CHAPTER 16: DINNER

17 1 0
                                    

Nang makapasok ako sa opisina ni mommy ay nandon na ang daddy ko sa tabi niya at masinsinang nag uusap, mukhang problemado si dad kaya hindi ko alam kung pano ako lalapit sakanila

"Dad, I was looking for you outside" sabi ko

"Iha, galing ako sa finance office at dederetso sana kay Jux pero may nakalimutan akong kunin dito sa mommy mo. Kanina kapa ba andito?" Tanong di daddy

"No, just a few minutes ago" sagot ko

"Alright, Hon puntahan ko muna si Jux" paalam ni dad kay mom

Umalis si dad at dumiretso naman ako sa may single sofa malapit sa may bintana. Napansin kong tinitingnan ako ni mom kaya napatingin din ako sakanya

"Are you alright iha?" tanong ni mommy

"Yes mom, im just tired. Kahahanap kay daddy" sagot ko

Pero napansin ata talaga ni mommy na medyo bothered ako kaya hindi ko na natiis magtanong

"Mom, is Ju- I mean kuya Jux have a girlfriend?" Tanong ko

"I don't know Iha why?" nagtatakang tanong ni mom at tumingin sa akin

"Nothing just asking" sambit ko

Wala akong nagawa kundi maghintay ng oras at tumambay doon sa opisina ni mommy. Hinatiran din ako ng sekretarya niya ng meryenda kaya naman hindi ako nagutom

Nang mag alas singko ay nagdesisyon si mommy na umalis na ng opisina at pumunta na sa korean restaurant sa Tagaytay. Dahil doon ang nasabing venue ng dinner kasama ang business partners nila.

Nang makarating kami ay agad kaming pumasok. Iginala pa ni mommy ang mata niya at nang makita ang hinahanap niya ay agad silang naglakad ni daddy at sumunod ako

Dahil sa kaiisip sa nangyari kanina ay wala akong ganang bastang umupo sa tabi ni mommy ng walang nilingon man lang ni isa sa mga taong nasa table na iyon

"So before we start the business let us eat first" sambit ni daddy

Nag usap pa sila ng kung ano ano pero wala akong maintindihan at nag focus lang ako sa kinakain ko. Naiinis ako dahil bigla akong naging matamlay. Wala naman akong sakit ah!

"So Hillard And Meryiel, that is your daughter? How old is she?" Tanong ng boses matanda na hindi ko naman pinag abalahang lingonin

"Yes Mr.Mendez, this is Maria Hale Victorio the heiress of VWC, she's 17 and turning 18 next month iha say hi to your tito" utos pa ni mommy

"Good evening po" bati ko at nginitian naman ako ng matanda

"I thought she's 20, napaka matured ng itsura niya ohh. They are here!" Sagot naman ni Mr.Mendez

Nilingon ko kung sino ang tinutukoy niya kaya naman laking gulat ko ng makita ko ang babaeng yon at si Jux na magkasama papasok ng restau!

"Im sorry daddy were late, ayaw pa kasi umalis ni Jux" sambit nong Trisha

"Ohh, so she's your daughter Mr.Mendez? How are you Iha?" Tanong pa ni mommy

Nilingon pa niya ako at mataray na tinitigan bago siya sumagot kay mommy. Why are you looking at me like that bitch tss

"Im alright tita. I thought my husband told you that Im coming! You did not tell them Hon?" baling niya pa kay Jux

Husband? May asawa na siya? What the hell! I hate you Alexis for making me believe that this man is single damn!

"Ohhh, Im sorry haha! Common join us" sagot pa ni mommy na iniwas ang tingin

Parang nilalamukos ang puso ko dahil sa diko mapaliwanag na dahilan. Bakit ako nagkaka ganto?

"So as I've said earlier Hillard, my daughter will stay here now for good. Siya na muna ang hahalinhin sa akin dahil magbabakasyon kami ng aking misis"

Tumingin ako kay Mr. Mendez at nilipat ang paningin ko don sa babae. Mukha siyang ka age ni Jux kung titingnan mag asawa na pala sila

"Ah, It's alright Mr Mendez It is our honor to meet your daughter" sagot pa ni mommy

Nagkwentuhan pa sila ng nagkwentuhan, pero lalo namang bumigat ang puso ko habang tumatagal. Hindi na ako maka tiis kaya naman nagpa alam na ako pumuntang washroom

"Mom, dad excuse me I need to go to washroom po" sambit ko. Hindi ko na sila hinintay sumagot at tumakbo na ako papuntang washroom

Agad kong isinara ang pinto noong makarating ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ganto ang nararamdaman ko. Nakakainis na pakiramdam

"Nagulat ka lang Hale, okay? Nagulat ka lang. Kasi akala mo.. akala mo single siya"

Mukha na akong tanga katititig sa mukha ko sa harap ng salamin dahil sa pagkakausap ko. Kaya naman matapos kong mag retouch ay lumabas na ako

Magdederetso na sana akong lumakad ng biglang may humaklit sa palapulsuhan ko. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko dahil sa nakita kong mukha ngayon sa harap ko. Jux.

"What are you doing here" takhang tanong ko pa at ni linga linga ang paligid.

"Are you alright?" tanong niya

"Let go of me, your wife-"

Bahagya pa akong natigilan ng sabihin ko yon. Bakas naman sakanya ang gulat kaya nagtaka din naman ako kung para saan ang gulat na iyon

"Magagalit ang asawa mo kapag nakita niya tayo dito" sagot ko

"Look, let me explain"

Sarkastiko ko naman siyang tiningnan, at binawi ang palapulsuhan

"Explain? Wala kang dapat ipaliwanag Jux. I am not interested whatever you wanted to say. I just want to go back where my parents are so If you dont mind I need to go" dire diretsong sagot ko at nilayasan siya.

Iniwan ko siya roon at binalikan sila mommy at daddy. Pag dating ko ay naka tayo na silang pare pareho. Tapos na ang dinner at mukhang ako nalang ang hinihintay upang maka alis na

"So thanks for tonight Mr.Mendez, we need to go its getting late" sambit ni mommy at nakipag shake hands sa matanda

Matapos magpa alaman ay dumating naman si Jux, Agad kong iniwas ang paningin ko. Nakakainis bat ba siya tingin ng tingin! Your wife is here Jerk!

"Jux, we need to go its getting late" pa alam ni daddy

"Okay, drive safely tito" sagot ni Jux at tumingin pa sakin. Agad kong iniwas ang paningin ko at nagpaumuna na mag lakad

Nang makarating kami sa kotse ay agad akong sumalampak sa back seat. Doon ko inilabas ang hangin na hindi ko maibuga buga.

Bat ba ako nagkaka ganto?

Infinite ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon