CHAPTER 8: SHOPPING

14 2 0
                                    

Dumiretso kami ni Exel sa kilalang boutique para maghanap ng isusuot. Kinunsulta ko na si mommy about sa UB suhestyon niyang magpatahi nalang sa kilala niyang designer pero tumanggi ako. It takes a lot of time at masiyadong magastos.

Dahil Hollywood Glamour ang theme ng party ay naghanap kami ni Exel ng kulay na babagay sa texture ng mga kulay namin.

"Why don't you try the silver one ma'am It looks elegant with you" suhestyon ng isang babaeng namamahala doon

"Ohh. You had a good taste ate, but I prefer this one for her" singit ni Exel

Hawak niya ang isang kulay rose gold na long gown muntik na akong mabilaukan dahil sa sobrang daring ng style nito.

"Ex, I dont have a big boobs for that kind of dress I want to wear a gown where Im comfortable with. Sa tingin ko hindi ako makaka tayo ng maayos kaka ayos ng harap niyan" sagot ko

"Ang arte mo naman, ang ganda ganda nga ng design e" asik niya

Dumiretso ako sa mga naka display na iba dahil may naka pukaw ng atensyon ko

A deep V neck long gown with the color of Gold. Kinuha ko iyon at sinuring mabuti ang design sa likod. Kapag isusuot itoy lantad na lantad ang likuran mo. I love the design.

"I'll just try this one" sambit ko kay Exel

Dumiretso ako sa fitting room at sinuot ko hindi ko napansin na ang haba pala ng slit nito sa may legs ko kapag uupo ay ma eexpose talaga ng sobra ang binti ko even my upper thigh but I love it

Lumabas ako at sumunod naman si Exel na mag fit para daw makapag picture kami

She picked the silver long gown with criscros design of the back.

After a minute lumabas na kami roon para maghanap naman ng sapatos at iba pang ipapares sa isusuot

Mag a alas otso na ng nag desisyon kami ni Exel na umuwi na. Dahil pagod na kami pareho ay sumang ayon ako.

Nasa gate pa lamang ako ng bahay ay dinig na dinig ko na ang ingay sa may pool area. May bisita ba kami?

Dumiretso ako sa may fountain ng bahay at doon ko nakita si mom and dad kasama si ang parents ni Alex. Hinanap ng mata ko si Alex at nahagip ko siya sa may gilid ng pool mukhang problemado.

"Mom, dad?" Tawag ko kila mom ng maka lapit ako

"Hale, iha. It's already 8pm iha where have you been?" Tanong ni daddy.

Daddy is not strict pero hindi ko inaabuso iyon dahil ayaw kong ma dissapoint si dad sakin I was raised to please my parents not because they wanted to but because I love them.

Lumapit ako at hinalikan sila ni mom at nagmano kila tita.

"Im sorry daddy, I went shopping with Exel. Hi Alex" ika ko

"Alright, magpalit kana para makapag dinner kana" ika  ni mom.

Tumango ako at nilingon pa si Alex, ni hindi niya lang ako nilingon kaya naman nagmadali naman akong umakyat at sinalubong ni Rada.

Dumiretso ako sa bathroom without preparing what I am going to wear. Alam na ni Rada kung ano ang gagawin.

Lumabas ako after 20 mins at dumiretso sa dining table. Naka handa na ang pagkain ko, nandon si Alex habang miserableng kumakain ng cake, may problema talaga siya.

Umupo ako sa tapat niya at tahimik na lamang kumain. Kasalukuyan akong umiinom ng tubig ng bigla siyang nagsalita. Tuloy ay naibuga ko ang tubig sa harap niya dahil sa gulat.

"Ano ba Mariale! Ang dogyot mo naman!" bulyaw niya

"Alex, wag ka naman kasing mang gugulat ng ganon! Manang, paki ligpit na po ito. Tapos na akong kumain"

Tumayo ako at nilingon si Alex, she knows what I mean kaya naman tumayo din siya at dumiretso sa may activity room namin. Doon kami naglalagi ni Alex kapag maglalabas siya ng sama ng loob. Bukod sa sound proof ay pwede niyang suntok suntokin ang mga bagay na nandoon.

"Agggggh! Nakakainis bwisit talaga yong lalaking yon Mariale wala na siyang ginawa kundi bwisitin at paki alaman ang buhay ko" sigaw niya habang isa isang pinag bubunot ang mga ulo ng mga stuff toys na naroon.

Nakinig lamang ako sa mga rants niya hanggang sa mapagod siya.

"Alex, baka naman gusto niya lang mas matuto ka. You know, if you hate na corrections you'll never improve" sagot ko.

"Akala ko ba nasa bakasyon sila tita at tito? It's been a week nong inanunsyo nilang aalis sila ah" pahabol ko

"Next month pa ang flight nila, pero ako na ang pinag ha handle para mag ready. You know It's bullsh*t. I love daddy so much but why mom let this happen"

Hindi ko kailanman nakita si Alex ganto ka emosyonal kahit noong namatay ang lola niya ay hindi ko siya nakitant umiyak kaya nagulat ako noong nakita kong tumutulo na ang luha niya.

"Why mommy let daddy do that. Hindi mo alam kung ilang insulto ang natatanggap ko galing sa Jad na yon Mariale, natural! Baguhan ako at hindi ko pa tapos ang masters ko" sagot niya

Inalo ko na lamang si Alex dahil hindi ko talaga alam kung anong maitutulong ko sakanya. Hindi ko alam kung anong i re react ko kaya naman niyakap ko na lamang siya habang umiiyak

"Shhh Alex, tahan na. Naiiyak nako sa iyak mo" sambit ko

Bahagyang kumalma si Alex kaya naman pinindot ko ang intercom at humingi ng tubig. After a second hinatid ni Rada ang dalawang basong tubig. Ibinigay ko kay Alex ang tubig at agad niya naman tong ininom

"Ms.Hale, hinahanap na po si Ms.Alex uuwi na daw po ata ang mommy at daddy niya" sabi ni Rada

"Did you bring your car?" Tanong ko kay Alex

"Yes. Im staying, Im not going home tonight dito ako matutulog doon sa room mo" sagot niya.

Tumango na lamang ako at inutusan ko si Radang sabihin sa mga magulang namin ang gusto ni Alex.

Nang tuluyan ng kumalma si Alex, dumiretso na kami sa kwarto ko at pinagbihis siya ng damit ko. Pagkahiga namin diretso naman ang tanong niya

"I heard what happen to your school a while ago. Are you alright?" Tanong niya

Tiningnan ko siya ng nagtataka kaya imbis na masagot siyay hindi ko na nagawa

"Huwag kana magtaka may nakapag sabi sakin ginugulo kapa din ng Lizel na yon?"

Umiling na lamang ako at sumagot

"Hayaan mo na siya. Im okay, kuya Ez already settled everything you have nothing to worry about. Let's sleep I had a long day Im so tired" sagot ko.

Sabay kaming humiga para matulog na. Im so tired.

"Good night Alex"

Infinite ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon