Pagkatapos ng practice sa araw na iyon ay nagdesisyon na kaming umuwi ni Exel para daw makapg beauty rest
Sobra sobrang kapaguran ang naramdaman ko dahil walang patawad ang aming practice. Tuwing magbe break kami ay 5mins lang, lunch break at snacks time
Kaya wala kaming magawa kahit nagkapaltos paltos na kaming lahat. Ang katuwiran niya ay may buong araw kami bukas para makapag pahinga
Kaya noong sinundo ako ng driver ko ay agad akong sumakay. Nang makauwi ako ay nagpahinga lang ako sa sofa at inutusan si Rada na ikuha ako ng maiinom
Nagising ako ng mag aalas sais ng umaga dahil sa kumakalam kong sikmura, agad akong tumakbo sa banyo para makapag bihis na at bumaba para mag agahan.
Pag baba ko ay na abutan ko si mommy at daddy na nagtatawanan sa dining area at kumakain
"Hale Iha, halika na sumabay kana kumain sa amin. Maaga kami ng daddy mo ngayon andami daming aayusin dahil sa pinapagawa naming branch sa Hongkong" ika pa ni mommy
Pagkatapos kong humalik kila mom and dad ay kumain na ako. After 15 mins ay nagdesisyon sila mommy na umalis na dahil nga sa dami ng trabaho
Dumating ang araw na ito at wala akong ibang gagawin kundi magpahinga ngayon. Dahil alas sais ng gabi naman gaganapin ang aming party ay makakapag pahinga ako ng maayos.
Nag usap kami ni Exel na sa venue nalang kami magkikita dahil gusto niya ding magpahinga. Kaya naman ng umalis ang parents ko buryong buryo ako sa bahay dahil wala akong ibang makausap kundi si Rada at mga katulong
"Rada, nagdilig naba ang hardinero natin" tanong ko ng naka labas at dumiretso sa may garden
"Hindi pa Ms.Hale, maaga pa kasi. Alas syete palang at maaga ka nagising dapat alas nwebe siya nagdidilig bakit nga ba maaga kang nagising?" paliwanag ni Rada
Nagulat pa ako sa sinabi niyang oras. Hindi ko alam na napaka aga ko nga palang nagising sa araw na to pero dahil nadin siguro sa pagod ay nakatulog na ako ng maaga kagabi ni hindi na ako naka kain ng hapunan
"Nasa sofa ka lang nong nadatnan kita kahapon noong pag dating mo nagpa timpla kapa nga sa akin ng juice mo pero noong bumalik ako tulog na tulog kana"
Ganon ba ako ka pagod?
"Hindi ko alam kung ipapabuhat kita sa driver mo o ano pero ilang sandali palang non dumating ang daddy mo at siya na ang bumuhat sayo papuntang kwarto ang mommy mo din ang nagbihis sayo hindi kana ginising dahil tulog na tulog kana"
Na alala ko ngang nakatulog ako sa sofa pero hindi ko na napansin na nasa kwarto nako pag gising ko.
Bahagya akong ngumiti sa ginawa ng parents ko. Im 17 pero kung i trato nila ako ay parang bata. Si mom and dad talaga.
Nag dilig na lamang ako ng halaman ng nag alas otso. Ng matapos ako ay nag swimming ako sa bagong palit na tubig sa aming pool. Matapos ng ilang minuto at nakapag palit ay inubos ko ang oras ko sa pag e sketch
Natigil ako sa pag e sketch ng isang bahay ng may sumagi sa utak kong isang tao.
Kaya naman, agad agad kong nilipat ang pahina ng sketchpad ko at sinumalang idetalye ang kanyang features sa mukha
Idinetalye ko din kung paano siya tumayo at hawakan ang mga bulaklak na ibinigay niya sa akin kahapon
Patapos na ako sa may paanan niya ng biglang lumitaw si Rada sa harapan ko, tuloy ay nalag lag ko ang sketchpad ko!
"Ms.Hale halika na at kakain kana. Alas dose y medya na, teka pamilyar ang mukha nito ah. Napaka gwapo nito sino ba ito?" Tanong ni Rada at bahagyang kinuha ang nalaglag kong gamit
"Si sir Jux ba ito? May hawak siyang bulaklak? Diba ito ang first time mong mang guhit ng mukha? Ang galing galing mo naman" papuri ni Rada at tiningnan ako
"Ayos ka lang ba? Nako halika na sa loob Ms.Hale mukhang naiinitan kana sobrang pula na ng pisngi mo" sambit niya
Dahil sa porselana kong kutis, mahahalata talaga kung namumula na ako kaya naman bitbit ang sketchpad ay sumunod nalang ako kay Rada papuntang dining area. Inilapag ko muna sa coffee table ang sketchpad ko, ilang minuto ang lumipas ay natapos ako
Didiretso na sana ako sa kwarto upang mag syesta ng may dumating at bumukas ang gate namin ng nilingon ko ay isang taong hindi ko inaasahan ang nakita ko
"J-uux?" Patanong kong sambit sa sarili ko
Ng makapasok siya ay agad kumilos ang kasambahay namin upang kunin ata ang itinawag ni daddy sakanila at maibigay kay Jux. Ng nilingon niya ako ay gulat na gulat pa akong nag iwas ng tingin. Nahagip ng tingin ko ang sketchpad ko sa may coffee table sa gilid niya! No! Makikita niya!
Tatakbuhin ko na sana ang sketchpad ko ng nauna siyang maupo sa may upuan doon at kinuha niya ang sketchpad ko at marahang binuklat buklat hanggang sa mapadpad siya sa halos hindi ko pa tapos iguhit kanina!
Nilingon niya ako ng may salubong na kilay. Tumayo siya at pumunta sa kinaroroonan ko.
Abot abot ang tahip ng puso ko dahil sa ginawa niya. Kasing pula nadin siguro ng hinog na makopa ang mukha ko dahil sa hiya!
Nakita niya ang sketch kong mukha niya! Hindi lang mukha niya! Buong detalye ng katawan niya kahapon! Im doomed!
"You love sketching of buildings?" Tanong niya sa accent na gustong gusto ko
What? Gustong gusto?
"Y-es, past time" sagot ko.
"Hmm. You must pursue architecture" sagot niya
"Maybe, If daddy wants me to take up what I want" sambit ko
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil sa kaba. Kailangan ko na talagang magpa check up
"You have a sharp mine though, na alala mo parin ang ayos ko kahapon" sagot niya sabay ngisi
Umiwas lang ako ng tingin dahil sa hiya. Baka iba ang isipin niya!
Hindi pa ako naka sagot ng bigla ulit siyang nagsalita
"I love it even it is not finish yet. Finish that then give it to me after" sabay abot niya sa akin ng sketch pad ko at ginulo ang buhok ko
"Aakyat na ako" pa alam ko at tumalikod sakanya at tumakbo papuntang kwarto ko
Sinarado ko agad ang kwarto ko dahil sa kaba at hiya na nararamdaman ko
Lumingon ako sa may walk in closet ko ng makita ang sarili ko sa salamin
Pulang pula ang pisngi ko! Damn it!
BINABASA MO ANG
Infinite Chase
RomanceHale is the heiress of the VWC. Her life is perfect not untill one day, her mom and dad met an car accident. She was so devastated that she have no choice but to stand alone and act as CEO in their company. Untill she met a guy who is willing to be...