MEN IN ACTION
series 3:VENOM MONTECRISTO
Chapter 1:
"Ipinatawag ko kayong dalawa para inyong magiging mission..." umpisa ni Ervine.
Napakunot-noo si Venom. Nakangiti kasi si Ervine habang nagsasalita... Ang aga-aga pa ah?
"Teka, para saan naman ang ngiti na iyan?" hindi nakatiis niyang wika.
"Wala, trip ko ngang ngumiti.. Masama?" sagot ni Ervine sa kanya.
"Hmf! Sungit!" pakli niya.
"Tumigil ka na nga Venom. Makinig ka na lang." wika ni Rock na katabi niya.
Kung si Ervine, masungit... Ang Rock naman na 'to, suplado. Bagay dito ang pangalan nito kasi mukha itong walang nararamdaman. Blangko palagi ang expression ng mukha. Tumahimik na lang siya at bumuntung-hininga. Tumingin siya sa mga C.O. niya. Kina Ervine at Siege.
"Ang magiging mission niyo ay hanapin ang isang Underground Syndicate na kumukuha ng mga bata sa iba't-ibang bayan... Ayon sa aming source, dinadala ang mga batang iyon sa isang lugar sa bayan ng Santa Catalina.. I-locate niyo ang lugar at magsasagawa agad tayo ng rescue operation... Ang magiging cover niyo dito ay mga Doktor na magbibigay ng Medical Mission. Nakipag-coordinate na kami sa mga opisyal ng bayan at naayos na namin ang lahat..." seryosong wika ni Siege.
"Mga bata na naman? May kinalaman na naman ba kaya dito ang Advance Tech?" biglang tanong ni Rock.
Napakibit-balikat si Ervine.
"Hindi natin alam dahil malabo pa sa ngayon ang motibo kung bakit kinukuha ang mga bata... Pero huwag naman sana... Kapag nagkataon, parang mga daga nagagamitin sa experiments ang mga batang nakuha nila." gigil na naikuyom ni Ervine ang mga kamao.
"Heto ang folder... Nandiyan ang lahat ng detalye na kailangan niyo."
Iniabot ni Siege kina Venom at Rock ang mga folder at agad naman nilang kinuha.
"Okay... Lalarga na kami agad para masimulan ang mission na ito." nakangiting wika ni Venom...
"Yupz... Tatawagan namin agad kayo kapag na-locate na namin ang lugar." ayon ni Rock.
"Good luck!" halos sabay na wika nina Ervine at Siege.
Umalis na ang dalawa at agad na sinimulan ang kanilang mission... Malayong probinsya ang Santa Catalina mula sa siyudad ng Osiris... Malamig ang klima ng lugar dahil napapaligiran ng maraming puno at bundok.
Marahas na napabuntung-hininga si Abby habang nakatingin sa mga kasama niya... Pagkatapos ay bigla siyang napasimangot sa mga ito. Sa kanya tumutok ang bote...
"Anong gagawin ko?" napasimangot niyang wika.
Ngumiti ng pilya sa kanya ang bading niyang kapatid na si Gida ( Gideon sa totoong pangalan ).
"Kakanta ka, ate..."
"What?! Nananadya ka ba? Ang daming tao dito sa restaurant, tapos..." nanggigigil niyang wika.
"Ano ka ba ate? Huwag ka namang unfair.. Kumanta at sumayaw na kami ni Mamu Fernanda kanina noong tumutok sa amin ang bote. Buti nga ikaw, pinapakanta ka lang namin. Tsaka, maganda naman ang boses mo. Tiyak, madami kang mabibiktima."

BINABASA MO ANG
MEN IN ACTION 3: Venom Montecristo
RomanceBadtrip na badtrip si Abby doon sa lalaking pumuna sa kanya sa restaurant noong kumakanta siya. Sabihan ba naman siyang pangit ang boses at hindi na nito malasahan ang pagkain dahil sa kanta niya? At ang kapal ng army boy na iyon na ligawan siya par...