CHAPTER 12: THE BALL (PART 2)

18 3 0
                                    

Inalalayan ako ni Rada magpunta sa kwarto upang magbihis. Isinama ko ang tita ko dahil sa kagustuhan niyang matulungan ako

5:30pm ng natapos ang pagme make up sa akin, kaya  pina akyat ako agad at pinagbihis nasa kama ko na ang lahat ng makita iyon ng aking tiyahin

"Aba, your mommy raised you so well huh! Napaka ganda ng taste mo sa damit iha! Halika na at isuot mo na!" tili ni tita Stephanie

Nang naisuot ko na ang damit ay kinuha ni Rada ang sapatos kong itim na ipinares ko sa aking suot dala ang LV na naglalaman ng lahat ng kakailanganin koy inabot sa akin ni Rada

"Halika na Iha, bumaba kana at magpapa picture pa ang team ko sayo for their documentation" sambit pa ni tita

Matapos ang ilang minuto, inaya ko na ang aking driver para umalis ilang ulit pa akong pina alalahanan ni tita sa lahat. Paglalakad, poise at iba pa.

Sa CH gaganapin ang party kaya ng maka rating ako ay dumiretso na ako sa loob ng Hall ng may naka latag na red carpet. Bahagya pa akong nailang ng napansing naka agaw ako ng atensyon ng karamihan

Agad kong hinanap ang bestfriend ko ng nakitang bumukas ulit ang entrance ng venue dahil sa pag dating niya

"Omygoodness Hale! You really look like a goddess of Olympus! I mean such a good looking lady! Mukha kang sikat na artista ng HollyWood" tili niya,

"Ikaw din Exel, mukha kang sophisticsted na tagapagmana sa suot mo you really look good" biro ko

Nagtayuan ang mga nasa kani kanilang lamesa ng narinig ang tili niya dahil sa hiya ay inaya ko na siyang maghanap ng pwesto

Naglakad kami sa red carpet para sa entrance. Nahagip pa ng tingin ko si Lizel at Diel sa isang lamesa I tasted bitterness inside me pero hindi ko hahayaang sirain non ang gabi ko

May mga school photographers pa ang kumuha ng litrato namin ng nakahanap kami ng upuan ni Exel sa lamesa ng kaibigan namin

"The Campus Twins are here! Hahaha" hiyaw ni Lecy ng makita kaming papalapit nagtayuan ang iilang kaibigan namin at mga hindi pamilyar na mukha na naroon sa lamesang iyon

"Hindi talaga kayo nabibigo sa pagkuha ng atensyon ng karamihan unintentionally no? Napaka ganda niyong dalawa pero mas triple ngayon" sabat ni Diana na isa sa mga kaklase namin ni Exel

"Oo nga, napaka ganda niyo talaga" saad pa ni Rica habang tumayo at bumeso sa amin ni Exel kasama ang ka holding hands niyang lalaki

Napansin niya na nakatingin ako sa kasama niyang pamilyar sa paningin ko, saan ko nga ba nakita ang isang to

"Ohh by the way, this is my boyfriend Mikel Godwell, baby this is Exel and Hale they are my friends also" pakilala ni Rica sa amin

"Goodevening" kinamayan kami pareho ni Exel sa pagtataka ko ay naisatinig na ni Exel ang tanong ko

"Are you related with Sir.Godwell? I mean Professor Jerald Godwell?" Tanong ni Exel

"Yes, he's my elder brother" sagot niya pa

Hindi na naki sali pa si Diana at Lecy dahil sa busy na silang dalawa sa pinag uusapan nila kaya naupo na kami pare pareho ng biglang nagsalita si Lecy

"May special guest daw tayo ulit ngayon at para sa pagpili ng mga awards! And guess who?" Pabitin na sambit ni Lecy

"Hulaan ko, si sir Jerald?" tanong ni Diana

Sabay sabay naming nilingon ang kapatid niya nagkibit balikat na lamang ito

Hindi raw pumupunta sa ganitong okasyon ang usap usapang hot professor na si sir Jerald, an english professor na suplado kaya ganon ang assumption nila

Ilang minuto ang lumipas ng nagsalita ang emcee

"Goodevening yuenians!"

Agad namang naghiyawan ang naroon

"Ohh alam ko ng lahat kayo ay excited na sa program o sige hindi ko na patatatagalin"

Nagsimula ang programa sa opening prayer at sa iba pang karaniwang ginagawa kapag may programa ng matapos ay nagsalita ang emcee

"Ohh ngayon! Excited naba kayo sa dance number ng ating dance troupe?!"

Naghiyawan ulit ang naroon kaya naki hiyaw nadin ako. Nang lumabas ang dance troupe ay bigla kong namiss ang isa sa mga passion ko, ang pagsasayaw

Nagbalik lahat sa akin ang ala ala noong nagsasayaw pa ako. Napaka galing noong nasa gitna. Siya siguro ang presidente ng grupo

Ng matapos ay tulala na ako at hindi ko na maintindihan ang sinasabi ng nasa harapan kaya ng sinigawan ako ni Exel ay nainis pa ako sa gulat

"Ano ba Ex" irita ko pang sambit

"Anong Ano ba Ex? Kanina pa kita tinatanong dika naman sumasagot! Tinatanong kita kung ayos ka lang ba pero tulala ka padin. Anong iniisip mo?" Tanong niya

Nilingon niya ang stage at binalingan ako

"Hays, gusto mo ba magsayaw ulit? Namiss mo? Sige sasabihin ko kay Missey. Kilala ko iyon dahil kaibigan niya si Lex-- I mean kilala ko nga" medyo nadulas na sambit niya.

She dont need to hide anything from me dahil alam ko naman kung ano ang sinasabi niya.

"Sino doon? Iyong nasa harapan na babae ba? Na magaling siya ba ang presidente?" Kunware pang tanong ko

"Oo, si Missey Lourd, graduating na ata iyon kaya naghahanap ng papalit na Presidente" sagot niya

Napag usapan namin ni Exel na gusto ko ulit magsayaw, kaya noong nagkaroon ng pagkakataon ay tinawag niya si Missey upang mapalapit sa table namin

"So sino sa kaibigan mo ang gustong sumama sa grupo Ex?" Tanong ni Missey kaya naman ako na ang sumagot

"Ako po, kailan po ang Audition? Ano pong kailangang tugtog? Anything po ba?" Magalang kong sabi considering na mas ahead siya ng ilang taon

"Nako, ikaw pala Hale. Wag ka ng mag audition dahil alam kong magaling ka sa pagsasayaw dahil napapanuod kita noon pa, schoolmates tayo noong grade school mo" sambit ni Ate Missey

Kilala niya ako?

"Naku! Ate nakakahiya po baka may masabi ang iba" nahihiya ko pang sagot

"Naku Hale, ako na ang bahala i update nalang kita kung tuwing kailan ang practice kukunin ko nalang kay Exel ang numero mo ha?" Sagot niya at tumayo na

"Magpapalit muna ako ha, O.p ako sa suot niyo e AHAHAHA" sagot pa niya at magiliw na umalis

Lilingonin ko na sana si Exel para sa masayang balita ng nakita siyang naka tanaw sa may Entrance at doon, natanaw ko ang tatlong pigura

Maingay na nagtitilian ang lahat ng naroon ng pumasok ang tatlo kaya naman nagsalita ang emcee upang ipaalam ang pagdating ng inaasahang mga bisita

"The three guests that we are expecting are here! So let us give them a warm of applause" maligayang anunsyo ng emcee

Why are they here?!

Infinite ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon