CHAPTER 6: SLIPPED OFF

22 3 0
                                    

Naging abala kaming lahat sa paghahabol ng mga school works noong nagdaang araw dahil sa practice namin para sa University Ball. Kaya naman ng ma settle ang lahat. Nagsimula na kaming mag practice para sa cotillion. At ngayon ang pang limang araw namin.

Madaming nag aya saking maging partner pero mas pinili ko parin ang assigned partner kong kaklase ko. Hindi kami nahirapan pareho sa steps dahil passion namin pareho ang pagsasayaw.

Upang masanay, kaming mga babae ay pinag suot ng 5inches na takong sa rehearsal. Kaya naman halos magka paltos paltos ang mga hindi sanay.

"One two three four get the hand of the partner and tuuurn. Make sure that you guys are eye to eye contact. People at the back very good. Igiling mo pa ng konti baby girl" Ika ng baklang instructor namin sa dalawang nasa may bandang likuran.

"Okay from the top. Don't forget the always to have an eye to eye contact to yout partner!"

Inulit namin ang sayaw gaya ng sinabi ng instructor. Nasa may bandang bilog na formation na kami. Yon ay ang magpapalit ng partner habang naka bilog ang mga lalaki. Akma na akong iikot ng may biglang pumatid sa may bandang paanan ko.

Handa na akong bumagsak dahil sa taas ng takong ko ng may biglang sumalo sa baywang ko dahilan para hindi ako bumagsak. Tumayo ako ng maayos at nilingon ang sumalo sa baywang ko. Laking gulat ko ng makita kung sino yon.

"J-Jux" sambit ko. Sa sobrang gulat ko, wala na akong nasambit na iba.

"Be careful next time lady" sambit niya at nilingon ang babaeng kapalitan ko ng partner at posibleng pumatid sakin.

Lizel..

"Omy, Mr.Cazuela! Pasensya na po. Bakit po pala kayo nandito?" Ika ng instructor namin.

"I just want to roam around, continue what you are doing" sagot niya at dumeretso sa may lamesang may tubig.

Kanina paba siya andon?

"Okay, guys break muna tayo 15 mins" ika ng instructor.

"Ang gwapo ni sir Jux no? Grabe mas makinis pa siya kesa sakin. Ano kayang skin care niya?"

"Gaga, may lahing british yan kaya ganyan ang kutis. Pero nakita mo ba kung paano siya nagmadaling tumakbo nong nakita niyang matatapilok si Hale"

"Oo. Kung ako nalang sana pinatid ni Lizel edi sana ako ang nahawakan niya ng baywang ahhhh"

Dinig kong bulung bulungan ng mga babae sa likod ko. Ngayong na kompirma kong si Lizel nga yong pumatid ay hindi na ako nagtaka.

Dumiretso kami ni Exel sa may bleachers at kasalukuyan kaming kumakain ng biglang may tumabig sa iniinom kong juice. Kaya naman natapunan ang suot suot kong dress. My chanel dress!

"Pagka tapos mong landiin si Diel isusunod mo naman si sir Jux? Ibang klase ka din talaga Victorio"

Hindi ako umimik dahil sa iniisip kong sasabihin ni Rada kapag ibinigay ko sakanya etong dress kong may mantsa. Pagagalitan niya nanaman ako sa mahal nito. Damn you Lizel.

"Totoo nga. Well, wala ka ng magagawa magpapakasal na kami ni Diel and sa sobrang boring mo kasama iniwan ka niya"

Akmang ibubuhos niya na sakin ang juice na nasa lamesa ng naunahan ko ng itapon sa pagmumukha niya ang spaghetti ni Exel.

Bitch.

"Hindi ko alam kung minahal kaba ng magulang mo Lizel para magpa pansin ka sakin ng ganyan. Masiyado ka bang inggit sakin para umasta ng ganyan?"

Natahimik nanaman siya at lumaki ang butas ng ilong. She looks so patethic pffft.

"And about you and Diel? I know everything Lizel well I dont have to detail everything to you. Bago ka sana mag maganda i try mong gumamit ng underwear na victoria's secret mas matibay yon. I have a lot of it. You want some?"

Ngingisi ngisi ko pang sagot habang tawang tawa naman si Exel sa tabi ko. Siraulo talaga.

Akmang sasampalin na ako ni Lizel ng sinalo ni Exel ang palapulsuhan niya.

"No, girl. Not this time" ika ni Exel at lumagutok ang kamay ni Exel sa pisngi ni Lizel.

Akmang susugot na ang mga alipores ni Lizel ng may biglang humarang sa paningin ko.

Kuya Ez and Jux? Why are they here?

"Ms.Dela Vega and Company, go to my office noow!"

Umalingawngaw ang boses ni kuya Exel sa buong court kaya naman tiningnan ko ng nagtataka si Exel. Natatawa na lamang siyang umiling at tumingin sa kuya niya.

"Sumunod kayo sa office Ex and Hale I need to talk to you girls" ika pa ni kuya Ez.

Wala kaming choice ni Exel kundi sumunod. Kaya ng naka rating kami ni Exel may naramdaman na akong mata na naka tingin sa akin. Sa kabilang sofa nakita ko si Jux. Bakit andito padin siya?

"Sit down Exel and Hale" ika ni kuya Ez.

"Now, I want to hear you side Ms.Dela Vega I want you to voice out the truth. Everything. Why did you do that? Bakit mo pinatid si Ms.Victorio"

Yumuko si Lizel at bigla na lang pumalahaw ng iyak. Baliw ba ang isang to? Umiling na lamang ang si kuya Ez at inalo alo ng alipores ni Lizel si Lizel.

Bigla akong kinabahan ng tumingin sa gawi ko si kuya Ez. What? Diko naman kasalanan ah. Hindi ko nga sinampal naunahan ako ni Exel.

"What happen to your dress Hale? Basang basa ka ng juice mag mamantsa na yan" tanong ni kuya Ez.

Sasagot na sana ako ng biglang sumingit si Exel.

"Guess what kuya? Your scholar did that to her. Tinapunan ni Lizel si Hale ng juice. Alam mong hindi lang yan ang kaya niyang gawin pero hinahayaan mo lang. Scholar pa naman nakakairita" mahabang lintanya niya.

Lumingon ako sa gawi ni Jux at nagulat ako ng nakitang naka tingin din pala siya.

Damn.

"Exel, calm down. I know alright. To be fair I will call her parents para magkalinawan kami" sagot ni kuya Ez.

Akmang magsasalita na ako ng biglang nagsisigaw si Lizel.

"Ang kapal naman kasi ng mukha niya. Inaagaw niya ang atensyon ng boyfriend ko sakin Dean, kaya pinatid ko siya nakaka irita na siya"

Gulat na gulat ako sa pinagsasabi ni Lizel at kunot na kunot naman ang noo ni kuya Ez habang tinitingnan siya. Wtf is wrong with this person!

Tatayo na sana ako para pabulaanan ang sinabi niya ng biglang nagsalita ang taong nasa likod ko. Ayan nanaman ang puso kong bayolente ang reaksyon.

"I was there, watching them and to roam around. Nakita ko din kung paano mo siya pinatid thats why she almost slipped off"

Lumingon ako sa likod ko at gulat na gulat ng nakita ang galit ang galit niyang mata.

What was that for?

Infinite ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon