TrappedNaging busy ako noong nakaraang mga araw. As expected, Marco started ignoring my presence. I did that too. Bumalik na ako sa dating mga araw na nag-iisa lang ako sa aking upuan. I never admired its peacefulness, ngayon pa lang.
The Professor was busy discussing about the details of the School Fest. Ang university ay bubuksan ng isang linggo para sa mga outsiders para sa pagcecelebrate ng foundation.
Bilang pakikibahagi ng mga estudyante, magtatayo kami ng mga booth o kaya naman ay stalls para sa gaganaping event. This a major group task, at sa puntong ito, hindi na pwedeng mag-isa.
Hindi ko alam kung nanandya ba ang prof o conincidence lang talagang magkakagrupo kami. Each group was composed of seven members at sa pitong iyon, talagang nakasama pa sina Abby, Charm at Marco.
Si Jane ang namuno sa group namin. She's bright and she had so many ideas for the task. Nakikinig lang kami at nakikieksena kung may suggestion.
However, the awkwardness between the four of us was defeaning. Charm was at her usual poker face. Abby looked out of the place. Habang si Marco naman ay tulala lang sa gilid.
Tanging ang leader lang na nagsasalita ang tila nagbibigay ng enerhiya sa grupo.
Our task was to either set-up a booth or a stall. Ang sabi niya ay mas maganda kung booth ang iseset-up dahil expected nang maraming gagawa ng food stalls dahil mas convenient yun.
Isang member din ang nagsuggest na gagamit nalang kami ng recyclable materials o kaya naman ay mura lang para hindi na kami masyadong gumastos.
Tama iyon dahil ang layon naman ng task ay ang paramihan ng customers na sasali. We have to think of a strategy na makakaattract ng customers.
Nagbrainstorm pa kami at nag-enumerate ng mga possibleng game na para sa booth. We finished the meeting for a good one hour. Medyo competitive pala itong si Jane at gustong planado ang lahat lalo pa't mangyayari na ito sunod bukas.
Si Jane ang magmamanage ng kabuuang booth. Sina Marco at Charm naman ay ang exhibitor at mangeentertain ng customers. Ako at ang isa pang member ay tagabigay naman ng flyers at maghahandle sa props at prizes na kakailanganin. Ang natitirang dalawa ay bantay sa booth at papalit sa dalawa tuwing lunch time o may ibang gagawin.
Before that night, I was preoccupied. Ako ang nagpack ng mga prizes. Niready ko na rin ang props na gagamitin. Dadalhin ko itong lahat bukas sa school. Yung kapartner ko kasi sa task na ito ay siya nang bumili gamit ang napag-ambagan naming lahat.
One of my tasks also is to handle the budget, pati ang iaaudit na pera. Ipapasa kasi sa prof ang summary ng nagastos namin at ang effectivity nito sa kabuuan ng booth.
Because of the school fest, whole day kaming inaasahan na nasa school. Gagabihin kaming lahat. First day would be extra hectic dahil magseset-up kami. Next days, pwede nang pumasok ng alas-otso ng umaga.
Habang nagbabalot, naisipan kong itext si Lucius. I know this is just my business but to pay respect, I would just let him know na gagabihin ako sa pag-uwi. Besides, I'm in his territory.
Helena:
Hi! Goodeve! I just wanna let you know na gagabihin ako ng uwi this week. Don't worry about the house! Malilinisan ko pa rin naman.I waited a few minutes for his reply. Mukhang abala siya ngayon ah?
Lucius Sungit 😈:
Why? Is that school-related? Or do you have a date? May nanliligaw ba sayo, Helena?I rolled my eyes at his reply. Kung meron, anong pake niya? Why does he care? Wala naman akong pake kung may idadate siyang ibang babae. Not that I would like that to happen...
BINABASA MO ANG
Caught Up In Lucifer's Eyes
FantasyMalas ang turing sa kanya ng ibang tao. Hindi alam ni Helena kung bakit gayon na lamang ang takbo ng kanyang buhay- in pain, despair and sadness. Until that one night happened. She found herself lying in a stranger's bed inside a stranger's house...