"Tulong! May tao sa loob! Tulong!"
Tuyot na tuyot na ang lalamunan ko. My lips were dry and chappy. Nanghihina ang katawan ko. Hindi ko na mabilang kung ilang oras na ang itinagal ko rito. What I knew to myself was it felt like hell.
Naririnig ko ang ingay sa grounds. It's a low muffled sound. Ang program ay sa gabi lang nangyayari. Kung ganoon, gabi na?!
Madilim ang paligid. Para akong nawawala sa ulirat at sa tamang pag-iisip. Sa ilang oras ko nang pananatili rito, kung ano-ano ang tumatakbo sa isipan ko.
Hinawakan ko ang bakal na nakapa ko kanina. Hinampas ko iyon sa pinto, kahit nanghihina.
"T-tulong..."
Darkness was all over the place. It was as if I was in the middle of nothingness. Walang nakaririnig at nakapapansin. Nag-iisa ako.
Sa sitwasyon ko ngayon, naunawaan kong mag-isa lang ako sa buhay. Walang tutulong sakin kundi ang sarili ko. It's like I was secluded from the world, I was meant to suffer.
Hindi ko alam kung ano ang kasalanang ginawa ko kay Charm para gawin niya sa akin to. I told myself that I wouldn't trust the people who have harmed me again. Hindi ko maintindihan kung bakit pabalik-balik ako sa simula at hindi pa rin ako natututo.
Revenge was futile. For me, it's a senseless thing. Ang pagbibigay ng sakit dahil nasaktan ka ay pagiging makasarili. You already knew the pain and how much it troubled you, giving it back to the people to let them experience it again means that you never really learn from that pain.
Umubo ako nang ilang beses. Pinukpok ko ang dibdib para matigil ito. Nalalanghap ko ang mga alikabok sa hangin. Mahirap huminga.
"T-tulong... May tao sa... loob. Tulong!"
I cried silent tears. Wala akong lakas upang humikbi o humagulgol. Hinang-hina na ang katawan ko. Nanginginig ako sa lamig, panghihina, gutom, uhaw at sa iba pang bagay.
Sa ayos na iyon ay tuluyan akong nawalan ng malay. Nanatili nakasandal sa pinto ang katawan ko. Ramdam ng balat ko ang alikabok at lamig ng lapag.
Nagising ako nang ilang ulit sa tuwing nakararamdam ng sakit sa katawan. Tumindi ang ubo ko. Naiiyak ako sa hapdi ng lalamunan ko dahil sa pagkatuyo. Kumakalam na ang sikmura ko, kanina pa.
Wala na ang kalabog ng musika sa labas. It's just bare silence. Mas lumamig ang paligid. Mas nakakabaliw iyon. Tingin ko ay magkakasakit ako sa labis na panghihina ng katawan.
When we're at trouble, we always think of the people we love. Or people we consider as family...
A tear escaped my eye as I remember the familiar face of Lucius. Gusto ko siyang makita. Gusto ko nang makaalis rito.
"You've been a really brave lady."
Naalala ko ang sinabi niyang iyan noong una kaming nagkita. When he was taking care of me. I'm brave, kakayanin ko to. I'll have to fight for myself.
Sinubukan kong tumayo. My knees wobbled. Nahilo ako sa aking paggalaw. Kinuha ko ang bakal sa sahig at pinukpok sa pinto upang makagawa ng ingay.
"Tulong! Tulong!"
My voice broke as I shout. Sinubukan kong patatagin ang sarili kahit pa hinang-hina na ako.
"Tulong! May tao sa loob!"
BINABASA MO ANG
Caught Up In Lucifer's Eyes
FantasyMalas ang turing sa kanya ng ibang tao. Hindi alam ni Helena kung bakit gayon na lamang ang takbo ng kanyang buhay- in pain, despair and sadness. Until that one night happened. She found herself lying in a stranger's bed inside a stranger's house...