CHAPTER 9: BOUQUET

11 2 0
                                    

Pagka gising ko kina umagahan, hinanap ko ka agad sa tabi ko si Alex pero wala akong nahagilap kundi si Rada na hinahawi ang kurtina ng kwarto ko

"Magandang umaga Ms.Hale, kanina pa pong alas sais umalis si Ms.Alex hindi niya na po kayo pina gising kasi kailangan niya pa daw pumasok sa opisina. Tatawagan ka nalang daw niya maya maya"

Tingnan mo din talaga ang topak ng babaeng yon

"Anong oras naba Rada? Nag agahan ba yon bago umalis?" tanong ko

"Alas otso emedya na po Ms.Hale ang schedule ng pasok mo ngayon ay alas diez kaya maligo kana at ihahanda ko na ang agahan mo" sagot ni Rada

Nagmadali akong bumangon upang hindi na ma late sa practice. Ngayon na din pala ang final practice namin para sa UB sabado gaganapin ang UB at ngayon ay biyernes.

Wearing my baby blue strapless dress paired by black sandals Im done. Itinali ko din ang hanggang baywang kong buhok pagka tapos kong mag blower

Dahil sa wala namang klase, hindi required sa amin ang mag uniform

"Rada, paki sabihan si Mang Densyo na after ko kumain aalis na kami, si Mom and Dad ba maaga din ba umalis?" Tanong ko

"Si Madame Ms.Hale ay maaga umalis ang daddy mo po ay kasabay niya papasok"

Madalas wala si mom and dad dahil sa dami nilang inaasikaso sa business. Kasama na diyan ang Laxamana's Empire and the Victorio's Wines and Chocolates. Dahil sa namamayagpag kami sa Induatriya, Walang pwedeng pagkatiwalaan si daddy at mommy sa business.

Growing up with my parents is really good and fun. Kahit busy sila pareho humahanap parin sila ng time para mabigyan ako ng oras. That is why I love them so much.

Simula ng nadiskobre ni mommy na marunong ako sumayaw at kumanta pinapasali niya ako sa mga contest sa tuwing foundation day sa school simula noong grade school palang. Kinder ako noong na diskubre ni mom ang ganong klase kong talento

Sa tuwing may ganong event ako sa school, kahit may business trip si daddy at mommy kinakansela nila iyon maka nood lang at magpakita ng suporta sa akin

Natigil lamang ang pagsali ko noon dahil sa nawalan na din ako ng interes dahil mas gusto ko nalang mag sketch ng mag sketch

"Ah okay" sagot ko

Pagka kagat ko ng sandwich at pagka inom ko ng gatas ko ay tumayo na ako

"Rada, aalis na ako paki tawag na si Mang Densyo utos ko"

Agad umalis si Rada pagka sabi ko. Lumabas ako ng bahay at hinintay ang pag labas ng sasakyan namin sa garahe

Maglalakad na sana ako papuntang gate ng may nahagip ang mata ko sa may pool side

Wearing his black corporate attire, there I saw Juxerios standing so proud on our pool side. Bakit siya andito?

Papunta siya sa kinaroroonan ko ng napansin kong may dala dala siyang bouquet? Para ba sa girlfriend niya iyon?

"Good morning, I was sent here by your dad to check on you, papasok kana ba?"

Hindi ko first time marinig ang boses niya but hearing his british accent makes me tremble

"My dad? Where is he? Any way Im okay. Would you mind if I go now?"

Diretso kong sabi kahit abot abot na ang tahip ng puso ko pero pinagmukha kong nagtataka lang ang mukha ko upang hindi mahalata ang tunay na nararamdaman ko. Such a good actress Maria Hale

"Alright"

Sagot niya at tinago sa likod ang bouquet ng pink roses sa likod niya ng makitang titig na titig ako doon

Sumakay ako sa sasakyan at pinapakalma ang sarili. Kailangan ko na atang bawasan ang mga matatamis baka yon ang dahilan kung bakit ako laging nagpa palpitate

AFTER 10 minutes, nakarating akong school at nahagip ko ng tingin si Exel sa may parking lot na may kausap. Yon ba yong basketball player? What is his name again? Lester?

Inignora ko na lamang yon at dumiretso sa venue ng practice. Umupo ako sa mga bleachers habang hinihintay si Exel. Ilang minuto ang lumipas ng may lumapit sa aking kaklase ko, si Lecy isa sa mga kaibigan namin ni Exel.

"Hale, may nagpapabigay daw sayo nito. Kararating lang niyan e nadaanan ko don sa may guard sinabi ibigay daw sayo edi nag volunteer ako na ako nalang kako yieee! Kanino galing? Kay Diel ba?"

Tukso ni Lecy at inabot sa akin ang bouquet ng pink roses, alam ni Diel na blue roses ang gusto ko kaya malamang hindi sakanya galing ito

Pamilyar ang pagkaka ayos ng bouquet saan ko ba ito nakita?

Hinanap ko ang card kung kanino ito galing ng sawakas ay nahanap ko agad kong binasa ito

"I should give you this a while ago but you are in hurry to go. Hope you like it. -Jux Cazuela"

Akmang sisilipin pa ni Lecy ang card ng biglang may humiyaw sa bandang entrance ng practice area

"Hale?!" Sigaw niya at patakbong lumapit sa akin. Hindi talaga siya nahihiya sa pag sigaw sigaw niya.

"Natatae na--- teka kanino galing yan?" Asik niya sa akin.

Akma ko ng itatago ang card ng inagaw niya ito sa akin at binasa niya ng pagka lakas lakas. Omygod.

"I should give you this a while ago but you are in hurry to go. Hope you like it. Jux Cazuela?"

Patanong niya pang sambit. Sisinghalan ko na sana siya ng bigla siyang nagsalita nanaman

"Si kuya Jux? Aba may hindi ka talaga sinasabi sa akin Hale ha. Ano to? Nagkita kayo? Kailan?"

Sunod sunod na tanong niya. Bahagya akong nahiya ng nakita ko si Lecy na pa palit palit ang tingin sa amin. Mukha namang wala siyang maintindihan kaya naglakad nalang siya pa alis.

"Galing siya sa bahay kanina, pa alis na ako noong nakita ko siya okay? Pinapunta daw siya ni daddy para daw i check ako"

Sinsero kong sagot

"I check? Ang weird naman. Pero ano tong pa flowers? Ang baduy ng arrangement tapos pink pa. Diba blue ang gusto mo?" Sagot niya.

"Ewan ko?" Tipid kong sagot

Tiningnan niya ako ng eksaheradang paraan ng paningin.

Sasagot pa sana ako ng tinawag na kami ng aming instructor para sa practice.

Buti naman!

Infinite ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon