SubstituteKahit abala sa pag-aaral ay sinikap kong maisingit ang pagkakabisado sa part ko sa play.
I spent an hour on the cafeteria to memorize that play. Absent kasi ang prof at natapos ko na rin ang kanyang pinapagawa.
It was a table for five but I occupied this alone. Walang masyadong tao sa paligid dahil karamihan sa mga estudyante ay may klase.
Nakabun ang mahaba kong buhok. Masyado kasing nakakadistract yun kapag nakalugay at nagbabasa. Ang lapis ko ay nasa gilid ng tenga.
Nakalatag ang folder sa mesa. Hirap na hirap ako sa pagppractice. Paulit-ulit kong binabasa ang lines at iniinternalize.
"Mamatay ako... mamamatay ako sa ilalim ng isang sumpa! Makakatulog ng ilang taon. Maaaring hindi na muling makagigising pa. P-pero ang h-halik..."
Ngumuwi ako ng magkanda-putol putol ang mga salita. Uminom ako ang tubig mula sa tumbler bago nagpatuloy.
"Maaaring hindi na ako muling makagigising pa. Pero ang halik..."
Napahawak ako sa lalamunan ko. Ngayon naman ay pumiyok pa ako.
Kinlaro ko ang boses. Minasahe ang panga para mas malinaw ang bigkas ng mga salita.
Pinawisan ako kaya pinahid ko ang panyo sa noo at sa gilid ng leeg. Huminga ako ng malalim bago muling nagsimula.
"Mamatay ako sa ilalim ng isang sumpa! Makakatulog ng ilang taon. Maaaring hindi na muling makagigising pa. Pero ang halik..."
"---mo namimiss ko?"
Nabalikwas ako sa upuan nang narinig ang nagsasalita. Nakita ko si Abby sa gilid ng mesa. She's still on her cheerful smiles.
May dala siyang dalawang burger at dalawang sprite. Tumabi siya sa akin at binigay ang dalawa roon.
"Anong ginagawa mo? Mukhang seryoso ka diyan ah?"
Bahagya akong nahiya nang maalala ang ginagawa niya kanina. Nakita niya bang nagppractice ako?
"Pero wait lang," saad ni Abby.
Abala siya sa pagpapaypay ng sarili. Talagang mainit nga rito.
"Bakit ka ba andito? It's too mainit here. The pawis is coming out from my skin,"
Sinikap niyang mahanginan ng mini fan niya ang kabuuan ng kanyang mukha.
"Ah, ano... Wala kasing tao rito. Kaya gusto ko,"
Natigilan siya sa sinabi ko. Nanlaki naman ang mata ko nang narealize iyon.
"Ano, pero...Hindi naman sa ano... Hindi naman sa ayaw kitang kasama pero,"
She raised her brow. Tila ay natutuwa sa reaksyon ko. "Pero ano?"
I sighed. "Pero nahihiya kasi akong may nakakakita sa akin magpractice."
"What?" tanong niyang hindi makapaniwala.
"Nagrerehearse kasi ako ng lines ko,"
Ngumiti siya sa akin.
"Pahiram nga ng script mo. Tulungan na kita,"
Nanlaki ang mga mata ko.
"U-uy, wag na. Hindi na kailangan. B-baka naaabala pa kita,"
"Come on, ayos lang!"
She said with assurance. Ako naman ay namula lang sa hiya. Hindi lang talaga ako sanay na may nanonood sa akin.
BINABASA MO ANG
Caught Up In Lucifer's Eyes
FantasyMalas ang turing sa kanya ng ibang tao. Hindi alam ni Helena kung bakit gayon na lamang ang takbo ng kanyang buhay- in pain, despair and sadness. Until that one night happened. She found herself lying in a stranger's bed inside a stranger's house...