CHAPTER 18

16 0 0
                                        

Pagkatapos ng pag uusap naming yon ni Exel nag desisyon akong lumabas nalang at iritang naglakad papuntang gate. Naiinis nadin ako sa sarili ko dahil diko alam kung bat ba ako umaarte ng ganito.

"What the hell is your problem Hale" bulong ko at ng makarating sa gate ay agad akong nag tawag ng taxi sa gilid ko

"Kuya, sa Levi Ville po" sabi ko sa driver at agad naman nitong pina andar ang sasakyan

Habang nasa byahe ay naka titig lang ako sa labas habang salubong na salubong ang kilay, naiinis parin ako kapag na alala kong may asawa na ang isang yon. Pakiramdam ko naloko ako

"Naloko? Bakit? Ano mo ba siya Hale? Ikaw ang naniwalang single siya" bulong bulong ko pa.

Hindi ko namalayan na naka rating na pala ako sa bahay nila Exel, kaya nong tinawag ako ng driver ay dali dali akong nagbayad ng bill at lumabas

Pinagbuksan ako ng mga maids nila Exel sa magara nilang gate at dumiretso naman ako sa loob ng bahay nila

"Ma'am Hale nasa kwarto niya po si Maam Exel naliligo pa po ata, pumasok nalang daw ho kayo doon"

Tinanguhan ko na lamang siya at umakyat sa engrande nilang hagdan. Side to side ang hagdan nila Exel, nasa may bandang kanan ang kwarto niya kaya sa kanang hagdan ako dumaan

Dahil sa madalas naman ako dito noon hindi na ako mahihirapang hanapin ang kwarto niya, bukod sa kwarto niya lang ang may naiibang kulay ng pinto

Pumasok ako sa kwarto niya at padabog na umupo sa sofa niya, dinig na dinig ko ang tunog ng shower kaya alam kong nasa banyo pa siya

Napalingon ako sa veranda kaya naman tumayo ako binuksan ang sliding door doon at lumabas, kitang kita doon ang berdeng tanawin at halos masilaw naman ako dahil sa sinag ng araw

Hinila ko ang isang upuan doon at pabagsak na umupo, naka halukipkip akong tinanaw ang tanawin sa harapan ko ng may marinig akong tumikhim sa likod ko

"Hindi mo naman sinabi na gusto mo ng mag aral ng mag aral, maraming paper works si kuya sa office niya gusto mo ba siya tulungan?"

Biro ni Exel na hindi ko naman makuhang tawanan. Kaya naman naka simangot na nilingon ko siya at inirapan

"Wag moko artehan Hale ah, dati ikaw tong nagrereklamong araw araw pumapasok ano namang nakain mo at dito ka nag iinarte ha?"

Prangkang tanong ni Exel, ganyan na ganyan siya wala naman akong pakealam kung anong iisipin niya kasi kahit ganyan yan the best parin siyang kaibigan

"Do you have donuts here Ex? If you dont mind ayaw ko ng Pizza"

Sarkastiko ko namang sagot at bigla niya lang akong tinawanan.

"Ha! I knew it! Magbibihis lang ako, wait for me" sagot niya at nilayasan ako

"Naka bathrobe pa, lalabas pa dito" bulong bulong ko pa at tumayo para mas matanaw pa ang tanawin sa baba

Ilang minuto pa ang lumipas ng bumalik si Exel kasama ang hand maiden niyang hirap na hirap sa dala dalang box ng donuts!

1,2,3,4,5,6,7--10 boxes of donuts? Wtf!

"What the hell! Ten boxes of donuts? What do you think about me? Baboy? Wth Exel!"

Sigaw ko pa sakanya pero ngingisi ngisi niya lang akong tiningnan at padabog na inilapag lahat ng box na dala niya

"Enah, paki dalhan siya ng isang galloon ng juice ha?"
sarkastikong sambit ni Exel sa hand maiden niya at tatawa tawa namang tumango naman ito sakanya

Umalis si Enah at binalikan naman ako ng tingin ni Exel at padabog na umupo sa harap ko. Binuksan ko naman ang isang box ng donut at inis na kinuha ang isa at nilamutak

"Hindi ko alam na patay gutom kana ngayon Hale" pang aasar niya pa at tatawa tawa naman siyang kumuha din ng kanya

"Alam mong ganto ako kapag may iba akong nararamdaman Exel kaya wag na tayong mag lokohan dito" bugnot ko pang sagot

"Tss, ano ba kasing inuungot mo kahapon okay ka naman! May mens kaba?" tanong niya pa

"Pumunta ako sa office ni dad at mom kahapon Ex, may ibinigay kasi ako akong portrait ni--"

Halos hingalin ako dahil hindi ko mabanggit ang pangalan ng letseng yon

"Portrait? Nino?" Litong tanong niya pa

"Portrait ni J-Jux" nakatungong sagot ko

Kasalukuyan siyang umiinom ng juice at naibuga niya ito sa harap ko! 

"Whaaaat? Portrait? Kelan kapa nag sketch ng mukha? Akala ko sa buildings ka lang obsess Hale!"

Ang O.A nanaman ang reaksyon niya, ganyan na ganyan si Exel. Hindi kaya ma turn off mga manliligaw nito sakanya? Dahil sa kabila ng maganda at graceful na galaw niya ganto siya umasta. Para siyang babaeng kalye ano ba to

"Kumalma ka nga Exel! Last time pumunta siya sa bahay may dalang flowers hindi ko alam kung para kanino yon pero binigay niya sakin!"

Halos lumabas ang litid ko kakasigaw sa harap niya. Pero imbis na ma intindihan ang sinasabi ko ay nagmukha nanaman siyang lito na hindi ko maintindihan

"Ano? Anong flowers? Bakit hindi ko alam yan? Kailan?" Tanong pa niya sa akin

Inirapan ko lamang siya at ipinaliwanag sakanya ang nangyaring iyon

"Nag dinner kami, kasama ang business partner ni mom and dad sa tagaytay, kasama si Jux and that girl I don't know her name. Na asawa pala niya. Anak siya ng business partner ni dad and mom"

Gigil na paliwanag ko sakanya ng ma alala ko ang nagyare kahapon. Kumukulo talaga ang dugo ko, pakiramdam ko naloko ako

"Ano naman kung may asawa siya?"

Biglang tanong niya. Kaya naman nanlalaking mata ko siyang tinignan!

"You're not getting my point Exel! I feel so betrayed the fvck all this time naniwala akong single siya!"

Hingal na hingal kong paliwanag sakanya at siya naman ay parang tangang naka tunghay sa harap ko

"Umamin ka nga Maria Hale, may gusto ka kay Jux no?"

Prangkang tanong ni Exel sakin kaya naman bayolente akong umiling iling

"Anong anong may gusto? Ang tanda tanda na non Exel for God sake!" sagot ko pa

"Minsan mas madaling paniwalaan ang ikinikilos kaysa sa sinasabi, Hale kaya hindi mo ako maloloko"

Tumayo siya kaya naman nagtaka naman ako sa ginawa niya

"Teka! San ka pupunta!" Tanong ko pa

"Kukuha ng swim suit mag swimming tayo sa baba para lumamig ang ulo mo"

Sagot niya at kinindatan pa ako. Umalis siya at wala naman akong choice kundi lumingon sa ibaba.

"Ano ba kasing problema ko?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Infinite ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon